pagdating sa bahay ay dumiretsyo agad ako sa kwarto. Nahilo ako lalo pagbaba ng sasakyan ni roby. Humiga ako sa kama at pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakapikit pero naramdaman ko na may nagmamasid sakin kaya laking gulat ko ng makita si dustin na nakasandal sa may bintana."D-dustin?" Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit at naramdaman ko nalang ang pagganti nya ng yakap
"I miss you!" Mahinang sabi nya kaya't napatingin ako agad sa seryoso nyang mukha
"W-what?"
"Damn it i said i miss you! I miss you so much! I miss you. Kung alam mo lang na halos mabaliw na ako araw araw dahil sa pagkamiss ko sayo. Gusto kitang yakapin at itakbo palayo."
nangilid ang luha ko sa mga narinig mula sa kanya. Eto lang naman ang gusto kong marinig. pinunasan nya ang luhang sunod sunod na lumabas mula sa mata ko at naramdaman ko nalang ang pagdikit ng mga labi namin.. he's kissing me! Not just an ordinary kiss. He's kissing me passionately. nalalasing ako sa halik nya. Naramdaman ko nalang ang pagpulupot ng mga kamay ko sa kanyang leeg ng dahil doon ay lalong lumalim ang halik nya pakiramdam ko ay malulunod ako. hindi ko na namalayan na nakahiga na pala kami sa kama. I miss him! I miss him so much. Sabay kami hinihingal ng pakawalan namin ang isa't isa. Nakita ko nalang ang pagkunot ng noo nya at biglang pagtayo.
"Magpahinga kana shenna! Goodnight!" tumango lang ako at sa sobrang antok ay kusa ng pumikit ang mga mata ko.
______________________________
"Tyanak! Ano hindi ka pa babangon? malelate kana!"
Sa sobrang lakas ng sigaw ni ate hailey ay bigla akong napatayo sa higaan. Shit late na ako, nagmadali akong mag-ayos hindi na din ako kumain ng breakfast. buti nalang ay mabilis magmaneho ang driver namin. Pero hindi na din ako pumasok sa isang subject dahil late ako ng 30 minutes. Naisipan ko nalang umakyat sa rooftop
Pagdating sa rooftop ay umupo agad ako sa isang sulok kung saan dun lagi nakaupo si dustin dati. Napangiti nalang ako ng pilit. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi! Hindi ko alam kung totoo yun o panaginip lang! Naguguluhan ako. ganun ba talaga ang epekto ng alak? Nabigla ako ng bumukas ang pintuan sa rooftop kaya sinilip ko at bumungad sakin ang taong kanina ko pa iniisip. Kumunot ang noo nya ng makita ako.
"So ito pala yun huh?" Bungad ni cassie na nasa likuran nya "oh! Shen you're here? Naistorbo ka ba namin? Sabi kasi ni dustin wala daw tao dito. Akala ko pa naman masosolo ko sya ngayon." halos kiligin din sya sa sinabi nya
"Canteen na lang tayo cassie." Tumalikod sya at sumunod naman si cassie
"W-wait dustin! M-may itatanong lang ako sayo kung okay lang?"
"D una na ako ah nagugutom na ako eh. Bye shen!" Ngumiti ito bago tuluyang umalis
"Ano yun?" Malamig na sabi nya
"A-ano kasi... pumunta ka ba sa kwarto ko kagabi?" Tinitigan nya lang ako ng matagal bago sumagot
"Hindi. Bakit naman ako pupunta sa kwarto mo?"
"Ah akala ko kasi... sige yun lang naman.. sundan mo na si cassie." Hindi ko na sya hinintay sumagot, ako na ang tumalikod buti nalang ay tumawag si roby kaya agad kong sinagot.
Pagdating ko sa room ay naninibago ako dahil wala ang mataray na si lyn. Kaninang madaling araw sya umalis papuntang US.
"Girls nagtext si andrei. Dideretsyo silang airport mamaya. Sama kayo?" Ani ryn
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!