CHAPTER 6

54 5 0
                                    

Saturday morning nagising ako sa alarm ko! Bat nga ba ako nagAlarm tapos 7:00am pa!! Haayyy inaantok pa ako! Chineck ko yung phone ko may 1 message sino kaya to number lang!

0936*******

Good morning babe este shenna pala! Gising kana? Mamaya ah aasahan kita dapat nandun ka. See you!

-dustin

^___________^ ganyan mukha ko ngayon ang aga aga goodvibes agad! Paano nya kaya nalaman number ko! :D

Tumayo na ako sa higaan at tinali ko ang magulo kong buhok sinuot ko ang slippers ko na may mukha ng bunny at bumaba na ako dumiretsyo akong kitchen..

---

"Good morning guys! Anong breakfast? ^___^"

"Aba ang aga mo gumising ah anong meron?" Tanong ni ate cheska

"Wala naman. Masaya lang ako!"

"Weird! Siguro may gala ka nanaman?" Ayan nanaman si ate hailey

Nagpuppy eyes ako kay mom!

"Alam ko yang ganyang mukha shenna! San ka nanaman pupunta?"

"Kasi mom birthday ni pie ngayon so treat nya daw kami sa moa ng dinner later."

"Anong oras nanaman uwi mo nyan? Magpasundo ka nalang kapag ginabi ka!"omg si dad meghad

"So it means dad pinapayagan nyo ako? Omg!! Thanks dad you're the best!" ^_____^

----

6:00pm

Tapos na ako magshower problemado ako sa susuotin ko! Kailangan maging maganda ako ngayong gabi. Naghalungkat ako ng damit ko and napili ko isuot nalang yung yellow dress ko and doll shoes, nilugay ko lang yung buhok ko naglagay ako ng light make up.

"Shenna nandyan na mga kaibigan mo." Sigaw ni mom mula sa baba

Tumakbo ako pababa em so eggzoited eh!

"Oh ingat kayo ah. And pie happy birthday pala sayo." Sabi ni dad

Napatingin naman sakin si pie na parang nagtataka tinignan ko din sya na may mukhang nagsasabi na makisama nalang sya at mukhang nagets nya naman dahil nagthank you sya kay dad..

---

Pagkatapos ng kalahating oras na byahe ay nandito na kami sa seaside ng moa may naririnig na kaming kumakanta at alam kong si dustin yun

"Mukhang nalate tayo ah!" Sabi ni lyn

Naglakad kami papunta sa venue ang daming nanonood karamihan puro babae! Alam ko na kung bakit.. tsk

Iris next na kinakanta nya at habang kumakanta sya nakatingin lang sya sakin! Ang awkward ng paligid parang nilalamig ako! Natapos yung kinanta nila bumaba sila ng stage hindi kami nakalapit kasi pinalibutan sila agad ng mga babae na gustong magpapicture! Grabe ang peymus pala talaga netong mga to! Pinilit ni dustin makaalis sa mga nakapalibot na higad este babae sa kanya nagsmile sya sakin tapos ayun! Niyakap nya ako! hindi lang simpleng yakap! Sinubsob nya yung mukha nya sa balikat ko tapos.....

"I miss you.."

Ano to!! Yung puso ko! ang bilis ng heartbeat ko! :( kailangan ko kumalma!! Inhale! Exhale!

"Miss agad? Kahapon lang tayo hindi nagkita ah! Sira ka talaga." Buti nakapagsalita pa ako.... kumalas sya sa pagyakap at tinignan nya lang ako... promise ang awkward na ng paligid...

"Ehem! Kanina pa kami dito oh!" biglang sabi ni ryn

"Pero infairness ah bagay kayo! Ang cute nyo tignan kinikilig nga ako eh. Yiieee! OTP!" sabi naman ni lyn... di ako nakapagsalita si dustin naman tumawa lang..

"Hi shen! Buti pumunta ka. :)"

"Oo naman mark ako pa ba! Naswertehan lang ako ngayon kasi nasa mood si dad. Haha"

"Buti nalang. Oh kain tayo tara libre namin."

Sabay sabay kaming kumain.. busog na busog ako grabe kasi si dustin maya't maya naglalagay ng pagkain sa plato ko para kaming magjowa eh lahat tuloy sila nakatingin samin..

-

After kumain nagpaalam nadin kami kila dustin na uuwi na kami masyado na din kasing gabi. Hindi naman ako tinigilan ng mga babaeng to nung nasa kotse na kami..

"Oy moks umamin ka nga! May something ba sa inyo ni dustin?" Tanong ni lyn

"Ihhh ano ba!!! Wala ah. Friends lang kami."

"Friends pero kinikilig ka dyan? Yung totoo gusto mo sya?" Rei

"Crush ko sya! Crush lang.."

"Ay naku moks dapat lang no! Remember si roby nagpromise ka sa kanya!" Pie

"Sus okay lang yan kung kayo talaga edi kayo.. love will find a way." Ryn

Parang biglang naguluhan yung isip ko! Simula ng nakilala ko si dustin hindi ko na masyado naiisip si roby :(

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon