CHAPTER 30

14 2 0
                                    


*DUSTIN POV

Maaga palang ay kailangan ko na pumasok sa school dahil kailangan daw para sa practice. Kung kami lang sana ng mga kamember ko ay hindi na namin kailangan magpractice dahil sanay na kami magperform. Paalis na ako ng may sasakyan na huminto sa tapat ng bahay. Alam ko naman kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan na yun. Ang tatay ni shenna. Lumapit sakin ang isang body guard nito ay sinabing pumasok ako sa loob ng sasakyan sinunod ko nalang ito, nasa loob naman ang tatay ni shenna na naghihintay sakin.

"Kamusta ka dustin?"

"Ayos naman po."

"Si jerry kamusta ang kalagayan nya?"

"Maayos na po ang tatay ko. Kung may sasabihin ho kayo ay mabuti pang diretsyuhin nyo na ako!"

"Matalino kang bata dustin! Gusto ko lang naman malaman kung gaano ba kaimportante sayo ang pamilya at scholarship mo?"

"Anong ibig nyong sabihin?"

"simple lang. Ano ang isasalba mo? Ang relasyon mo sa anak ko o ang importanteng bagay sayo at sa tiyahin mo!"

walang salita ang lumabas sa bibig ko. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad palayo.

Pagdating sa school ay dumiretsyo agad ako sa covered court. Nagsimula kaming magpractice at inalis ko muna sa isip ko yung nangyari kanina.

*rei calling*

"Oh rei bakit? ANO? S-sige pupunta na ako dyan."

"Bakit daw D?" Tanong ni gab

"si shenna daw dinala sa clinic. Alis muna ako kayo na muna bahala dyan."

tumakbo agad ako papunta sa clinic. Nakita ko naman sila rei na nakaupo sa gilid ng walang malay na si shenna. Agad naman silang nagpaalam muna dahil may exam daw sila kaya ako na ang nagbantay sa pasaway na babae na ito. Sinabi naman sakin ng doctor sa clinic na kulang daw sa tulog at may ulcer si shenna. Sumakit naman bigla ang ulo ko dahil sa babae na ito. Naisipan ko naman bumili muna ng pagkain para pag gising nya ay may makakain sya. Sakto naman na pag balik ko ay nagising na sya, binigay ko ang pagkain na binili ko at pinainom sya ng gamot pagkatapos ay sinabihan ko na din sya na umuwi na.

Sa dami ng ginawa namin ay ginabi na ako ng uwi.

*auntie calling*

"Auntie bakit po?"

[Mawawalan na ako ng trabaho dustin!]

"P-po?"

[Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na daw kailangan pumasok bukas. Pero wag ka mag-alala maghahanap agad ako para sa pantustos ni kuya. Buti nalang at scholar ka kaya wala masyadong gastusin sayo.]

Hindi ko na tinapos ang usapan namin ni auntie. Gusto ko sugurin ang tatay ni shenna at suntukin pero kailangan ko magpigil, hindi ako ganung klaseng tao.

Balak ko pa sana puntahan si shenna kaso nawala ako sa mood kaya tinawagan ko nalang sya at nagsinungaling na may tugtog ang banda ngayon para hindi na sya mag-alala.

_____________________________________

Kinabukasan ay araw na ng event sa school. Habang Nasa backstage at nagtotono ako ng gitara ay lumapit sakin ang dean ng school

"Mr.concepcion, pwede ka bang maistorbo sandali? m-may importante sana akong sasabihin sayo."

"Sige po mam ano po iyon?"

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon