CHAPTER 13

28 3 0
                                    


*RYN POV*

"Ganito kasi yun guys! Siguro naman may napapansin kayo sa dalawang tanga diba!" Bumida nanaman etong si gab dinamay pa kami sa kalokohan nya. Hatakin ba naman kami ni rei,pie at lyn papunta dito sa canteen kasama nya yung dalawa pang ugok dahil may plano daw sila. Hay naku ang aga aga pa kalokohan nanaman.

"Makatanga etong si gab akala mo sya hindi tanga!" -Mark

"Tanga na ba ang magkagusto kay rei?" -Banat nya naman

"Yuck mandiri ka nga gab! Ano ba kasi!" -Sagot ko naman

"Eto naman si ryn oh wag kana mainggit pwede naman tayo magdate eh!" -Pagsingit naman ni andrei, inirapan ko nalang sya

"Ang gulo nyo! Simulan nyo na yan para matapos na!" -Lyn

"So ganito nga! Alam ko napapansin nyo na may something kay D at shen! Dahil nga tanga sila tayo na gumawa ng paraan!" -Seryosong sabi ni gab

"Ano kaba gab may rob na si shen kaya paano sya magkakagusto kay D!" -Pie

"Lokohin man nila sarili nila pero alam ko naman na alam nyo din kung paano sila magtinginan at magkailangan! Etong mga nakaraang araw nagiiwasan sila! Nung time na nalasing si D may tinawagan sya nakita ko sa phone nya name ni shen. Kaibigan kayo ni shen so siguro naman may napapansin kayo!" -gab

"Ako may napapansin! Everytime na nagkakausap o nagkakabiruan si maica at D laging nakatingin si shen sa kanila yung tingin na nagseselos yung time pa nga na nadapa pala si maica biglang tumawa ng malakas si shen bigla pa syang nagsalita ng pabulong na buti nga sayo! Para syang baliw. Nakakatakot!" -rei

"So ano plano?" -lyn

"Paano si roby?" -pie

"Bakit ba iniintindi mo yung roby? Gusto mo sya?" -mark

"H-hindi ah! Nakakaawa lang kasi." -pie

"unang plano Pagseselosin natin si shen at D yung tipong selos na selos! Pangalawa magdedate kami ni rei... aray! Bakit ba?" -bigla nyang reklamo ng batukan ko sya

"Eh kasi naman siningit mo pa talaga yang date nyo ano?" -Sagot ko naman

"Patapusin mo kasi ako! Dahil ayaw ni shen na makalapit ako kay rei yun ang gagawin ko para magkamoment sila ni D. Basta ako na bahala! Pangatlo itetext ko nalang sa inyo baka malate tayo sa 1st subject eh! Tara na guys! Hahaha" -tawa lang sya ng tawa habang naglalakad palayo ang sakit sa ulo nakakainis

------

Bumalik na kami sa room wala pa naman yung prof. Naabutan naman namin si shen na nagrereview parang tunay lang eh!

"Hi moks!" -bati namin sa kanya

"Uy san kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap!" Sagot nya naman

"Teka nga! Natulog ka ba? Bakit mukha kang panda?" -lyn

"Oo! Nastress siguro ako sa pagrereview you know naman guys hindi ako sanay! Hahaha" -tumawa lang sya pero hindi abot sa mata yung tawa nya halatang fake >

sabay sabay naman kami nakatanggap ng text galing kay gab! Unang plano daw ako ang gagawa ng paraan para magselos si shen at si mark naman kay D. Mukhang kailangan ko na simulan. Fighting!

"Girls may aaminin ako!" -bigla kong sabi. Mukha naman hinihintay ng tatlo ang gagawin ko si shen naman blanko ang mukha na tumingin sakin pero bumalik sya sa pagsusulat nya "nitong mga nakaraang araw lalong nagiging gwapo si D sa paningin ko! Tingin nyo ba love na ito?" Napahinto naman si shen sa ginagawa nya pero hindi sya tumingin sakin

"Talaga moks? Sa pagkakaalam ko love nga yan! Yung tipong sya lang ang gwapo sa paningin mo, hinahanap hanap mo sya! masaya ka pag nakikita sya." -sagot naman ni rei

"Naku moks sa tingin ko mas mabuti kung umamin kana kay D. Kesa magsisi ka sa huli!" -lyn

Nagulat naman kami ng biglang sinara ng malakas ni shen ang librong nasa lamesa nya at bigla syang tumayo

"Wag kana umasa kay Dustin dahil si maica ang gusto nya! Masasaktan ka lang! Si maica ang gusto nya yung maica na yun!" Padabog naman syang lumabas ng room. Pinipigilan namin matawa kung nakikita nya lang itsura nya masyadong obvious na nagseselos. Nageenjoy ako ah! Mamaya ulet! Hahaha

-------

nandito nanaman kami sa canteen paguusapan ang next plan! Nauna na kami umalis sa room dahil may pinagawa ang prof kay shen at si D naman daw tinatapos ang project nya!

"Ano nangyare sa labi mo mark bakit may sugat?" Pagtataka kong tanong, bigla naman tumawa ng malakas itong si andrei at gab

"Paano ba naman kasi pinagselos ng todo si D! Hindi daw matatapos ang araw na ito ng hindi nya mahahalikan si shen! Ayan nasapak tuloy! Hahaha" andrei

"Sige tumawa pa kayo! Pasalamat kayo sa ginawa ko kasi alam natin na gusto nya si shen. Tsk pero masakit yun ah!" Sabi ni mark habang nakahawak sa labi nya

ikaw ryn ano nangyare?" Tanong ni gab

"Ayos naman nagwalk out sya nung sinabi ko na gusto ko si D! Hahaha nageenjoy ako" sagot ko naman

"Ooohhhhh!" Sabay sabay na sabi ng tatlo

"Nakakatuwa ito! Haha" lyn

Nagtatawanan pa kami sa usapan namin ng dumating na si D. umalis si andrei sa tabi ko at lumipat sa harap ko! Sinadya nya para sa akin tumabi si D at hindi naman kami nagkamali umupo sya sa tabi ko. Tahimik lang kami na nakatingin sa kanya.

"Oh bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo?" Seryosong sabi nya

Sabay sabay naman kaming napa"oohhhhhh!" Ewan pero natatawa ako! Nakakapagbonding kami ng dahil sa kalokohan na ito!!

sunod naman dumating si shen! Umalis naman si gab sa tabi ni mark para dun uupo si shen! At tama nanaman plano namin. Direstyo syang umupo sa tabi ni mark tahimik lang kami nakatingin sa kanya!

"Oh bakit kayo nakatingin? Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda? Haha" natatawang sabi nya

Sabay sabay nanaman kaming napa"ooohhhhh!" At nagtawanan ng malakas!

"Para kayong mga siraulo! Teka nga bibili ako ng pagkain nagugutom na ako." Tatayo na si D ng hawakan ko ang kamay nya. Seriously kinikilabutan ako -_-

"Wag na dustin may binili na akong food para sayo! Sabi kasi nila andrei ang dami mo daw ginawa kanina." Alam ko nabigla sya sa inaakto ko pero hindi ko nalang pinansin. Nakita ko naman si shen na nakatingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni D halos di sya kumurap. Hahaha inabot ko kay D ang tuna sandwich at cola tinanggap naman nya siguro dahil gutom na talaga sya.

"Ikaw shen kumain kana? Binilhan din kita ng sandwich eh sigurado gutom kana." Banat naman nitong si mark

"H-ha? Okay lang wala akong gana kumain." Sagot naman ni shen

"Aray naman! Nageffort pa ako bilhan ka ng pagkain tapos di mo kakainin! Nakakabroken." Umakto pa syang malungkot! Pinipigilan ko lang matawa. mukhang naguilty naman si shen kaya kinain nya nalang ang binili ni mark. Ang awkward ng paligid!

"Moks shen nasaan si robi bakit hindi mo sya kasama?" Biglang tanong ni pie napahinto naman sa pagkain ang dalawang awkward! Si shen at dustin

"Speaking! Shen mukhang susunduin kana ng boyfriend mo oh!" Sabi naman ni mark at napalingon naman kami sa bandang pinto ng canteen nakita namin si robi na mukhang hinahanap si shen! Kinawayan ko sya para mapansin nya kami at nakita nya naman ako. Lumapit sya sa pwesto namin, malayo palang ang ganda na ng ngiti nya kay shen. nagkatinginan naman si shen at dustin pero nagiwasan din.

"Mauna na ako guys tatapusin ko pa yung ginagawa ko!" Tumayo na si dustin at lumakad na palabas, hinabol naman sya ng tingin ni shen halos di nya napansin na nasa harap nya na si robi.

Haaayyy naku ang sakit sa bangs!!

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon