*shenna POV
"Happy birthday baby girl! Gising na!" Bungad sakin ng dalawang ate ko pagkapasok sa kwarto
"Masyado pang maaga! Kailangan ko pa ng beauty rest kaya magsilayas kayo sa kwarto ko." Pagrereklamo ko habang nakapikit pa din
"Sige matulog kana wag kana gumising letse ka tyanak ka talaga!" Pang-aasar naman ni ate hailey
"Halika na nga hailey. Bumaba ka nalang shen ah. Magluluto muna kami." Hinila naman ni ate cheska si ate hailey palabas ng kwarto
Dahil inistorbo nila ang magandang tulog ko kaya bumangon na ako pero nagopen muna ako ng fb bungad naman sakin mga bati ng classmates and friends ko sabog ang wall ko sa mga greetings nila. Alam kaya ni dustin na birthday ko? Syempre diba kasi tutugtog sila mamaya malamang alam nya. Pero bakit wala man lang message o text o tawag! Tsk
Busy ang lahat sa bahay sa paghahanda para sa birthday ko. Hindi naman ganun kabongga gaya ng sinabi ko sa kanila pero ang dami pa din nilang niluto.
6pm na kaya nag-ayos na din ako ng sarili dahil maya maya lang darating na mga bisita ko. Simpleng dress lang naman ang sinuot ko. At gaya nga ng sabi ko ayun isa isa na nagdatingan ang mga bisita ko. Mga classmates at mga kakilala ko lang naman sa school ang inimbita ko.
"Happy birthday moks! Ayan regalo namin apat." Sabi ni lyn pagkapasok palang nila sa bahay
"Thanks moks. Buti naman may regalo kayo dahil hindi kayo makakapasok kapag wala kayong dala." Natatawang sabi ko
Bawat pumapasok na bisita ay happy birthday agad ang bungad sakin may kasama pang gift.
"Ahm shen happy birthday. Eto oh regalo ko." Nahihiyang sabi ni lexi
"Salamat lexi. Bakit ikaw lang?" Tanong ko
"Nagtanong ka pa! Umaasa kang pupunta si scarlet! Kahit patayin mo yun hindi pupunta yun. Sige pasok na ako sa loob ah!"
"Sige! Enjoy!"
Sinasalubong ko lang lahat ng pumapasok. Syempre kailangan yun. Oo na nga hinihintay ko si dustin.
"Hey cute happy birthday!" - robi
"Rob! Thanks. Buti namann dumating ka."
"Ate shen! Happy birthday ah!" -maica
"Oy mai!! Namiss kita. Thank you. Pasok lang kayo sa loob."
Bakit kaya ang tagal nun. Halos naghintay ako ng 30mins. Pa at ayun dumating din ang mga loko.
"Happy birthday! Sorry nalate kami. Tagal kasi kumilos ni andrei eh." -gab
"Luh! Ako pa? Baka si D. Kanina pa nagpapagwapo sa salamin yan eh." - andrei
"Hahaha pumasok na nga kayo sa loob." Pagyaya ko sa kanila,
"Ah! Eh! Baby bear happy birthday." Nahihiyang sabi ni dustin
"Kanina pa kita hinihintay. Akala ko hindi ka na pupunta eh. Nasaan na?" Inabot ko naman ang kamay ko na parang may hinihingi
"Ang alin?" Pagtatakang tanong nya
"Psshh yung regalo! Wag mo sabihin wala kang regalo sakin!"
"Ahh yun ba! W-wala eh. Kiss nalang kita."
"Haaayy anong klase kang boyfriend! Tsk pasalamat ka mahal kita. Halika na nga." Hinila ko nalang sya papasok ng bahay
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!