CHAPTER 8

48 3 2
                                    

Uwian na, May hinahanap yung mata ko pero di ko makita! Halos mabali na ata tong leeg ko eh!

"Hoy moks hindi ba nahihirapan yang leeg mo? hinahanap mo ba si D?" Lyn

"H-hindi ah!! Pero bat nga ba wala sya? Tatlong araw ko na sya hindi nakikita.."

"Natanong ko na yan kay mark kasi alam ko hahanapin mo sya.. may sakit daw kasi kaya di nakakapasok!"

"What? May sakit? Anong sakit? Okay lang ba sya? Nasaan daw sya ngayon?"

"Obvious ka masyado.. taas daw ng lagnat nung nakaraan pero ngayon medyo okay na daw.. pupunta ata si mark mamaya sa kanila kung gusto mo sumama ka."

Sasama ba ako o hindi? Gusto ko sya makita gusto ko malaman kalagayan nya ngayon.. nagaalala ako.. iniwan ko si lyn tumakbo ako mula 3rd floor hanggang baba at hinanap ko si mark nagbabaka sakali na baka di pa sya nakaalis at ayun swerte ko dahil nakita ko sya salamat sa tatlong babaeng higad na nakikipagpicturan pa sa kanya.

"Mark!!!" Tumingin agad sya sakin at kumaway pati ang mga babaeng higad ay nakatingin din sakin mula ulo hanggang paa ganyan sila everytime na lumalapit ako sa split tongue lalo na kay dustin sinasamaan nila ako ng tingin yung tipong parang pinapatay na nila ako sa isip nila -_-

"OH shen bakit?"

"Pupunta ka daw sa bahay ni dustin? Gusto ko sanang sumama!" Nagulat naman si mark pero nagsmile padin at tumango.. sumakay ako agad sa kotse nya baka mamaya bigla akong iwanan eh.. wala pang 1 hour ng makarating kami sa bahay ni dustin nasa labas palang kami lakas na ng heartbeat ko!! Jusko kinakabahan ako bakit ganito! Kumatok si mark pero walang sumasagot nakailang katok sya sa pinto ako naman nakatayo lang halos di ako gumagalaw.. narinig namin yung pag unlock ng pinto.. si dustin ang nagbukas nagulat sya ng makita ako kasi naman wala akong pahintulot na pupunta ako.. natatawa ako sa itsura nya nakajacket na may hoodie nakapajama tapos may tissue sa ilong ang cute nya padin

"Uy shen di kapa papasok?" Tanong ni mark

"Ha? Ah eto na papasok na ako.." pagpasok namin umupo kami sa sala yung mga tissue at gamot ni dustin nakakalat sa lamesa. Hindi malaki ang bahay nila simple lang pero maayos

"Ano gusto nyo kainin? Bibili nalang ako wala kaming pagkain dito" Tanong ni dustin

"padeliver nalang tayo sagot ko na.." tumawag si mark sa greenwich at nagpadeliver ng pizza, sumenyas din sya samin na lalabas lang saglit para magyosi tumango lang si dustin, maya maya umupo sya sa tabi ko,

"Ahh dustin? Nasaan yung papa mo? Wala kang kasama dito?" Tanong ko

"Wala si tatay nasa trabaho pa bukas pa makakauwi yun madami silang gawa eh.."

"Ha? edi walang nagaalaga sayo ngayon!!"

"IKAw! Pwede mo naman akong alagaan kung gusto mo di ako tatanggi." Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko di ko alam sasabihin ko. Hinawakan ko nalang yung noo nya ichecheck ko kung may lagnat pa sya pero bigla nya hinawakan yung kamay ko, nakatingin lang sya sakin yung tingin na nakakatunaw hindi ko namalayan na papalapit na yung mukha nya sa mukha ko hanggang sa naramdaman ko nalang na nagkadikit na ang mga labi namin, hindi ako nakagalaw hanggang sa narinig namin ang pagbukas ng pinto at pumasok si mark dala ang pizza, bigla naman umayos ng upo si dustin. Buti nalang hindi napansin ni mark dahil sa kusina sya agad dumiretsyo, walang umiimik samin dalawa..

"Oy D tara na kumain oh habang mainit pa to! Shen tara!" Yaya ni mark

"H-ha! Oo sige.." tumayo na ako at pumunta sa pwesto ni mark na nagsisimula ng kumain ng pizza na inorder nya, kumuha din ako ng isang hiwa, hindi ko napansin na lumapit din pala si dustin at kumuha ng isang hiwa ng pizza. Tahimik lang kaming kumain halos si mark lang ata ang nagsasalita, hanggang sa nagyaya na akong umuwi dahil gabi na din pumayag naman si mark ihahatid nya na daw ako pauwi kailangan na din naman namin umalis para makapagpahinga si dustin..

"Shen bat parang ang tahimik nyo bigla ni D kanina! Hindi kayo nagiimikan nagiiwasan kayo ng tingin!!" Biglang tanong ni mark habang nasa byahe kami, diretsyo pa din tingin nya sa daan habang nagsasalita

"Eh? Kung ano ano napapansin mo! Hindi naman ah!" Alangan kong sagot, hindi na naman namilit pa si mark at nagkibit balikat nalang sya.. ng nakauwi na ako sa bahay ay dumiretsyo ako sa kwarto pakiramdam ko ay sobrang dami kong ginawa sa araw na to sobrang napagod ako!! Humiga agad ako sa kama bigla ko naalala yung nangyari kanina napahawak naman ako sa labi ko hindi maalis sa isip ko ang pangyayare hanggang sa makatulog nalang ako..

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon