Saturday!! It's saturdate ^_^Dahil nasa singapore pa nga ang parents ko, pinayagan ako ni ate hailey at ate cheska na umalis pinagmamadali pa nga ako nung sinabi kong si dustin ang kasama ko, kinikilig pa sila..
Sa mall lang naman kami pumunta ni dustin kumain kami sa jollibee dahil nga miss ko na kumain ng spaghetti at burger. Naglaro kami ng basketball,car racing, at dahil may videoke dun pinilit ko pakantahin si dustin mukhang mali naman ang ginawa ko dahil habang kumakanta sya dumadami ang mga higad sa paligid kinikilig pa yung iba. Pagkatapos ay naglibot naman kami.
Habang naglalakad kami napahinto ako sa tindahan ng mga camera. Halos mamangha ako kapag nakakakita ako ng magagandang camera yung malalaki pa. Napapanganga nalang ako.
"Uy shenna ano meron dyan?" Tanong ni dustin
"Camera!" Simpleng sagot ko habang naamaze pa din sa iba't ibang klase ng camera
"Baliw. Bakit ganyan ka makatitig sa mga camera! Kulang nalang maglaway ka." Pangaasar nya naman
"Alam mo bang pangarap ko maging photographer! gusto ko magkaroon ng ganyan kagandang camera, pero dahil nga sa hindi gusto ni dad ang hilig ko ayaw nya ako nakakahawak ng camera. Ano naman daw gagawin ko dun! Magfocus daw ako sa course ko dahil mas may sense yun para sa company." Sa mga camera pa din ako nakatingin habang nagsasalita
"Ahh. Tara na!" Hinila naman ako ni dustin palayo sa mga mapang-akit na camera
"Wait! Diba ikaw yung kumanta kanina?" Biglang sabi kay dustin ng babae na nakasalubong namin "ang gwapo mo pala talaga sa malapitan. Vocalist ka ba?" So ano parang hindi ako nageexist!
"Oo." Tipid na sagot ni dustin sabay alis
"Wait lang! Pwede magpapicture? Miss pwede mo ba kami picturan? Thanks ah!" Aba sarap kalbuhin ng babaeng ito. Hindi dapat ako papayag pero sapilitan nya binigay sakin ang phone nya at biglang kumapit kay dustin
Binalik ko na agad sa kanya ang phone nya at nagthank you sya kay dustin ang malala pa dun kiniss nya si dustin sa pisngi at biglang tumakbo palayo.
"my god! Grabehan talaga! Nagiinit ata pisngi ko ah." Pilit kong kinakalma sarili ko.
"Wag mo na pansinin, tara na!" Sagot naman ni dustin. Okay lang sa kanya palibhasa nahalikan sya sa pisngi.
"Hindi ka man lang nagalit dun sa babae? Napakalandi! Oh ano hindi ako nageexist! Inutusan pa talaga ako magpicture huh! Ang kapal...."
"Tatahimik ka o hahalikan kita!" Natahimik nalang ako sa sinabi nya.
Naglibot nalang kami pero yung mga nakakasalubong namin na mga babae halos lahat nagha-hi kay dustin.
"Ayoko na dito ang hirap huminga. Ang daming higad." Inis na sabi ko
"Haha ang gwapo kasi ng boyfriend mo. Tara na nga dun tayo sa park mas maganda dun." Pagyaya nya at pumayag naman ako
Pag punta namin sa park nagfoodtrip kami, nagbike at nanood ng dancing fountain. Sulit na sulit ata ang sabado na ito.
Pagdating naman ng linggo nagsimba kaming dalawa pagkatapos ay dumiretsyo kami sa bahay okay naman sa mga ate ko eh gusto nga din nila makita ulit si dustin.
Pagpasok namin sa bahay sinalubong agad kami ng dalawa kong ate.
"Akyat lang ako sa kwarto ah" -ako
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!