CHAPTER 29

21 2 0
                                    

"Uy shen moks wala ka ba balak kumain? Tubig tubig nalang?" Tanong ni rei sakin habang nandito kami sa canteen

"Diet ako eh." Pagsisinungaling ko. Wala na kasi akong pera kailangan ko magtiis. Hindi na kasi talaga ako binibigyan ng allowance ni dad. Hindi din naman ako manghihingi, hindi ako magmamakaawa para sa pera nila kaya ko naman magtipid kahit na minsan eh gusto ko din kunin ang pera na binibigay sakin ni ate hailey at ate cheska pero ayoko umasa sa kanila kaya sinasabi ko madami pa akong ipon.

"Diet? Ang payat payat mo tapos diet? Halos isang linggo kana di kumakain Magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo moks!" Sita naman sakin ni pie, actually kanina pa nga ako nahihilo at nung isang araw pa sumasakit sikmura ko hindi ko alam kung bakit. Umiinom naman ako ng tubig

"Shenna sabihin mo samin yung totoo! Bakit pati samin naglilihim ka?" Ryn

"a-ano kasi! Simula nung time na nag-away kami ni dad hindi nya na ako binibigyan ng allowance kaya nagtitipid ako ngayon."

"Ayon! Edi sinabi mo din yung totoo. Alam ba ni D yan?" Tanong ni lyn

"Hindi! Alam nyo naman problemado din yun diba ayoko makisabay."

"Papahiramin ka nalang namin ng pera if you want!" Rei

"No. Ayoko umasa sa inyo. Okay naman ako eh." Pakiramdam ko ay nanlalabo na ang paningin ko "magbabanyo lang ako!" Pagkatayo ko ay nagblangko na ang paningin ko At nawalan nalang ako ng malay

__________________

Nagising nalang ako na hindi ko alam kung nasaan na ako. Medyo masakit pa din yung sikmura ko

"Oh! Gising kana?"

"D-dustin? N-nasaan tayo?"

"Nasa clinic." Tipid na sagot nya, nakakatakot yung pagiging seryoso nya. Narinig ko pang huminga sya ng malalim "bakit ka nagpapagutom shenna? Alam mo bang may ulcer ka?"

"Ulcer?" pinilit ko naman tumayo mula sa higaan pero biglang kumirot ang sikmura ko kaya napahawak ako ng wala sa oras sa tyan ko. Kumunot naman ang noo ni dustin

"Oo shenna lopez. Bakit hindi mo sinasabi sakin na hindi ka binibigyan ng allowance ng tatay mo? Na wala kang pambili ng pagkain mo?" Napayuko naman ako bigla. Sinesermunan ako ni dustin!

"Ayoko lang maging problema sayo dustin." Narinig ko nanaman na huminga sya ng sobrang lalim

"Shenna kahit kelan hindi ka problema para sakin! Alam mo naman na ayaw ko nahihirapan ka. Mas nasasaktan ako. Kahit gaano ako kabusy sa practice namin. tawagan mo lang ako pupuntahan kita agad!"

"S-sorry!"

"Hay shenna mababaliw ako dahil sayo. Oh ayan pagkain kainin mo yan ah." Inabot nya sakin ang isang malaking burger,lasagna at juice "masakit pa ba sikmura mo? nilalagnat kaba?" Umiling lang ako, bumalik nanaman ang maalalahaning dustin na kilala ko. Haha "pagkatapos mo dyan uminom ka ng gamot ah. Kapag masakit pa din ang tyan mo wag kana pumasok bukas."

"HINDI PWEDE!" nabigla naman sya sa sigaw ko "contest na bukas diba? Battle of the band na. Hindi ako pwede hindi pumasok. Gusto ko manood ng performance nyo. Gusto kita mapanood. Para ipagsisigawan ko sa lahat habang nagpeperform ka na wooohhh boyfriend ko yan! Tapos gagawa ako ng banner nakalagay I LOVE YOU DUSTIN CONCEPCION!"

"Hahaha oo na basta magpagaling ka. Uminom ka din mamaya ng gamot pag-uwi mo ah. Sige na kain na."

Pagkatapos kong magpahinga sa clinic ay pinilit ako ni dustin na umuwi na kaya nagpasundo na din ako sa driver.. pagdating naman sa bahay ay wala pa ang parents ko at mga ate ko dahil medyo maaga pa din naman kaya expected ko na wala sila. Kumain ako agad ng konting kanin at uminom ng gamot saka umakyat sa kwarto dahil balak ko nga gumawa ng banner para kay dustin.

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon