CHAPTER 31

18 2 0
                                    


Isang linggo na pero walang dustin na pumasok sa school. Walang text. Walang tawag. Alam ko na nagpapagaling din sya pero sana naman sinasagot nya text at tawag ko diba! Sobrang nagaalala ako. nung sinubukan ko naman syang puntahan sa kanila ilang beses kong kinatok ang pinto pero hindi man lang nya ako pinagbuksan alam ko naman na nandoon sya pero hindi man lang sya lumabas. Hindi ko alam kung anong problema nya, pinipilit ko kalimutan ang mga sinabi nya sakin noon sa ospital.

"moks can you please stop staring at your phone? Just eat your food." Basag ni ryn

"Sorry. Iniisip ko lang si dustin."

"Dustin will be okay. Sa pagkakaalam ko papasok na sya bukas." Singit ni lyn habang busy pa din sa pagtetext

"O-okay!"

_______________

Kinabukasan ay nagmadali akong pumasok dahil sabi nga nila papasok na daw si dustin.

Nasa malayo palang ay natatanaw ko na ang likod nya pati na din ni gab. Gusto ko tumakbo at yakapin sya mula sa likod dahil sobrang miss ko na sya. Seryoso sila naguusap habang naglalakad sa hallway kaya dahan dahan akong pumunta sa likuran nila

"So hindi kana talaga makakapaggitara nyan?" Seryosong tanong ni gab

"Kailangan operahan. Ayos lang ayoko mag-aksaya ng pera para lang sa kamay ko." malamig na sagot nya

"dude wag ganyan. Alam ko naman yan ang kaligayahan mo. Eh yung scholarship? Binalik na ba sayo?"

"Oo."

"Damn! Lahat talaga gagawin nila mapaghiwalay lang kayo ni shen."

"A-anong ibig sabihin nun?" Hindi ko napigilan ang pagsingit sa usapan nila. Nagulat naman si gab ng makita ako at kumunot naman ang noo ni dustin

"Dude una na ako. Shen!" paalam ni gab

"Dustin ano yun? Hindi ko maintindihan."

"wala. Wag mo na pilitin intindihin." tinalikuran nya na ako at nagsimulang maglakad, nakabenda pa din ang kamay nya. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit malamig ang trato nya sakin. Hindi nya ba ako namimiss! Kasi ako miss na miss ko sya.

Naisipan ko muna magrestroom bago pumasok sa room dahil ramdam ko na ang nangingilid na luha sa mata ko. Habang papasok sa room ay iniisip ko pa din ang usapan nila kanina. Yung kamay nya! Gaano ba kalala? Hindi na sya makakapaggitara! Yung scholarship! Paano! Naguguluhan ako.

"Where have you been miss?" Tanong sakin ni pie ng umupo na ako sa tabi nya

"Restroom." Tipid na sagot ko. Luminga linga ako pero hindi ko makita si dustin pati na din sila gab.

"Lumipat na moks." Ani lyn

"H-ha? Anong lumipat?"

"Bumalik na sila sa dating section nila. I don't know. Sabi pinabalik na daw ng prof."

"Nagusap na kayo?" tanong ni rei

"H-hindi pa."

"What? Why?"

"May something eh. Ang lamig pa din nya til now. And it hurts." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Agad naman nila akong nilapitan at niyakap.

_______________________

"Girls una na kami ni andrei. Ingat kayo ah." Ani ryn at tumakbo palapit sa naghihintay na si andrei

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon