Chapter 8

168 3 0
                                    

Chapter 8

INIHINTO na ni Simon ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking building.

Teka, condominium 'to ah?

"Hey, bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya pagpasok namin ng lobby.

"Dun tayo sa unit ko" sagot ko.

Psh. May pa'you will see-you will see' pa!

 Ha——ANO?! So, kaming dalawa lang sa unit nya?!

 "Tayong dalawa lang?" tanong ko ulit sa kanya.

"May iba pa ba tayong kasama right now?" balik tanong nya sakin.

Inirapan ko na lang sya.

Sumakay na kami sa elevator.

Naglalakad kami ngayon sa isang pasilyo ng makababa kami sa 3rd floor nitong building.

Huminto sya sa tapat ng isang pinto na may nakalagay na '143'. Aba, ang galing ng number ng unit nya ah.

Binuksan naman na nya yon.

"Come in,"

Pumasok na kami sa loob.

Pagkapasok namin sa unit nya, inaasahan ko na marumi, makalat .. pero mali ako.

Dahil .. Wow! Ang linis ng unit nya ah! Ang ayos! Daig pa ang sarili kong kwarto.

"Ikaw lang mag-isa dito?" tanong ko sa kanya at naupo ako sa sofa.

"Oo" sagot nya. "Stay here, may gagawin lang ako sa kitchen" paalam nya sakin.

"Okay,"

Iniwan na nya ko sa sala.

Tumayo ako at tinignan yung mga naka-display na picture nya. Wala man lang nung bata pa sya.

Ganun lang ginawa ko habang hinihintay sya.

Pagkalipas ng halos isang oras ata ..

"Let's eat, Lara"

Sumunod na ko sa kanya sa kitchen ng unit nya.

Hmm .. Ang bango naman ng amoy ng pagkain! Bigla tuloy akong nagutom.

Tinignan ko yung nakahain sa mesa. Adobo and .. Corn soup?

"Maupo ka na" sabi nya.

Naupo naman na kami. Magkatapat kami sa lamesa.

Hindi na ko nahiya pa, nanguna na kong kumain dahil natakam na ko.

And Oh! Ang sarap naman!^___^

"Simon, sino'ng nagluto? Nagpa-order ka ba?" tanong ko sa kanya habang patuloy ako sa pagkain.

"No, luto ko yan 'no!"

Muntik na kong masamid. Ano daw? Seriously?

Sa bagay, naalala ko pala yung nabanggit ni Lalaine sakin. HRM student nga pala si Simon.

Ang galing naman ng taong 'to. Ang linis na sa bahay, ang galing pang mag-luto.

May tinatago pala syang ganitong galing? O marami na ring may alam? Lalo na yung mga naging babae nya.

Well, talagang daig nya ko. Wala akong talent sa mga ganito eh kundi ang kumain lang! ^___^V

"Saan ka naman natutong magluto?" tanong ko sa kanya.

"Except sa nag-aaral ako bilang isang HRM Student ngayon, natuto ako sa mother ko" sagot nya.

Tumango-tango na lang ako.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon