*dustin POVWala na ako sa mood pumasok kaya naisip kong umuwi na sana. Kumikirot yung kamay ko, dumugo pa nga kanina. Napalakas ata pagsuntok ko sa pader. Nagtataka kayo kung ano nangyari? Ganito kasi yun
*flashback*
Nung nasa office si shen. Nakita kong lumabas si krystal at lexi kaya sinundan ko sila hanggang sa pumasok sila sa cr ng mga babae. Nakinig lang muna ako sa usapan nila
"Pagkatapos ng araw na ito paniguradong pasasalamatan ako ni scarlet sa ginawa ko." Sabi nung krystal
"Ang galing mo talaga krystal. Paniguradong sira na ang image ni shen." -lexy
"Syempre. Madali lang naman ilagay ang necklace ni scarlet sa bag ni shen dahil maliit lang yun. At dahil tanga si shen hindi nya man lang napansin. Hahaha"
Dahil sila lang naman ang nasa restroom kaya pumasok ako at nilock ang pinto. Nagulat pa sila ng makita ako. Hinila ko yung krystal at isinandal sa pader.
"Sagutin nyo ako bakit nyo ginawa yun?" Mahinang tanong ko pero alam nilang galit ako
"D-dustin a-ano bang sinasabi mo? Bitawan mo ako nasasaktan ako." Takot na sabi ni krystal. Hawak ko kasi ang magkabilang braso nya habang nakasandal sya sa pader.
"Dustin bitawan mo si krystal please!" Naiiyak na sabi nung lexi
Tinignan ko lang sya at sinuntok ko ang pader malapit sa mukha nung krystal kaya nanlaki yung mata nya sa ginawa ko.
"Mabait ako, pero hindi kayo matutuwa pag nagalit ako. Wala akong pakialam kung babae kayo." Sagot ko naman
"A-ano b-bang gusto mo D?" Nauutal na tanong ni krystal
"Alam mo sagot dyan! Aaminin nyo sa office ang ginawa nyo o ipaparinig ko na lang sa kanila itong usapan nyo na nirecord ko?" Tinaas ko ang phone ko at pinlay ang narecord na usapan nila
Halata naman yung takot sa mukha nung dalawa.
"Bibigyan ko kayo ng hanggang bukas para ayusin itong kalokohan na ginawa nyo." Yun lang ang sinabi ko at umalis na ako.
Hindi na ako papasok dahil baka pag nakita ko pagmumukha ng tatlo baka makalimutan kong babae sila eh.
--------
*shenna POV
Pag tapos ng klase ay umuwi din ako agad! 7pm na kaya kumpulan nanaman kaming tatlo nila ate dito sa sala dahil umpisa na ng paborito namin na drama. Habang tutok na tutok kami sa palabas at sunod sunod na kain ng popcorn biglang tumunog ang phone ko. Napatayo naman ako ng wala sa oras at dali daling lumabas
"Oy tyanak saan ka pupunta gabi na!" Sigaw ni ate hailey
"Dito lang sa labas." Sigaw ko din
Pagbukas ko ng gate nakita ko si dustin nakasandal sa gilid at nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa
"Hi!" Tipid na sabi nya, binigyan nya ako ng maganda ngiti at kumaway pa
"Saan ka nagpunta? Bakit nandito ka gabi na! Bakit hindi kana pumasok kanina?" Sunod sunod na tanong ko
"Easy lang sa tanong! Masyado mo ata akong namiss!" Lumapit sya sakin at bigla akong niyakap. Syempre di ko inaasahan yun.
"K-kasi iniisip ko b-baka..."
"Baka isipin ko na ginawa mo talaga yung pambibintang nila?" Bumitaw sya sa pagkakayakap at hinawakan nya ako sa mukha. "May tiwala ako sayo shenna. Kahit anong mangyari yun ang dapat hindi mawawala sating dalawa yung tiwala. Naintindihan mo ba?" Tumango lang ako bilang tugon at ginulo nya naman ang buhok ko
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!