Halos magiisang linggo na ng mangyari ang issue namin ni maica, after kasi ng nangyari hindi na sya nagpakita. Wala din naman nanggugulo samin ngayon kahit sila scarlet hindi din nagmamaldita sakin ngayon nakakapanibago nga eh pero okay na din yun kasi walang istorbo sa pagmamahalan namin ni honey bear. Hahaha as usual nandito kami sa tambayan namin sa canteen at itong si gab nagsimula nanaman magpapansin kay rei.
"Rei kailan ba magiging tayo?" Tanong ni gab kay rei
"Anong sinasabi mo dyan hindi ka pa nga nanliligaw eh!" Sagot naman ng isa
"Doon din naman ang punta nun eh. So ano tayo na?" Bigla nya naman hinawakan ang kamay ni rei. Ang kulit talaga ni gab, nakakatuwa silang tignan.
"Dude pang-ilan na si rei na sinabihan mo nyan ngayong araw?" Pangaasar ni mark
"Oy gab tigilan mo nga si rei hindi mo ba alam na si jiro pa din ang mahal nyan!" Eksena naman nitong si ryn. Nag-iba tuloy ang aura sa pligid namin. Nagkatinginan nalang kami ni dustin
"Jiro? Sino naman yun?" Medyo inis na tanong ni gab
"Her first love! But jiro is also a jerk. They broke up! He said that this is not the right time for them so they need some space. Nagpromise sya kay rei na makikipagbalikan sya after makagraduate. Actually dito din sya nag-aaral." Paliwanag ni lyn na halatang kinainis ni rei at nagtinginan naman sila andrei at mark
"Speaking of the devil! He's here!" Mahinahong sabi ni pie. Kita naman namin ang kaba sa mata ni rei
"Hey reichelle is that you? Long time no see! Can i join you guys?" Nagaalangan naman kaming tumango at ayun nga tumabi sya kay rei bali napapagitnaan si rei ni gab at jiro.
"Oh, nakakaistorbo ba ako sa inyo ng BOYFRIEND mo reichelle?" Tanong ni jiro, inalis naman agad ni rei ang kamay nya sa pagkakahawak ni gab
"H-hindi! Hindi ko sya boyfriend. Magkaibigan lang kami ni gab. Diba gab?" Naiilang na tanong ni rei kay gab
"Right! We're friend, just friend." Yun lang at nagwalk out na ang kaninang hyper na si gab. Tsk
________________________________________
*rei pov
Kanina pa nagtuturo ang prof namin pero wala akong naiintindihan kasi naman eh biglang gumulo yung utak ko. After ng nangyari kanina sa canteen parang nawala na sa mood si gab. Magkatabi kami ngayon pero di nya ako kinakausap parang kanina lang sobrang kulit nya sakin. Dahil kaya ito sa sinabi ko? Bakit naman sya magagalit eh totoo naman magkaibigan kami. Lihim ko syang tinignan busy sya sa pagtetext nakakunot pa ang noo badtrip nga siguro sya.
"G-gab do you have extra ballpen? Naubos kasi tinta ng ballpen ko." Pagsisinungaling ko. Binigay nya naman sakin ang ballpen na nasa desk nya pero hindi nya man lang ako tinignan
"Okay guys maghanap na kayo ng partner nyo para sa next project na gagawin nyo." Sabi ng prof namin at agad naman nagkagulo ang lhat sa paghahanap ng kanya kanyang partner. Syempre si shen at dustin ang partner tapos yung iba namin kaibigan ay may partner na din. Tinignan ko ulit si gab saka nagsalita
"G-gab can you be my partn-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang lumapit si krystal kay gab at niyaya syang maging partner at pumayag naman ang loko binigyan nya pa si krystal ng napakagandang ngiti. Nairita ako promise!
"May sasbihin ka ba rei?" Tanong nya sakin
"Ah! Eh w-wala naman." Yun lang ang nasabi ko buti nalang may lumapit sakin para yayain ako maging partner
________________________________________
*RYN POV
P.E nanaman, volleyball nanaman, eto talaga pinakaayaw kong sport eh mahina ako pagdating sa bola.
"Teka nga magkaaway ba kayong dalawa?" tanong ni shen kay rei at gab. Akala ko ako lang nakakahalata na hindi sila nagpapansinan, nandito pala kami sa covered court ng school wala pa yung prof namin kaya chismisan muna kami
"Oo nga moks may problema ba kayo ni gab? LQ?" Pagtataka din ni lyn, bigla naman tumawa ng malakas si gab
"Wala kaming problema ni rei. Hindi kami magkaaway dahil ang magkaibigan hindi dapat nagaaway! Ayan na si prof. Tara na!" Lumakad na si gab palayo nakita ko naman sa mata ni rei na parang malungkot sya. Ayaw pa kasi umamin. Tsk
*mom's calling*
"Hello mom! O-okay po." Alam ko na mangyayari ito pero hindi ko ineexpect na ganito kaaga. Parang humiwalay na tuloy sa katawan ko ang kaluluwa ko.
Nagsimula kami magvolleyball dahil takot nga ako sa bola at wala pa ako sa sarili hindi ko namalayan na papunta sakin ang bola mukhang hindi na ko makakaiwas kaya pumikit nalang ako pero naramdaman ko nalang na may humila sakin at agad naman ako napayakap sa taong yun, Ng idilat ko ang mata ko para makita kung sino ang humila sakin
"A-andrei?" Gulat na sabi ko
"Ayos ka lang loryn?" Nag-init ang pisngi ko ng banggitin nya ang pangalan ko at ang bango nya pa, ano ba ryn umayos ka nga!
"Y-yeah." Agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya, saka naman naglapitan ang mga kaibigan namin. Sinabi ko naman na okay lang ako para hindi sila mag-alala
Pauwi na kami pero hindi pa din maalis sa isip ko ang mangyayari bukas. Makikilala ko na ang taong ipapakasal nila sakin! Kung bakit kasi nauso pa ang arranged marriage!
"Uy ryn okay ka lang? Kanina ka pa tahimik ah!" Tanong ni shen
"Yeah i'm okay!" Pilit akong ngumiti
"Guys may movie ticket ako dito! Ano go tayo bukas?" Masiglang tanong ni mark, mukhang natuwa naman ang lahat
"Dude hindi ako pwede bukas my lakad ako eh. Bawi ako next time! Mauna na ako ah. Ingat kayo!" Sabi ni andrei na halatang nalungkot dahil siguro hindi sya makakasama!
"Ikaw lyn isama mo boyfriend mo para makilala naman namin." -pie
"Wow seriously you have a boyfriend?" Gulat na tanong ni mark kay lyn
"Oo naman ano tingin mo sakin walang papatol? Busy lang talaga sya kaya bihira lang kami magkita." Proud na sabi ni lyn. Ay naku iba kutob ko sa jowa nyan eh never pa namin nakilala, bihira tumawag at magtext sa kanya dahil busy daw. I'm gonna kick his ass kapag nalaman ko na niloloko nya si lyn.
Paguwi ko ng bahay dumiretsyo agad ako sa kwarto at humiga sa kama!
*tok tok tok*
"Pasok po!" Pagkasabi ko ay agad naman pumasok si mom at umupo naman ako ng maayos
"How's your school baby?" Tanong nya habang hinahaplos ang buhok ko
"It's good mom." Tipid na sagot ko
"So are you ready for tomorrow?"
"Do i have a choice?" Umiling naman si mom at nagpaalam na para makapagpahinga na daw ako. Ang magagawa ko nalang ay huminga ng malalim.
Ito na ang kinaiinisan kong mangyari!! Bahala na.
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Ficção Adolescentemahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!