*Gab POV*
"Guys so let's move to our next plan!" - ako
Sinabi ko sa kanila ang next plan namin at pinagplanuhan na namin mabuti. Last plan na ito so sana naman maging successful.
*Shenna POV*
Papunta ako sa rooftop dahil nandun daw yung apat na bruha, magchillax daw muna kami bago magstart ang klase. ano kaya nakain ng apat na yun. Pagakyat ko hinanap ko sila pero hindi sila yung nakita ko.
"D-dustin?" Nagulat naman si dustin ng makita ako at nagtaas ng kilay
"Shenna! Bakit nandito ka?" pagtatakang tanong nya
"A-ah kasi pinapunta ako dito nila ryn. Ikaw bakit nandito ka?" -ako
"Pinapunta ako dito nila mark! Teka mukhang alam ko na ito ah!" Nakita ko naman ang biglang pagngisi nya
Narinig naman namin na parang may naglock ng pinto. Alam ko na ito! Humanda kayo pag nakalabas kami dito T___T
Umupo nalang kami ni dustin sa dating tambayan namin. Namiss ko ito! Yung moment na palagi kaming magkasama.
"Wala na tayong magagawa kailangan nalang natin hintayin na buksan nila ang pinto mamaya." Sabi nya habang tinotono ang hawak nyang gitara
"Hindi ko alam kung anong iniisip nila bakit kailangan nilang gawin ito! Humanda talaga sakin yung mga yun mamaya." - ako
"May idea ako sa gusto nilang mangyari." malamig nyang sabi
"H-ha? I-idea? Anong idea? Ano bang gusto nilang mangyare?" -kinakabahan na tanong ko
"Shenna! Nasabi ko sayo na gusto kita diba? Paano kung sabihin ko na balak kong bigyan ng chance yung samin ni maica?" - dustin
B-bakit g-ganun! Parang bigla ako nakaramdam ng sakit.
"H-ha?" Yun lang ang tanging nasabi ko
*dustin POV*
alam ko kung ano binabalak nila mark kaya sasakyan ko na din. Gusto ko din malaman kung ano ako para kay shenna
"Mabait si maica hindi naman siguro mahirap na mahalin sya." - hindi ako nakatingin sa kanya habang sinasabi ko mga bagay na ito. Ang hirap talaga magsinungaling "alam ko naman na walang mangyayari sa nararamdaman ko para sayo kaya balak ko na din tapusin tong katangahan ko."
Hinihintay ko sya sumagot pero wala na ata sya balak magsalita
"W-wag!" Nagulat ako bigla sya magsalita
"Wag?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya
"W-wag k-kang magkagusto sa iba! Dustin! H-hindi ko ata kaya! gusto ko ako lang dustin! Yung totoo! Naiinis ako kapag nakikita ko kayong magkasama ni maica. O kung sino man babae na lumalapit sayo. Namimiss kita araw araw! Kung ganito ibig sabihin ng pagmamahal!! Oo na mahal kita!" yung mga mata nya na parang maiiyak na
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa sobrang gulat. Hindi ko akalain na sasabihin nya ang mga ganitong bagay. Niyakap ko sya. Sobrang saya ko. Ganito pala ang pakiramdam na mahal ka din ng taong mahal mo.
Parang bumalik kami sa dati yung masayang magkasama. Hinarana ko sya. Nagtawanan at nagkwentuhan yun lang ang ginawa namin sa rooftop hindi namin namalayan na hapon na pala.
*shenna POV*
Ang sarap pala sa pakiramdam na masabi mo yung nararamdaman mo dun sa taong mahal mo. Gumaan yung bigat sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!