"Dude you okay? Let's go! On the way na daw sila rei sa hotel." Ani gab saka tumayo at dali daling lumabas ng eroplano"Nagmamadali talaga gab? Parang ngayon lang kayo magkikita ng girlfriend mo samantalang halos isang buwan kayong magkasama last month." Pahabol ni carl. Si carl ang pumalit kay mark sa pagiging drummer
"D ano? Tara na!" Yaya ni andrei sakin bago ito nag-ayos at sumunod sa dalawa
Sa loob ng anim na taon ay ngayon lang ulit ako nakabalik ng pinas. Kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Sa loob ng anim na taon ay hindi pa din nawawala si shenna sa puso ko at ang balitang sobrang nagpadurog sa buong pagkatao ko.
"Dude bilisan mo ang daming nag-aabang satin sa labas! Nakakamiss!" Sigaw ni gab
"Oo na. Masyado kang excited akala mo first time mo makauwi ng pinas." Pang-aasar ko lumapit naman ito at inakbayan ako
"Excited ako para sayo ano. After 6 fucking years dude ngayon ka lang nakabalik dito. Hindi mo ba namiss?" Walang syang sagot na narinig mula sa akin "okay fine! By the way cassie said she'll be here tomorrow."
Sa anim na taon namin sa korea ay naging successful ang banda namin. Sumikat ito at nakilala sa buong mundo. naging maganda na din ang pamumuhay namin nila tatay. siguro masasabing kong naging maswerte na ang buhay ko ngayon. Pero masasabi ko din na may kulang.
Habang pasakay ng kotse ay rinig na rinig ang tilian ng mga fans na may mga hawak pang iba't ibang klase ng banner, binaba ko ang bintana ng kotse at kumaway sa mga taong isinisigaw ang pangalan ko.
Pagdating sa hotel ay nagshower muna ako at nagpalit ng komportableng damit at saka hinarap ang aming mga kaibigan na naghihintay sa isang table.
"Hey D kamusta ang pagbabalik pinas? Enjoy ba? I'm sure super namiss mo dito!" Ani ryn. Umupo naman ako sa tabi ni carl
"Parang ganun na nga. Wala pa din pinagbago masaya pa din dito." Sagot ko na may pilit na ngiti. Kunot noo naman akong sinulyapan ni gab
"So what time concert nyo bukas sa araneta?" Tanong ni pie, kasama nito ang kanyang boyfriend na si roby, yup sila na! Parang si pie ata ang nanligaw! Matagal nya na daw pala gusto si roby eh.
"8pm manood kayo ah! Nasaan pala si lyn at mark? Lagi nalang wala yung dalawang yun kapag may usapan tayo eh."
"ay naku andrei hindi ka pa nasanay sa mag-asawa na yun. pinanindigan na ang pagkakaroon ng pamilya nakalimutan na mag-enjoy." Sagot ni rei habang hinihiwa ang steak
"Nagtext sakin si lyn eh, hindi daw sila pwede ngayon kasi nagsusumpong nanaman si yunie, pero manonood daw sila bukas!" Ani ryn
nang ipanganak ni lyn si yunie ay nagpakasal agad ang dalawa, naging busy din si mark sa paghandle ng business ng pamilya nya. hindi din naging madali sa kanila nung umpisa pero hindi talaga sinukuan ni mark itong si lyn kaya sa huli ay napapayag nila ang parents ni lyn na magpakasal sila at umuwi ng pinas.
si andrei at ryn naman ata ang susunod din na magpapakasal. Although matagal na silang engaged ay ayaw pa din nilang biglain agad. Hindi naman daw kasi dapat madaliin.
Ang ayaw bati naman na si gab at rei ay mukhang wala pa atang balak na kahit ano. Ieenjoy pa daw nila ang pagiging magbf-gf dahil bata pa din naman daw sila.
Si pie at roby ay 4 years na atang magkarelasyon. Hindi ko alam ang istorya nila dahil ayaw din sabihin ni pie kahit sa mga bestfriend nya dahil nakakahiya daw.
Si carl naman ay niligawan ulit si maica. 3 years na syang naghihirap sa panliligaw sa isa. At dahil na din yun sa kuya nitong si roby.
"where's cassie pala gab?" Tanong ni rei
"Nasa banyo lang yun nagkakape!"
"Let's break up gabriel!" ani rei at nagtawanan naman ang lahat
"Joke babe! I'm just kidding, grabe ka talaga di kana mabiro. Bukas daw ang dating nya dito kasama nya ata ang boyfriend nya."
Masaya akong nakabalik ng bansa at makasama ang mga kaibigan ko pero may part sa akin na may kirot pa din. pagkatapos kong makatanggap ng balita noon tungkol sa nangyari kay shenna ay hindi na ako ulit nagtanong about sa kanya. Si gab at cassie ang saksi sa kung paano ako maging miserable noon habang nasa korea. Kung paano ko pahirapan ang sarili ko. Sinubukan kong kalimutan ang lahat. Napaniwala ko silang okay na ang lahat pero hindi ko pa din talaga kayang lokohin ang sarili ko.
"So hanggang kelan pala kayo dito? May photoshoot at guesting daw kayo ah!" Tanong ni ryn
"2 weeks daw eh." Tipid na sagot ko
"Nasaan pala manager nyo bakit parang hindi ko nakikita?" Tanong naman ni roby
"Nagpapahinga na yun. Pagod daw sya eh alam nyo na matanda na kasi madaling mapagod!" Halakhak ni gab
pagkatapos ng kwentuhan at tawanan ay nagpaalam na din ang mga kaibigan namin dahil masyado na din gabi.
"Babe hindi na kita ihahatid ah magiinom kami ni dustin!" Ani gab saka niyakap ang kasintahan
"Whatever. Inom lang huh! Call me later okay?" tango at ngiti lang ang sinagot ng isa..
nang maguwian na sila ay nagpaalam na din si andrei at carl na magpapahinga na. niyaya naman ako nitong si gab na uminom. Gusto nya pa sana sa labas pero mas pinili kong sa kwarto ko nalang, may mga beer din naman na nandoon.
"So how is it?" tanong nya sabay inom ng beer na hawak habang nandito kami sa balcony.
"What?" Tipid na tanong ko
"Ano pakiramdam na bumalik ka dito ngayon. Bumalik ka na walang babalikan?" Umismid ako sa kanyang tanong "alam ko ang lahat lahat sayo dude. Wala kang nililihim sakin. Kitang kita ko din kung paano ka nasaktan at kung paano mo pahirapan ang sarili mo noon. Halos hindi ka kumain, hindi ka natutulog, naglalasing, nakikipagbasag ulo, halos maospital ka na sa ginagawa mo. Alam ko hanggang ngayon nahihirapan ka pa din, I know you."
Pinagkait sakin ang makasama sya noon. Hanggang tingin nalang ako sa malayo kahit gustong gusto ko syang yakapin ay hindi ko magawa, gabi gabi akong pumapasok sa kwarto nya para lang makita ng malapitan at mahawakan ang maamo nyang mukha, sobrang sakit pero mas pinili kong iwasan sya kasi yun ang makakabuti para sa amin pero bakit nilayo sya lalo sakin ng tadhana! ito na ba ang karma ko dahil hindi ko sya pinaglaban noon?
"Bakit hindi mo sya puntahan?"
"You're crazy dude!"
"I know. Pero may pera kana diba! Bakit hindi mo puntahan sa america kung saan sya nakalibing!"
hindi ko kaya! Naduduwag akong harapin ang katotohanan. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin.
Nang gabing iyon ay hindi ako nakatulog ng maayos kaya naman ay antok pa ako na gumising ng umaga. Pagkatapos kumain ay dumiretsyo na kami sa venue para sa rehearsal. Pagdating ng gabi ay naghanda na kami para sa pagsisimula ng concert. Punong puno ang araneta. Sold out ang tickets! nagsimula kaming tumugtog, sinimulan ko ang pagtugtog ng gitara at pagkanta. Sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay isang pamilyar na mata ang nakakuha ng aking atensyon, isang pamilyar na ngiti ngunit isang iglap ay bigla itong nawala sa aking paningin!
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!