"Okay break daw po muna!" Sigaw ng isang assistant
kanya kanya naman ang paglilibang ng iba.
"Last photoshoot na ito diba?" Ani carl habang inaayos ng hairstylist ang kanya buhok
"Oo daw." Tipid kong sagot
"Buti nalang ang init na din kasi. Bakit daw kasi naisipan nilang dito gawin sa rooftop ng school natin dati?" Tanong ni gab
Nagkibit balikat lang ako at umupo sa dulo ng rooftop kung saan lagi ang pwesto ko noon. Walang nagbago sa rooftop na ito namaintain ang ganda at linis nito.
Bakit ba ako dinadala sa mga lugar na may alaala ng nakaraan! Apektado pa din ako ngunit ayaw ko lang ipahalata dahil paniguradong pagaawayan lang namin ito ng mga kaibigan ko.
"Oh!" Tiningala ko ang pamilyar na boses at tinanggap ang tubig na kanyang inalok "m-masyadong mainit baka himatayin ka nanaman dyan!" Napakunot noo nalang ako sa sinabi nya at umiwas ng tingin.
Naramdaman ko naman na hindi pa din sya umaalis sa harap ko. Kaya tiningala ko ulit sya
"What do you want?" Inis na tanong ko, umupo naman sya sa gilid ko
"Bakit ang sungit mo?" kunot noo nyang tanong habang hinihilot ang sintido
"Because you remind me of shenna kaya kung pwede leave me alone!" sigaw ko, Nakipagtitigan sya sakin bago sumagot
"I'm sorry!" Nabigla naman ako sa kanyang sinabi "it's not my fault na magkamukha kami but i understand kung maasiwa kang makita ako. But please don't hate me!" tumayo sya at naglakad palayo sa akin. Medyo naguilty naman ako sa inasal ko.
Pagkatapos ng photoshoot ay nagpaalam na ang karamihan pati na din ang tatlong kaibigan ko dahil may mga date daw sila.
Papunta na ako sa nakapark kong kotse sa labas ng school ng makita ko ang babaeng sinungitan ko kanina na nakatayo sa may waiting shed agad ko naman syang nilapitan. Wala na masyadong estudyante dahil magdidilim na din.
"Bakit nandito ka pa?" malamig kong tanong
"I don't have my car!" Ilang nyang sagot
"Ihahatid na kita!"
"Wag na may susundo naman sakin!"
"Ahh okay! Y-yung kanina sorry sa inasal ko!" Napapakamot na lang ako sa ulo habang nagsasalita, nakita ko naman ang pagngisi nya
"I understand! Siguro ay masyado kang nasaktan sa past mo noon. Pwede ko bang malaman kung anong nangyari?" Hinihintay nyang may lumabas na salita mula sa akin "okay lang kung hindi mo sabihin."
"flight ko nun papuntang korea nung araw na naaksidente sya, nabangga sya habang papunta sa airport." Nakatingin lang ako sa kawalan habang inaalala ang nakaraan
"O-oh i'm sorry!" Umiling lang ako at mapait na ngumiti
"But before the accident, nasaktan ko na sya. Nilayo ko sya sa buhay ko, pinagtabuyan ko sya dahil yun lang ang napili kong way para samin. Her parents don't like me dahil mahirap lang ako noon, ginawa ng tatay nya ang lahat para paghiwalayin kami. Wala na akong nagawa kung hindi ang layuan at pagtabuyan sya." Hindi ko alam kung bakit napakadali sakin na mag-open sa babaeng ito! Dahil ba kamukha nya si shenna kaya pakiramdam ko ay si shenna ang kausap ko?
"You're a coward! Ni hindi mo sya nagawang ipaglaban!" umiling ito sa kawalan at pinunasan ang magkabilang pisngi, umiiyak sya? Bakit?
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!