Sa sobrang pagod ko dahil sa mga nangyari nung gabi ay tinanghali na ako ng gising kung hindi pa ako tinawagan ni dustin hindi pa ako gigising, naka-6 missed calls na pala sya. Panigurado kanina pa yun sa labas. nagmadali na akong maligo at magbihis pagkatapos ay bumaba na ako ng kwarto
"Good morning po mam shen."
"Good morning manang nasaan po sila?"
"Sino pong sila? Ahh umalis na po ang parents nyo pati na din si mam cheska."
"Ahh ganun po ba! Eh si ate hailey?"
"Nandun pa po sa kwarto nya."
"Sige po manang aalis na ako malelate na po ako."
"Sige po mam shen kanina pa po naghihintay si jose sa labas."
"hindi po ako magpapahatid hinihintay ako ni dustin sa labas."
"Naku mam shen kabilin bilinan po ng dad nyo na simula daw po ngayon ay ihahatid sundo na kayo ni jose. Hindi na daw po kayo pwedeng gabihin at ito po 100. Yan lang daw po ang baon nyo sa araw araw simula ngayon. Pasensya na mam shen napag-utusan lang." Halos hindi makatingin sakin ng diretsyo ang kasambahay namin.
Wala akong nagawa kung hindi sumakay sa kotse. Nakita ko pa si dustin sa labas na naghihintay nagtaka naman sya ng makita ako na sakay ng kotse. Tinext ko nalang sya at sinabi kong hatid sundo na ako simula ngayon kaya sa school na lang kami magkikita.
Pagdating sa school ay si lyn agad ang nakita ko mukhang papunta sya sa canteen. Tinawag ko sya at nakita nya naman agad ako.
"Anong bibilhin mo? Wala pa bang prof?" Tanong ko
"Wala pa. Nagugutom kasi ako gusto ko ng egg sandwich!"
"Egg sandwich? Eh diba ayaw mo ng egg?" Hindi nya naman sinagot ang tanong ko. Weird!
"Manang limang egg sandwich po!"
"L-lima? Oy lyn moks hindi kaba nag-almusal?"
"Nag-almusal! Pero gusto ko talaga kumain nito eh." Pagkaabot sa kanya ng sandwich ay lumabas na kami ng canteen nakasalubong naman namin si mark pero hindi sya pinansin ni lyn sa halip ay nagpaalam ito na magbabanyo daw at parang natataranta naman sya habang papalayo. Hindi na naman nagtanong si mark kung bakit ganun ang inaasta ni lyn dahil kahit ako hindi ko din alam. Nagpaalam na ako kay mark na mauuna na ako sa room.
Pag dating sa room sinalubong ako ni dustin na halatang kakarating lang.
"Ayos ka lang ba baby bear? Hindi kaba nila sinaktan?" Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at sinusuri ang buong katawan ko
"Honey bear wag kang OA okay lang ako. Haha"
Dumating na naman ang prof namin at ayun paniguradong wala nanaman akong maisasagot sa exam namin ngayon.
Pagkauwian ay kahit malayo palang nakikita ko na agad sa labas ng gate ng school ang sasakyan namin. Ihahatid nalang daw ako ni dustin hanggang makasakay ako ng kotse. Ng malapit na kami palabas ay may tumawag naman sa phone ni dustin.
"Hello tay bakit napatawag ka? Oh Mang henry! Bakit po? P-PO? NASAAN PO KAYO PUPUNTA AKO!"
"Bakit daw honey bear?"
"Si tatay dinala sa ospital inatake sa puso. Sige na shenna sumakay kana mag-iingat ka pauwi."
"H-ha? Sasama ako!"
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!