CHAPTER 12

28 3 0
                                    

*Shenna POV*

Ang aga ko nagising nakakainis wala pa ako matinong tulog! Kasalanan ni dustin ito eh! T_T kung hindi nya ako tinawagan kagabi at ginulo ang isip ko edi sana mahimbing tulog ko. Gusto nyo ba ikwento ko? Ganito kasi yun

[10:00pm]

Patulog na sana ako ng magring yung phone ko!

*dustin calling*

H-hello dustin!

[Shenna!]

B-bakit napatawag ka?

[Alam mo ba na nasasaktan ako? ng paghintayin mo ako sa rooftop? Ng makita kita na kasama yung taong mahal mo? Alam mo ba na nasaktan ako?] Ang lungkot ng boses nya

dustin! Lasing ka ba?

[Gusto mo malaman kung bakit? Kasi gusto kita! Oo shenna inaamin ko na gusto kita! Gustong gusto.]

Sobrang nabigla ako sa sinabi ni dustin! Hindi ko akalain na may nararamdaman sya para sakin. Bumilis yung tibok ng puso ko!

D-dustin! H-hello? Dustin?

[ Uy D ayos kana ba? Sino yung kinausap mo sa phone?"] Tanong ng lalaki na kasama ni dustin si gab ata yun

["Bakit kasi bumalik pa yun eh! Akala ko okay kami, akala ko lang pala!"] - dustin

["Ha? Ano pinagsasabi mo? Si shen ba? Uy D! Hayyy tara na ihahatid na kita."]

At ayun hindi na ako nakatulog ng maayos dahil sa tawag na yun.

----------

Halos wala akong gana pumasok sa eskwelahan mas gusto ko nalang magkulong sa kwarto kung wala lang exam ngayon aabsent talaga ako eh.

"Bakit kaba kasi ganyan akala mo ikaw lang nasaktan! NAKAKAINIS KA!!!!" Naglalakad ako papunta sa classroom. Baliw na ata ako dahil kinakausap ko ang sarili ko.

"Sino nakakainis? May kaaway ba ang baby ko?" yung ngiti ni roby na nakakawala ng inis, nakaakbay sya sakin habang nakangiti pa din

"H-ha? W-wala! Yung langgam kasi kinagat ako! Oo tama kinagat ako ng langgam nakakainis." Nababaliw na talaga ako!

"Hahaha akala ko kung ano na eh! Ang cute mo talaga! oopps mauna na pala ako shen malelate na ako unang klase ko pa naman! Bye cute see you later!" Kumaway naman ako sa kanya habang papalayo sya sa paningin ko

Pakiramdam ko ang haba ng nilalakad ko papunta sa classroom kung bakit naman kasi nasa dulo ang classroom namin. NAKAKAINIS!

"Ate sino nakakainis?"

"Ay palaka! Ano ka ba maica wag ka nanggugulat!"

"Kanina pa kita sinusundan ate shen pero hindi mo ako napapansin masyado malalim yang iniisip mo! Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako! Bakit mo pala ako sinusundan?"

"kung bakit kita sinusundan? Kasi gusto ko sabihin na magtatapat na ako kay dustin mamaya! Sasabihin ko na mahal ko sya! Sobrang seryoso ako sa nararamdaman ko ate. Tatanggapin ko kung ano man yung maging sagot nya, basta ang mahalaga nasabi ko na mahal ko sya ayoko magsisi sa huli, suportahan mo ako ate ah! Sige po bye!"

Sinundan nya ako para lang sabihin yan! Bakit ba ang daming bagay na nakakainis ngayon! ><

___________________________________

Natapos nalang ang unang subject namin pero wala akong naintindihan! Wala ang prof namin sa 2nd subject kaya nagpasya kami pumunta sa canteen para kumain daw dahil gutom nanaman itong si ryn! Papasok na kami ng canteen ng makasalubong naman namin ang split tongue na palabas! Kailangan ko makausap si dustin tungkol kagabi!

"Dustin wait!" Hinawakan ko sya sa braso at huminga ng malalim "may itatanong sana ako! Pwede tayong magusap? Yung tayong dalawa lang?" Seryoso syang tumingin sakin

"Oy kayong dalawa ah! Anong meron?" Panunukso ni andrei

"Tumahimik ka! tungkol saan ba shenna?" kunot noong tanong ni Dustin

"Basta! Halika!" Hinawakan ko ang kamay nya at hinila palayo sa mga kasama namin

___________________________

"Yung tungkol sa sinabi mo kagabi sa phone!" nahihiya kong tanong

Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng malaking puno sa loob ng eskwelahan. Walang masyadong dumadaan na estudyante kaya tama lang ang lugar na ito para makapagusap kami!

"Sa phone? Ano yun?" Halatang iniisip nya kung ano nga ba ang sinabi nya sa phone kagabi

"Hindi mo natatandaan? Yung sinabi mo? Haayy dustin naman! Sinabi mo gusto mo ako!" Nakakainis kasi wala sya matandaan kaya sinabi ko na.

"A-ahh y-yun ba! A-ano kasi!" Tumayo sya sa pagkakaupo "kalimutan mo na yung sinabi ko na yun wala naman importante dun tsaka lasing lang ako nun."

Tumayo din ako at humarap sa kanya! Inilagay ko ang isang kamay ko sa dibdib nya! Gusto ko maramdaman yung tibok ng puso nya!

"Hindi ko alam na nasasaktan ka dahil sa akin! sorry! Sorry kung hindi kita naabutan sa rooftop pero pumunta ako nun kaso wala ka! si roby! oo importante sya sakin dahil matagal ko na din syang kaibigan pero sa tingin ko hanggang dun nalang yun." Seryosong sabi ko

"Wag kang maawa sakin! Ayos lang ako." Ginulo nya lang ang buhok ko at ngumiti.

"D nandito ka pala kanina pa kita hinahanap eh!" Biglang ngsalita si maica mula sa likuran at tinanggal ko naman ang kamay ko sa dibdib ni dustin

"Bakit mai? May kailangan ka ba?" Seryosong tanong ni dustin

"M-may sasabihin kasi ako!" Pumikit sya at huminga ng malalim bago nagsalita muli "g-gusto kita D! Matagal na kitang gusto!"  Nabigla naman ako sa sinabi ni maica pero si dustin walang reaction

"M-mauna na pala ako ah. N-nakalimutan ko may gagawin pala ako."  Hindi ko na sila hinintay sumagot, tumakbo na ako palayo sa kanila, hindi ko alam pero ayoko marinig ang sasabihin ni dustin.

_____________________________________

*maica pov

"Thank you maica ah! Mabait ka naman eh, maganda ka kaya madami ka pang makikilalang mas deserving sa pagmamahal mo. Wag ka mag-alala parang gutom lang yan eh mawawala din yan." inakbayan nya ako at ginulo ang buhok ko. Ginawa nya lng biro ang lahat, oo alam ko para hindi ko dibdibin yung sinabi nya pero masakit eh.

Umuwi ako sa bahay at dumiretsyo sa kwarto, ganito naman gawain ko dito sa bahay eh magkulong sa kwarto.

*ate shen calling*

"H-hello ate?" Pinipilit ko pasiglahin ang boses ko

[H-hi mai! W-what happened sa p-pagtatapat mo kanina?]

"Okay naman ate! Naging okay ang lahat! Buti nalang talaga nagtapat ako agad! Ang saya ko nga eh." masiglang sabi ko

[A-ahh ganun ba! M-mabuti naman. I'm so happy for you mai!] Biglang humina ang boses nya

"Thank you ate! Goodnight po!"

Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling pero kahit anong mangyari gagawa ako ng paraan para magustuhan mo ako D.

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon