CHAPTER 18

33 2 3
                                    


"Bakit ang tagal mo? Malelate na tayo. Tara na." Hinawakan nya naman ang kamay ko at ayun holding hands while walking kami.

Sabay kami ni dustin ngayon papuntang school. Hindi ako nagpahatid sa driver namin hindi rin naman malalaman ng parents ko dahil nasa out of town sila. Kahapon pa kasi ako pinipilit ni dustin na magsabay daw kami ngayon dahil baka bigla nanaman daw akong saktan ni scarlet. Ang OA talaga pero sweet.. yiieeee!!

Pagpasok namin sa school holding hands pa din! Kaya pinagtitinginan kami ng mga estudyante lalo na ng mga babae. Inihatid ako ni dustin hanggang sa room umupo na ako sa unahan at sumenyas na pumasok na sya sa room nya pero nagulat ako ng bigla syang umupo sa likuran yung mga classmate ko naman na babae kinikilig.

"Hi girls good morning!" Bati ni gab samin saka diretsyong umupo sa likod tabi ni dustin ganun din si andrei at mark!

Nagtataka ako kung bakit sila nandito. Tinignan ko si dustin yung tingin na "bakit nandito kayo" look. Pero nagsmile lang sya ng nakakaloko at kumaway sakin

"Good morning class." Bati ng prof namin na bigla nalang sumulpot sa kung saan

"Okay so meron kayong bagong mga classmates ah kilala nyo naman siguro sila! Lalo na si mr. Concepcion isa sa scholar ng school. Nakipagpalit kasi sa kanila ang apat nyong classmate. So ayun lang let's start our discussion for today...." pagdugtong nya

Nakipagpalit! Imposible yun.. humanda ka sakin mamaya dustin..

-------

Bakit ba ayaw mo sagutin nagaalala na ako! Kinontact ko ulet si roby pero di nya sinasagot kahit nagriring naman ang phone nya.

"Sino tinatawagan mo?" Tanong sakin ni dustin. Nandito kaming dalawa nakatambay sa may malaking puno sa school nasa canteen kasi yung iba dahil break time ngayon kaya dalawa lang kami dito.

"Si roby. Nung isang araw ko pa tinatawagan pero hindi sinasagot."

"Galit pa din siguro sya."

Sinubukan ko ulit sya tawagan

"Wag mo na akong tawagan. Wala akong balak sagutin." Si roby naglalakad papunta samin pero hindi sya mukhang galit

"R-roby!" Bigla naman ako napatayo at tumayo din si dustin

"I'm sorry shen kung pinagalala kita. Sorry din sa nangyari last time. Tanggap ko na ngayon na hindi ka para sakin. Pero malay mo magbreak din kayo. Hahaha" nakuha nya ng magbiro

"Dude di magandang biro yan. Pero natutuwa ako kasi tanggap mo ng para sakin talaga si shenna." Sagot naman ni dustin

"Wag mo lang syang sasaktan D. Wag mong papaiyakin si shen dahil kukunin ko sya sayo." Tumango lang si dustin "shen! Namiss kita." Bigla naman ako hinatak ni roby at niyakap

"Oopps tama na yan! Baka wala ng matira sakin." Biglang banat naman ni dustin. Baliw talaga..

sakto naman nagbell na kaya nagpaalam na samin si roby at bumalik na din kami sa room.

Nung nasa room na kami wala pang prof. Kaya puro kulitan at tsismisan nanaman mga classmate ko syempre kami din. Naghaharutan naman sila scarlet sa likuran ko. Halatang sinasadyang masipa at mabangga ang upuan ko. After 30 minutes dumating din ang prof. Namin. Pagpasok nya nagturo agad wala man lang pahinga pahinga.

"Ms.mendoza may hinahanap ka?" Tanong ng prof namin kay scarlet

"M-meron Po mam yung necklace ko po kasi na bigay ni mommy nawawala. 10 thousand po ang bili nya dun." Sagot naman ni scarlet. Sa isip isip ko talagang kailangan pa sabihin ang presyo.

"I-check mo ulit baka namisplace mo lang!"

"Mam wala po talaga! Guys wala ba kayong nakita na necklace!" Tanong ni scarlet samin

"Mam siguro mas mabuti kung icheck natin mga bag namin para sigurado.' Sabi naman ni krystal

Iniisa isa naman nilang icheck ang bag ng mga classmate namin. PEro wala naman silang nakita

"Shen! Yung bag mo nalang ang hindi nachecheck!" Biglang hinila ni krystal yung bag ko

"Dahan dahan ka nga krystal baka masira yung bag ko." Inis na sabi ko

Inumpisahan naman halungkatin ng tatlo yung bag ko

"O..M..G.." narinig kong sabi ni lexi na kinagulat din ng lahat

Nilingon ko sila at nakita ko yung necklace na hawak ni krystal.

"Ano ibig sabihin nito huh shen? Hindi ko alam na may dugong magnanakaw ka pala!" Galit na sabi ni scarlet

Hindi ako makapagsalita! Napatayo nalang ako sa nakita ko.

"H-hindi ko ninakaw yan! M-maniwala ka!" Naiiyak na ako. Paano napunta sa bag ko yun.

"Ms.lopez sumunod ka sakin sa office. Ngayon na. Pati ikaw na din ms.mendoza.." Galit na sabi ng prof namin habang palabas sya ng room

Lahat ng classmate ko nakatingin sakin. Napatingin ako kay dustin na kunot noong nakatingin sakin. Gusto ko tumakbo palayo kaso hindi pwede.

"Moks okay ka lang? Kalma magagawan natin ito ng paraan." -lyn

"Alam naman natin na set up ito." -pie

"Hoy babae! Ang kapal ng mukha mong iset up si shen ano! Ganyan kaba kagalit sa kanya at kailangan mo pang gawin ito!" Susugurin sana ni ryn si scarlet pero inawat sya ni rei.

"Aba sakin pa kayo nagagalit ngayon? Yan ang pagsabihan nyo, yang kaibigan nyong magnanakaw." Padabog na sabi ni scarlet saka lumabas ng room

"Moks tama na! Magiging okay din lahat! Pupunta muna akong office." Lumabas na din ako ng room

--------

Nandito kami ni scarlet ngayon sa office kasama ang iba pang prof.

"Kesa lumaki pa ang issue na ito humingi ka nalang ng sorry sa ginawa mo ms.lopez." sabi ng isang prof

Nakayuko lang ako at hindi makapagsalita

"Ms.lopez! Hindi kaba marunong humingi ng paumanhin sa taong inargabyado mo?" Sabi naman ng isa pang prof

"M-mam, s-sir! I-i'm sorry!" Huminga ako ng malalim at humarap sa kanila "i'm sorry po dahil hindi ako hihingi ng paumanhin lalo pa't alam kong wala akong ginagawang masama. Alam ko sa sarili ko na hindi ko ninakaw ang necklace na yun." Yun lang ang sinabi ko at lumabas na ako ng office

Hindi ko naman napansin na kasunod ko pala si scarlet

"Kapal din pala talaga ng mukha mo ano! Mangaagaw ka na nga magnanakaw ka pa!" Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko sya

"Alam ko na alam mong wala akong ginawang masama diba? Ganyan ka ba kadesperada ha scarlet! Alam mo bang nakakaawa ka!"

"A-anong sinabi mo?"

"Oh ayan piso bumili ka ng kausap mo." Tinalikuran ko na sya at naglakad papuntang room

Pagpasok ko sa room nakatingin pa din silang lahat sakin yung iba nagbubulungan pa hindi ko naman nakita si krystal at lexi. Nilapitan naman agad ako nila rei,ryn,pie,lyn,mark,andrei at gab kitang kita pagaalala sa mukha nila..

"Okay lang ako! Nakakatawa mga pagmumukha nyo. Haha" hinahanap naman ng mata ko si dustin.

"Wala si D lumabas kanina. Hindi sinabi kung saan sya pupunta eh." Nabasa ata ni gab yung nasa isip ko

Naguwian na pero hindi ko pa din nakita si dustin. Naniniwala ka ba sa pambibintang ni scarlet sakin huh dustin? Nasaan kaba!

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon