CHAPTER 24

16 2 0
                                    

*dustin POV

Halos basagin ko na ang pagmumukha ng lalaking kasama ni shenna sa picture.

*flashback*

"Hoy D kanina kapa namin tinatawagan. Halos mahilo na kami kakahanap sayo nandito ka lang pala." Bungad sakin ng tatlo. Nandito ako sa studio na tambayan na din namin.

"Wala ako sa mood. Kaya iwan nyo na muna ako." Bagot na sabi ko

"Oh!" Inabot sakin ni mark ang picture ni shenna at nung lalaki

"Anong gusto mong gawin ko dyan!" Inis na tanong ko

"Titigan mo mabuti yung tattoo sa dibdib ng lalaki panigurado pamilyar ka dyan!"

Halos magsalubong naman ang kilay ko ng makita ko ang pamilyar na tattoo. Ganun na ganun ang tattoo ni carl ang dati namin kabandmate. Napagdesisyunan namin na puntahan si carl para kausapin.

Nangako ako na hindi ako gagawa ng gulo pero ng makita ko sya sa dating studio na tinutugtugan namin kasama nya mga bagong kabanda nya. Nag-init agad ang ulo ko at sinuntok ko agad sya dahilan para matumba sya. Sinunod sunod ko ang pagsuntok sa mukha nya kahit pinipilit akong awatin nila mark

*end of flashback

"SINONG NAG-UTOS SAYO NA GAWIN YUN KAY SHENNA? CAAARL SINO?" Sigaw ko sa kanya habang hawak ko ang kwelyo ng dmit nya

hindi sya sumasagot sa halip ay nakangisi lang sya sakin

"BAKIT CARL! BAKIT? BAKIT GINAWA MO YUN? BAKIT KAILANGAN MO KAMING SIRAIN! SINO? HA?" Dugtong ko

"Tama ka inutusan nga ako. Ginawa ko ito dahil gusto ko sya sabi nya kapag ginawa ko ang iuutos nya sasagutin nya ako kahit matagal ko ng alam na ikaw ang gusto nya. hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan nyang gawin yun. Gusto mo talaga malaman kung sino?" Pinunasan nya ang dugo sa labi nya

pagkatapos kong malaman kung sino ang nagplano ng lahat ng yun nagmadali agad ako makarating sa school para puntahan si shenna. Oo nagkamali ako. Dahil mas inuna ko ang galit kesa sa pagtitiwala ko sa babaeng mahal ko.

Pagdating ko sa school pinuntahan ko agad sya sa room pero wala sya. Inikot ko na ata buong school pero wala sya. Kahit sa rooftop wala sya.

-------------

*Shenna POV

Nilalaro ng mga paa ko ang tubig.. inaaliw ko ang sarili ko pero malungkot pa din ako. Wala akong ganang pumasok kaya nandito ako ngayon sa swimming pool ng school. Dahil wala naman nagpapractice dito wala din kahit isang estudyante kaya mas pinili ko nalang dito. Nabigla na lang ako ng may magsalita sa likuran ko.

"Ate shen! Bakit nandito ka?" tanong ni maica habang palapit sakin

"Gusto ko lang kasi mapag-isa. Mas okay dito kasi tahimik." Sagot ko

Tinanggal nya ang sapatos nya at umupo sa tabi ko. Nilagay nya din ang paa nya sa tubig.

"Nasaan si D? Balita ko nag-away daw kayo?"

"Wala yun. Wag mo nalang intindihin. Maaayos din ito."

"Ahh. Ate marunong ka ba lumangoy?"

"Hindi eh. Actually may phobia ako dati sa dagat at kahit sa pool. Nalunod kasi ako nung bata pa ako. Medyo okay naman ngayon pero takot pa din ako lumusong sa ganito kalalim na tubig."

"Ah. Paano kung mahulog ka dyan ngayon? walang tutulong sayo!"

"H-ha? Paano naman ako mahuhulog. Hindi na ako bata. Haha"

"Ihuhulog kita!"

Tatayo na sana ako ng bigla nya akong itulak sa pool. Pinipilit kong umahon pero hindi ko magawa. Gusto ko huminga! Tulong! Dustin!

Naramdaman ko nalang na may biglang humatak sa kamay ko paangat sa tubig.

"Shenna? Shenna! Shenna!"

Naubo ako at nailabas ko ata ang tubig na nainom ko. Nakita ko naman si dustin na may mukha ng pag-aalala. Bigla nya inangat ang ulo ko at niyakap ako.

"Sorry! Sorry kung hindi ako nagtiwala sayo. Sorry kung mas inuna ko ang galit ko. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung hindi kita naipagtanggol."

"D-dustin! M-masaya ako kasi nandito kana sa tabi ko. Masaya ako kasi naniniwala kana sakin."

Bigla naman nagtakbuhan palapit samin ang mga kaibigan namin.

"Moks!!! Okay ka lang?" Sabay sabay na tanong ng mga bestfriend ko.

"Buti pa dalhin nyo muna sya sa clinic may pupuntahan lang ako." Sabi ni dustin at inalalayan naman ako ni mark at gab papuntang clinic

---------------

*maica POV

"Maica!" Nabigla ako ng marinig ko ang boses ni dustin mula sa likuran ko dahan dahan ko naman syang hinarap

"D-dustin?"

"Paano mo nagawa ito maica! Kay shenna! Sakin! Bakit mo ginawa lahat ng ito."

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Alam ko na lahat maica kaya wag kana magsinungaling. Sinabi sakin ni carl lahat. Tinuring ka namin na parang kapatid."

"Yun na nga eh. Hanggang doon lang ang turing mo sakin. Kapatid! Khit alam mo kung anong nararamdaman ko." lumapit ako kay dustin at alam ko na nagulat sya ng bigla akong lumuhod at hinawakan ko ang dalawang kamay nya "dustin sa akin ka nalang. Ako nalang please! Gagawin ko lhat para sayo alam mo naman yun diba?"

"H-hindi ko alam na ganyan ka pala kadesperada na maangkin mo si dustin! Gagawin mo lahat para masira kami. Sa lahat ng taong pwedeng gumawa nun ikaw pa maica!" Narinig ko ang boses ni ate shen mula sa likuran. Dahan dahan naman akong humarap sa kanya

"Nagulat ka ba? Kasalanan mo ito shenna lopez. Alam mo sa sarili mo kung gaano ko kagusto si dustin pero ano ginawa mo? Kinuha mo sya. Ang buong atensyon nya kinuha mo, naiwan akong mag-isa, walang kaibigan at walang nagmamahal." Lakas loob na sabi ko na ikingulat naman nya

"B-bakit maica hindi ba kaibigan ang turing mo sakin? Minahal kita bilang totoong kaibigan hindi ko alam na wala palang halaga sayo mga pinagsamahan natin kahit sa maiksing panahon lang." Nakita ko ang pagtulo ng luha nya bago sya tumakbo palayo at sinundan naman sya ni dustin. Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko! Masyado ba akong nagpadala sa emosyon ko? Nagmahal lang naman ako.

Umuwi ako na parang walang nangyari. Pinipilit ko maging malakas dahil ayokong kaawaan ako ng kahit sino.

"You're 5 minutes late maica saan ka nanggaling?" Galit na tanong ni mom

"Sa school lang po mom. Masyado po kasing madaming ginawa kaya ginabi na po ng uwi." Walang gana na sagot ko

"Nakakasawa na yang mga dahilan mo. Umakyat ka ng kwarto mo hindi ka lalabas hanggat hindi ko sinasabi." Sigaw nya sakin na para bang ang laki ng nagawa kong kasalanan. Habang paakyat ako sa kwarto ko ay narinig ko na nagsalita si dad

"Ano nagsisisi ka na bang inampon natin yang si maica? Sa una plang diba sinabihan na kita!"

Yun lang ang narinig ko dahil pakiramdam ko mauubusan na ako ng lakas sa mga oras na ito. Bakit ba ako pinagkakaitan ng pagmamahal?

*roby's calling*

"H-hello?"

[Maica are you okay?]

"Yeah~"

[Let's meet tomorrow morning i have something to tell you!]

End of call~

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon