Chapter 41
LARA
AFTER a week .. ngayon na ko nagkaron ng lakas ng loob. Papunta na kami ni Mimi sa taong kailangan ko ng makausap.
Nakadungaw lang ako sa bintana ng sasakyan at tinatanaw yung bawat madaanan namin. I think, malapit na kami. Heto na yung kaba ko eh.
Tumingin ako sa wristwatch na suot ko. 5:30 pm na pala, mag-gagabi na.
Ilang sandali lang, hininto na ni Mimi yung sasakyan.
"We're here. Yan na yung bahay, Lara" Mimi said.
Tinitigan ko lang yung harap ng bahay. Malaki, halatang may pamilya na ngang iba ang Papa ko.
"Sigurado ka ba na hindi na kita kailangang samahan para makausap si Tito Ralph?" tanong naman nya.
Nginitian ko sya. "Kaya ko na 'to"
Tumango na lang sya. Tuluyan na kong bumaba sa kotse ni Mimi.
"Good luck, Lara. Sana .. masagot na yang mga katanungan mo" she said.
"Salamat, Mimi"
Nginitian nya na lang ako at tuluyan na syang umalis.
Lumapit na ko sa gate. Bago ako mag-doorbell, I took a deep breathe, pampawala ng kaba.
Then, pinindot ko na yung door bell at hinintay na may lumabas.
Ilang sandali .. may lumabas na matandang babae.
"Ay, ano po yon? Ano pong kailangan nyo?" sabi nung matanda ngayon sa harap ko.
"Ahm .. dito po nakatira si .. Mr. Ralph Mendez di ba?" tanong ko.
"Ay, dito nga. May kailangan ka ba sa kanya, Miss?" balik tanong naman nito.
"A-Ah .. pwede ko po ba syang makausap? Nandyan po ba sya ngayon?"
"Ah, oo .. nandito ngayon si Sir. Ano bang pangalan mo ng masabi ko sa kanya kung sino yung naghahanap?"
Napatingin ako kay manang. "Pakisabi po .. J-Jedi Lara Gomez po ang pangalan ko"
Tumango lang si manang at bumalik na sa loob. Naghintay na lang ako na sana pumayag sya.
Ilang sandali lang ..
"Ayun po sya, Sir" narinig kong boses ni manang. Kaya napalingon ulit ako doon.
May kasama na si manang. A Man. I think .. sya na kaya yan? Hindi sya nalalayo sa age bracket ni Mama eh.
Napatitig lang ako don sa lalaki. Pilit kong hinahanap sa kanya yung description ni Mimi sa Papa ko. At mukhang ..
"Lara .." di makapaniwalang pagtawag nya sakin. Nanatiling nakatitig lang ako sa kanya.
Kaagad nya kong nilapitan at pinagbuksan ng gate.
Tinitigan nya ko from head to toe na parang kinikilatis. "Jedi Lara Gomez ang pangalan mo, Ihja?"
"Ah .. Yes? Kayo na po ba si ..?"
At nabigla na lang ako ng masayang niyakap nya ko ng mahigpit.
——
HINDI ko sa kanya binabaling ang tingin ko. Ayoko. Eto, ramdam ko na yung inis——No, galit na siguro 'to sa kanya.
"Hindi ako makapaniwala na .. nasa na kita ngayon .. salamat at nagkita ulit tayo"
Napatingin na ko sa kanya. "Ikaw po pala ang Papa ko .." I said.
"Ikaw si Jedi Lara, ang anak ko. Malamang siguro .. Mama mo ang nagpapalit sa apelyido mo. Naalala ko, ikaw yung babae sa Mall na nagbalik ng wallet ko, tama?" sagot naman nya.
BINABASA MO ANG
Treasure You
RomanceIsa si Jedi Lara Gomez, also known as Jela, sa ilang mga tao sa mundo na nagtatawa na lang patungkol sa pagmamahal na sinasabi ng mga tao sa paligid. Pero masasabi ring ISA rin naman siya sa mga taong nagtatanong ng tunay na kahulugan no'n. ...