Chapter 43

123 4 0
                                    

Chapter 43

LALAINE

PANG-ILANG dial ko na 'to kay Jela pero ayaw pa rin nyang sagutin. Nasa'n na ba yon? Ganon ba talaga sya ka-busy?

Gusto ko lang malaman ang detalye kung ano bang nangyayari sa kanila ni Simon. Naiinis na ko sa mga yon!

Nalaman ko lang kay Kris kanina, nung tawagan daw nya si Simon sabi nito, naghiwalay na daw sina Simon at Jela! Pinuntahan pa namin si Simon sa unit nito pero ayaw padistorbo eh.

At eto ngang berat kong Best Friend, ayaw pang sagutin ang tawag ko. Ano na bang nangyayari don?

Bigla nang naagaw ang pansin ko ng bumukas ang pinto.

"Jerold!"

Hindi ko akalain na si Insan pala yon?

I hugged him. "Bakit ba hindi ka nagsasabi na uuwi ka?" tanong ko.

"Wala lang. Bakit ba parang wala ka sa sarili kanina?" he said.

"Si Jela kasi eh, ayaw sagutin ang mga tawag ko. Gusto ko yung makausap eh!" balik dial ulit ako kay Jela.

"Bakit? Di ba kayo nagkakausap?" tanong nya.

"Ilang linggo na, ayaw nyang magparamdam eh. Alam ko kapag ganon yon, may iba don. Kaya di ko na lang muna sya inaabala, pero ngayon .. di ko alam kung bakit nag-break sila ni Simon!" pagsasabi ko sa kanya.

Naupo sya. "Nag-break pala sila dahil don .." he said.

Napakunot noo ako. May alam ba 'to? Nilapitan ko sya.

"Hoy, anong dahil don? May alam ka ba ha, Jerold?" taas-kilay na tanong ko sa kanya.

Lokong 'to! Tinitigan pa ko bago ako sagutin.

"Magkasama kasi kami ni Jela kanina" sagot nya.

"What?! Nagselos na naman siguro sayo yon kaya ganon! Alam mo bang nag-off yung dalawa na yon dahil ayaw magpadistorbo ni Jela sa problem-thingy nya at naloloka na si Simon dahil don .. tapos makikita na magkasama pa kayo? Syempre, mag-aalboroto yon!" react ko.

"Alam ko" calm lang na sagot nya. "Pero mali si Simon kung hinayaan nyang unahin ang selos nyang yon, dahil hindi nya naiintindihan ang situation ni Jela ngayon. Wala syang tiwala kay Jela kung ganon"

Natigilan tuloy ako. Oo nga 'no? Tsh.

Tumayo ulit sya and took some steps. "Inihatid ko lang si Jela dahil nakasalubong ko sya sa daan, mabuti na lang din at naihatid ko sya .. magulo ang isip nya ngayon, tapos sinabayan pa ni Simon. Tsh"

"Magulo ang isip ni Bes ..? Bakit?" tanong ko.

Napatingin ulit sya sakin. "She finally found her Father. At si Tito Ralph pala yon .. Ralph Mendez"

Literal na nanlaki yung mata ko sa harap nya dahil sa sinabi nya. Jela found her Father now and .. Tito Ralph Mendez? Di ba sya yung Father ni .. Charmaine? So ..

"No, hindi sila magkapatid" sagot kaagad ni Jerold ng ma-gets siguro ang iniisip ko.

"Ha? Eh di ba Father din sya ni Charmaine ..?"

"Step-Father sya ni Charmaine"

Ah .. Ganon pala? Akala ko eh. Akala ko lang talaga.

——

LARA

NANATILI lang akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Kanina pa ko gising pero wala pa akong ganang bumangon.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon