Chapter 7

174 5 0
                                    

 Chapter 7

JELA

"SIGE, Lara" paalam nya sakin pagkababa ko ng sasakyan nya.

Ano'ng tinawag nya sakin?

"What? Ano'ng tinawag mo sakin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Lara," ulit naman nya then he smiled.

Umalis na sya kaagad bago ko pa naitanong kung bakit.

"Tsh. Pauso!" sabi ko pero sa sarili ko na lang.

Pumasok na ko sa loob ng bahay namin.

'Lara..,'

Ano ba 'to? Paulit-ulit sa isip ko ang pagtawag nya sakin ng 'Lara'? Nahihibang na ba ko? Hala! May sapak na yata ako sa utak. Waahh!!

Dumiretso ako sa kitchen at binuksan ang fridge namin. Uminom ako ng tubig. Kumuha rin ako ng cookies, dadalhin ko sa kwarto ko.

Nagbihis muna ako ng pamtulog na. Kinuha ko yung laptop ko at ini-open ko yung FB account ko. Tagal ko na palang di nag-oopen.

Hala! Ang dami ng nasa Notif ko. 120?! Eh 5 days pa lang akong di nag-oopen ah?

Binasa ko ang iba.

'Duh! Yang babaeng yan, laruan lang yan ni Papa Simon! Tsh.! Ipinakilala lang sa ibang tao, nagfi-feeling na?!' -basa ko sa isa.

Aba't?!——Hmp! Wala akong paki sa 'Papa Simon' nyo 'no?

May iba ding natutuwa pero mas marami yata ang naiinis.

May mga nag-add din sakin. Tiningnan ko kung sino.

May mga babaeng di ko kilala kaya in-ignore ko sila. At may napansin ako .. in-add ako ni Simon.

Napa-isip ako kung ico-confirm ko ba o hindi? Pero kinomfirm ko naman -___-

Nakadapa ako sa kama habang nakatutok sa laptop ko at kumakain ng cookies.

Na-curious naman ako sa account nya. Matingnan nga.

Oooh .. Ang gwapo pala talaga nya? Waahh! Oo na, I admit it! Gwapo sya! Ang sinungaling ko naman kung ipagpipilitan kong hindi!

Tiningnana ko yung ibang photos nya. Teka! Pangi-stalk na tong ginagawa ko eh! Hayaan mo na nga .. wala namang nakakaalam eh. Wahahaha :D

Puro ganon lang naman. Nakakasawa. ini-home ko na yung account ko.

Tinamad na ko. Kaya in-off ko na yung laptop ko ay itinabi na.

Nahiga ako. Na-realize ko .. mabait naman pala sya base sa attitude na ipinapakita nya sakin kanina. Hmp! Baka pakitang tao lang.

Hindi naman talaga sya yung lalaking nanghipo sakin sa bar nung unang punta ko dun. Tsaka ko lang naalala yung mukha nung jeprox guy na yun ng ipagpilitan nyang hindi naman talaga sya.

Ayokong magin nice sa kanya pero kinoconvine ako ng utak ko na hindi ko na dapat sya tarayan. Ano yon? Kakampi nya utak ko ganon?

Compare sa ibang lalaki na umaaligid sakin before, sa kanya lang ako tumatagal--tumatagal makisama ah. Kasi naman, kahit ano yatang gawin kong pagtataray dun eh lalapit at lalapit sya.

Hahayaan ko na lang ba syang kulitin ako ng kulitin? Tsh, Ewan ko ba!

Inubos ko na lang ang cookies ko at naglaro na lang ng games sa cellphone ko.

——

GABI na pala. Tapos na rin na kong mag-dinner.

Bumalik ako sa kwarto ko at sinindihana ng TV, magi-start na kasi yung inaabangan kong show eh.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon