CHAPTER 14

26 4 0
                                    


Magkasama kami ni roby pero lumilipad ang isip ko! Naguguluhan ako kung bakit ako ganito! nakaupo kami ngayon sa ilalim ng malaking puno at Eto ako nakatingin sa dalawang taong masayang nagkukulitan sa di kalayuan

"Shen! Shenna?" Pasigaw na tawag ni roby

"H-ha? A-ano nga ba yun?" Tanong ko naman

"I think you're not listening to me. Lumilipad ang isip mo!" Huminga sya ng malalim at tumingin sa kanina ko pa tinitignan

"S-sorry rob ang dami kasing ginawa pagod lang siguro ako!" Pagdadahilan ko naman

"do you like him?" Diretsyong tanong nya na nagpakaba naman sa akin

"H-ha? A-ano bang sinasabi mo dyan! M-magkaibigan kami ni dustin!" Pinipilit kong sagutin ng maayos pero nauutal ako. Hindi sya nakatingin sakin pero bigla syang ngumiti at huminga ulit ng malalim

"Shen i didn't mention a name. Pero ikaw na mismo nagsabi kung sino yung taong gusto mo. Naging defensive ka agad." Ginulo nya ang buhok ko bago tumayo at naglakad palayo. Hinabol ko naman sya at sumabay na ako papunta sa room

"Wait rob punta lang akong restroom." Tumango lang sya bilang tugon

pagpasok ko sa restroom nandoon nanaman ang powerpuff girls inirapan naman nila ako hindi ko nalang pinansin

"Hey girls alam nyo ba na may bagong transfer student dito at sobrang handsome nya! Pero mas handsome pa din si baby dustin ko!" scarlet na sobrang landi magsalita na akala mo nasa harap nya yung taong lalandiin nya

"Really? Naku huh kailangan natin mapalapit sa guy na yun. You know madaming ahas dyan sa tabi tabi!" Sabi naman ng isa pang higad na si krystal. Alam ko naman na ako ang pinapatamaan nila at i know si roby ang tinutukoy nila

"Excuse me!" Dating gawain naghugas ako ng kamay ang winisik sa kanila ang tubig as usual galit na galit nanaman itsura ni scarlet "teka nga! Bahay nyo ba ito? Everytime na pupunta kasi akong restroom lagi kayo nandito! Hindi ba kayo nabibigatan sa kapal ng foundation nyo sa mukha? Haha" diretsyo naman akong lumabas sinundan naman ako ng tatlo pero napahinto sila ng makita si roby na nakangiti sakin! Dahil trip ko silang asarin hinawakan ko ang kamay ni roby at naglakad kami palayo sa tatlong witch. Narinig ko naman ang pagdadabog ni scarlet. Natawa nalang ako.

-----

Uwian na yayayain ko sana magmall sila ryn kaso hindi daw sila pwede! May kanya kanya silang dahilan. Magkukulong nalang ulit ako sa kwarto paguwi!

Pagdating ko sa bahay wala ang parents ko may business trip ata! Wala din si ate cheska. Si ate hailey nanonood sa sala!

"Oh bakit nandito kana? Wala kang gala?" Tanong ni ate hailey habang kumakain ng popcorn

"Wala akong kasama gumala!" Sagot ko naman at umupo ako sa tabi nya "ate can I ask you something!" Sabi ko habang nakatutok ang mata ko sa pinapanood nya

"Ano yun?" Pagtatakang tanong ni ate hailey

"Nagkagusto ka na ba sa dalawang lalaki?" Nabulunan ata sya dahil sa tanong ko

"Ano bang klaseng tanong yan?"

"sagutin mo nalang!"

"Hindi pa ako nagkakagusto sa dalawang tao. Hindi din kasi pwede yun! Pipiliin mo pa din kung sino yung mas matimbang sayo. May kasabihan nga daw na kapag nagkagusto ka sa dalawang tao piliin mo daw yung pangalawa kasi hindi ka naman magkakagusto sa iba kung gusto mo talaga yung una! Kahit anong mangyare kailangan mo pa din pumili kung sino ang nagpapasaya sayo. Mas okay na masaktan mo ang isang tao sa katotohanan kesa paasahin mo sya sa kasinungalingan!"

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon