"Oh tapos?" Tanong ni ryn bago kumagat sa hawak na sandwichKinwento ko kila lyn yung tungkol sa bisita ni dad kagabi, at heto silang apat nakatitig sakin naghihintay ng susunod na kwento, break time kaya nandito kami sa canteen..
"Sinabi nya may sasabihin daw sya sakin kaso naputol yung usapan namin bigla kasing dumating si ate cheska." Sagot ko naman
"Haaayyy ano ba yan bitin!" Inis na sabi ni lyn
"paano kung sabihin nya may gusto sya sayo?" Pie
"Eh? Ano kaba moks imposible yun."
"Letse! Kunwari lang naman.. OA mo ah! If i know nagaassume ka din!" Pie
Hindi nalang ako umimik dahil tapos na ang break time naglakad na kami papunta sa room, nakasalubong namin si gab
"Hi girls! Hi rei how's your day?" Tanong ni gab kay rei habang eto naman si moks ngiting ngiti
"Okay lang naman! san ka pupunta?" Rei
Binabalik balik ko ang tingin sa dalawa iba yung tinginan at ngitian eh hindi pwede ito!
"May hihiramin lang akong libro sa kabilang room, sige ah mauna na ako!" Tumango naman kami tatalikod na sana sya ng bigla ulit syang magsalita
"Shen!! Nga pala sabi ni D punta ka daw sa rooftop mamaya may sasabihin sya. Yun lang naman, dami nya ginagawa kaya pinasabi nalang sakin. Sige bye!" Naglakad na sya palayo, napansin ko na nakatingin sakin tong apat na chismosa
"Oh bakit? Ang chismosa nyo talaga! Tara na nga baka malate tayo." Tumakbo ako papunta sa room at iniwan sila.. kinakabahan ako eh ano kaya sasabihin nya! Paano nga kaya kung sabihin nyang gusto nya ako at manliligaw sya! Anong gagawin ko! Siguro kailangan ko na ihanda isasagot ko! Omg!
*class dismiss*
Nagpaalam na ang apat na mauuna na silang umuwi, nagayos muna ako bago lumabas ng room, pupunta na akong rooftop baka nandun na si dustin, naglalakad ako ng may biglang humarang sa daan ko isang lalaki may hawak na bouquet ng flowers na nakaharang sa mukha nya kaya hindi ko makilala kung sino sya.. dahan dahan nyang binaba ang flowers, nakangiti sya sakin, parang gusto ko na umiyak..
"R-roby!" Hindi pa din ako makapaniwala na bumalik na sya
"Hi shen! miss me? Haha surprise!" Niyakap nya ako pero ako speechless pa din "hey! say something! Masyado ba kitang nagulat sa pagdating ko? Sorry na hindi ko talaga sinabi sayo eh." Tinanggal nya ang pagkakayakap sa akin
"Nakakainis ka! Sobrang namiss kita eh. Dito ka na ba? hindi ka na aalis?" Tanong ko
"Yes baby hindi na kita iiwan. Nakausap ko na si mom na dito nalang ako magstudy buti pumayag sya."
"Wow talaga? Yeeeeyyy magkakasama na tayo ulit!!" Natutuwa talaga ako na makita ulit si roby..
"So saan tayo? Nagugutom na ako ilibre mo ako ng ice cream."
"Ikaw kaya ang manlibre mas madami kang pera kesa sakin!"
"Oh sige na nga.. haha tara!" Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad kami palabas ng school, may bigla akong naalala
"R-roby wait! May nakalimutan ako! Hintayin mo ako sa labas saglit lang ako!!" Tumakbo ako pabalik, si dustin. Hinihintay nya ako! Nakalimutan ko sya ang sama ko. Binilisan ko ang takbo at akyat papuntang rooftop pero pagdating ko dun wala sya! Wala si dustin! Bigla akong nalungkot. halos sampong minuto din akong nakatayo lang dun. Wala sya dahil hindi talaga sya pumunta o wala na sya dahil nainip sa paghihintay. Haayyy dustin naman! Bumaba nalang ako pupuntahan ko nalang si roby. iniisip ko talaga si dustin -_-
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!