*ryn povHell yeah this is it! We're on our way na sa meeting place kung saan mamemeet ko ang future husband ko! Nakakainis diba wala man lang yung getting to know each other stage eh kasal agad. Kahit tutol ako wala din naman akong magagawa.
"We're here na anak!" Sabi ni mom ng huminto ang sasakyan sa isang sosyal na restaurant. Bumaba naman kami agad. Hindi ko pa din kinakausap ang parents ko hanggang sa makarating kami sa isang table na may mag-asawang naghihintay. Sinalubong nila kami ng may magandang ngiti.
"Nasaan na ang magiging future son in law ko?" Excited na tanong ni daddy. Naiinis ako na kinakabahan
"On the way na yun natraffic lang siguro. Bakit hindi nalang muna tayo magkwentuhan hanggang hinihintay natin ang anak namin!" Masiglang sagot ng matandang babae
Inabot na ata ng halos 30 minutes ang kwentuhan at tawanan nila pero wala pa din yung taong hinihintay namin. Napakapaimportante naman nun inaantok na ako.
"Oh! There he is!" Nakangiting sabi ng mtandang lalaki agad nya naman kinawayan ang kanina pa namin hinihintay. Syempre hindi ko makikita kung sino yun dahil nkatalikod ako sa entrance ng restaurant. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako, hindi ko magawang lumingon
"Hello everyone! Sorry for waiting !" Yung boses nya parang familiar. Nilingon ko ang pamilyar na boses at nabigla ako ng makita ko si andrei na nakangiti sakin
"A-andrei!" Gulat na sabi ko
"Hi loryn! Nainip kaba? Sorry ah." Umiling nalang ako bilang tugon dahil hanggang ngayon hindi pa din pumapasok sa utak ko ang nangyayari. Si andrei ang member ng split tongue, schoolmate ,classmate at naging kaibigan ko na. Sya ang papakasalan ko?
"Mukhang magkakilala na kayo ah! Mas mabuti yan para maging kumportable kayo agad sa isa't-isa." Masayang sabi ng tatay ni andrei
"Mabuti pa kumain na tayo dahil alam ko gutom na kayo kakahintay natin sa anak namin." Natatawang sabi naman ng nanay nya. Mukhang masayahin ang parents nya at mabait din.
Habang kumakain ay hindi mapigilan ang kwentuhan at tawanan ng mga parents namin. Nakikisali din sa biruan nila minsan si andrei at lagi nya akong tinatanong kung okay lang ba ako at kung may gusto pa dae ako. Iling at ngiti lang ang sagot ko.
"Pwede ko po bang masolo muna si loryn? Ihahatid ko nalang sya mamaya!" pagkasabi nya ay bigla nya hinawakan ang kamay ko at wala na akong nagawa kung hindi sumama sa kanya palabas ng restaurant, Hindi nya na hinintay sumagot ang parents namin dahil sa itsura nila ay mukhang payag na payag silang masolo ako ni andrei.
"Saan ba tayo pupunta andrei? Kanina pa tayo naglalakad eh." Halos 30 minutes na kaming naglalakad masakit na ang binti ko
"Hindi ko din alam eh." Huminto sya sa paglalakad at umupo sa bench na nasa gilid namin, dahil masakit na ang paa ko ay umupo na din ako sa tabi nya.
"Yung totoo? Hinila mo ako palabas ng restaurant tapos hindi mo pala alam kung saan tayo pupunta!" Inis na sabi ko
"Sorry ah!" Seryosong sabi nya habang nakayuko lang.
"H-ha?"
"Alam ko naman na hindi mo ito gusto! Kahit naman ako hindi ko gusto ang ganitong kasunduan."
"Pero bakit pumayag ka?" Tanong ko
"Alam mo bang apat na beses na akong hindi sumipot sa kalokohan ng magulang ko na arranged marriage na yan. Ngayon lang ako pumayag sa ganitong kasunduan nung malaman ko na ikaw ang gusto nilang ipakasal sakin." Seryoso syang tumingin sakin, hindi ko maintindihan yung puso ko parang may makina sa loob. Sobrang bilis ng heartbeat ko
"kaya ko naman gawan ng paraan na hindi matuloy ito eh. Sabihin mo lang sakin loryn kung ayaw mong magpakasal sakin!" ngumiti sya sakin at kumindat pa. Parang nag-init tuloy ang pisngi ko
"Sa totoo lang simula pa kahapon ay mabigat na ang pakiramdam ko dahil sa kasunduan na ito. Pero nung nakita kita kanina ay bigla nalang gumaan yung bigat sa dibdib ko. Kaso kasi..."
"Kaso ano?" Kunot noong tanong nya
"Ang unfair kasi diba! Wala man lang getting to know each other stage. Hindi ko man lang naranasan ligawan, kasal agad!" Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya. Narinig ko nalang ang malakas na pagtawa nya
"Yun lang ba? Wag ka magalala simula bukas liligawan na kita. Tara na masyado ng gabi ihahatid na kita!" Hinawakan nya ang kamay ko hanggang sa sumakay na kami ng taxi pero hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko kaya pakitamdam ko pulang-pula na ang mukha ko. Ano ba ryn kalma!!!!!
__________________________
*REI pov
Masyado ata akong napaaga sa school wala pa ang mga bestfriends ko. Habang naglalakad ako papunta sa room ay nakita ko naman si gab sa hindi kalayuan. Galit pa kaya sya sakin! napakunot noo nalang ako ng may kausap syang magandang babae. Sino yun! Hindi ko namalayan na papalapit na pala ako sa kanila dahilan para marinig ko ang usapan nila
"So gab ano! Ganito nalang tayo? Iiwasan mo ako? Hindi ka nagrereply sa mga text ko hindi mo sinasagot mga tawag ko! Ano bang problema?" Inis na sabi ng babae. G-girlfriend nya ba ito!
"Look cyndi! We're done! Matagal na tayong tapos diba? Bakit kailangan mo pang maghabol! Please lang tantanan mo na ako!"
"Is this because of that girl?" Nabigla naman ako ng ituro ako nung cyndi at gulat na napalingon si gab. Parang gusto ko magpalamon sa lupa dahil sa hiya. Tatalikod na sana ako at tatakbo palayo dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kaso biglang nagsalita si gab
"Yes! Kahit na hindi ako yung lalaking mahal nya. Tanga na kung tanga pero mahal ko talaga yang babaeng yan. Ngayon lang ako naging ganito dahil sa isang babae." Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa mga sinabi ni gab hindi ko akalain na sasabihin nya ang mga ganyang bagay.
"Oh well i give up!" Nilapitan ako ng babae at hinawakan ako sa balikat "you're lucky girl! Ibang iba na ang gab ngayon sa dating gab na nakilala ko and thanks to you." Yun lang at tuluyan ng umalis ang babae. Naiwan kami ni gab na walang imikan.
"S-sorry sa mga sinabi ko kanina kalimutan mo nalang yun." Malamig na sabi ni gab
"S-so it means h-hindi totoo yun?" Nauutal na tanong ko
"Ayoko lang ipilit ang sarili ko sa babaeng hindi ako mahal! Wag ka mag-alala mahal pa din naman kita kahit hindi ako yung lalaking gusto mo! Sige maiwan na kita." Tumalikod na sya at naglakad palayo sa sobrang inis ko ay binato ko sya ng sapatos ko at sakto naman tumama iyon sa ulo nya..
"What the~"
"Bwisit ka talaga! Nagdedesisyon ka mag-isa! Bakit tinanong mo ba ako kung sino ang mahal ko?" Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Nabigla man ay lumapit naman si gab sakin at niyakap ako
"I-i'm sorry!"
"N-nakakainis ka! Nasasaktan ako sa pagiwas mo. Nakakainis ka kasi grabe ka magpamiss! Nakakainis ka kasi minahal kita ng hindi ko alam kung kelan, paano at bakit!"
"R-rei!" Humiwalay sya sa pagkakayakap at seryoso lang akong tinitigan
"Ano ganun nalang! Wala kang sasabihin? Oo gab mahal din kita!" At ayun niyakap nya nanaman ako ng napakahigpit
"Thank you rei, thank you so much! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon." Bumitaw nanaman sya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat "So ano tayo na?"
"May choice pa ba ako?"
"Ofcourse wala. Halika na babe ikalat na natin ang masayang balita."
Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa room. Nakalimutan namin nasa school nga pala kami. Haha masarap pala talaga sa pakiramdam ang masabi mo ang nararamdaman mo sa taong mahal mo. Mahal ka man nila o hindi well its up to them, ang importante nasabi mong mahal mo sila. Maswerte ako kasi mahal din ako ng taong mahal ko. :)
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!