Namimiss ko na si dustin. Halos magdadalawang linggo na kasi na umuuwi sya agad pagkatapos ng klase minsan naman absent sya kapag pumapasok naman madalas tulog sa klase yung tipong mukha talaga syang hindi natutulog sa gabi. kapag tinatanong ko kung bakit mag-ismile lang sya at guguluhin ang buhok ko. Kagaya nalang ngayon natutulog nanaman sya sa klase. Kanina lang kausap ko sya."Honey bear! Oy!" Inaalog ko na ang balikat nya pero hinawakan nya lang yung kamay ko at ginawang unan.
-----------
*ryn POV
"Moks where is dustin?" Tanong ko kay shen habang naglalakad kami palabas ng school.
"Ayun uuwi na daw may gagawin pa daw sya. Nagmamadali nga eh." Kita ko naman ang lungkot sa mata ng bestfriend ko
Dahil nga may sundo ako ngayon nagpaalam na ako sa kanila.
"Madam loryn dadaan lang po tayo saglit sa gasolinahan paubos na po kasi eh." Sabi ni manong ted yung driver namin
"Sige po kuya. Tsaka sabi ko po sa inyo wag nyo akong tatawagin na madam." Ang sagwa kasi, nagsorry naman si manong at dumiretsyo na nga sa gasoline station
Nung may lumapit na gasoline boy napatitig ako ng wala sa oras, ng mapagtanto ko ang pamilyar na mukha binuksan ko ang bintana ng kotse
"Dustin!" Nabigla naman sya ng makita ako
Naisip ko na magstay muna sa store na malapit sa gasoline station para makausap si dustin dahil nagaalala ako sa kanilang dalawa ni shen.
"So dustin explain! Kelan kapa nagstart magtrabaho dito? Tsaka bakit hindi mo sinasabi samin lalo na kay shen alam mo naman kung gaano nagwoworry sayo yun dahil sa pagiging weird mo!" Para akong nanay na nagsesrmon sa pasaway na anak
"N-nung nakaraang linggo pa." Tipid na sagot nya habang napapakamot sya ng ulo
"Bakit? Kailangan mo ng pera? For school?" Tanong ko
"Hindi. Scholar ako diba! A-ano kasi. Kailangan ko makabili ng regalo para sa birthday ni shenna." Sagot nya
"Bakit hindi ka nalang humiram samin ng pera?"
"Ayoko naman ng ganun. Syempre gusto ko pinaghirapan ko yung regalo na ibibigay ko sa kanya. Pero ryn please wag mo sasabihin kay shenna ito!"
"O-okay sige. Basta wag ka masyado magpapagod baka mabaliw si moks."
Nagkakwentuhan pa kami ng matagal at nalaman ko na hindi lang pala paggagasoline boy ang trabaho ni dustin biruin nyo limang part time ang pinapasok nya! Naawa ako para sa kanya pero kinikilig at the same time dahil nalaman kong mahal nya talaga si shen. Nagvolunteer naman ako na iupdate ko sya about sa mga lessons hindi sya pwede bumagsak dahil scholar sya..
Hay shenna lopez kung alam mo lang paghihirap ng boyfriend mo. Swerte mo kay dustin!!
----------
*shenna POV
Eto nanaman ako nakikipagtitigan sa test paper ko. Exam namin pero hindi ako nagreview. Wala talaga akong alam so ano isasagot ko? Samantalang lahat ng classmate ko halos hindi maistorbo dahil mga busy sa pagsagot pati si dustin parang hindi umabsent ng tatlong araw kung makapagsagot parang updated sya sa mga lessons ganun ba talaga pag scholar?
Naputol ang pagliwaliw at pakikipagtitigan ko sa test paper ng ipalit ni dustin ang papel nya sa papel ko at nagwink pa ang loko. Naramdaman nya ata na wala akong maisagot. Tinignan ko naman ang ipinalit nyang papel halos lahat may sagot at mukhang tama naman.
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Fiksi Remajamahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!