CHAPTER 27

17 2 0
                                    

*shen pov

"OMG! So kayo na for real?" Masayang tanong ni lyn kay rei at gab. sabay naman tumango ang dalawa bilang tugon. As usual nandito nanaman kami sa canteen. "Tapos ryn si andrei naman ang future husband mo?" Tumango din ang dalawa "OMG naloloka ako!! Congrats! i'm so happy for all of you guys!!"

"Ano ba lyn ang ligalig mo!" Sita naman ni pie

"Whatever! Ikaw nalang kasi hindi nagkakabf." Pang-aasar ni lyn

"Okay lang kesa sayo may bf nga hindi naman nagpaparamdam."

"For your info w-wala na kami."

"WHAT?" Sabay sabay naman kaming napasigaw nila ryn,pie at rei.

"Bakit moks ano nangyari?" Tanong ko

"N-next time ko nalang s-sabihin." Iniwas naman ni lyn ang tingin samin

"Buti na yun wala naman kwenta yung boyfriend mo na yun hindi ko nga alam saang lupalop ng mundo mo nakilala yun." Pangaasar ni pie

"Hoy tumigil na kayo!" Sita ko sa dalawa "nga pala may battle of the band daw dito sa school next next week. Bakit hindi kayo magjoin?"

"Kami pa ba papahuli? Nakapagparegister na kami!" Sagot ni mark

"Wow for sure panalo na kayo nyan. Ang galing ba naman ng vocalist eh."

"Kaya mahal kita baby bear eh hindi ka marunong magsinungaling!"

"Ay naku naglokohan nanaman kayo!" Sabay sabay na sabi nila at natawa nalang kami ni dustin. Naputol ang tawa ko ng biglang tumawag si robi sa phone. Magmeet daw kami sa covered court dahil may sasabihin daw sya, nagpaalam naman ako na sasaglit lang.

___________________

"Shen!" Tawag ni roby mula sa likuran

"Rob! May problem kaba? Ngayon ka nalang ulit pumasok!" Nag-aalalang tanong ko

"I don't have any problem! Actually natapos na ang matagal ko ng pinoproblema! Remember about my sister? I finally found her!"

"Really? I'm so happy for you roby. So what's your plan now?"

"Gusto ko muna syang ipakilala sayo. Papunta na sya dito." Halatang halata ang kasiyahan sa mukha ni robi. Naeexcite naman akong makita ang kapatid nya. Nawala naman ang ngiti ko ng makita ko ang pamilyar na mukhang papalapit sa amin

"M-maica?"

"A-ate shen!"

"Shen alam ko may hindi kayo pagkakasundo ni maica. Pwede bang isantabi nyo muna kasi gusto ko sya ipakilala sayo bilang kapatid ko!"

"W-what? Sya ang k-kapatid mo? Rob anong trip ito?"

"Ate shen! A-alam ko na sobrang laki ng nagawa kong kasalanan sayo! Alam ko na galit ka sakin! Naging makasarili ako kasi gutom ako sa pagmamahal! Pero maniwala ka man o hindi, pinagsisisihan ko yung araw na sinaktan kita! Sinaktan ko yung nagiisa kong ate! I-i'm s-sorry, i'm r-really s-sorry!" Napahagulgol sya at lumuhod sa harap ko. Para naman pinipiga ang puso ko. Hindi naman ako manhid. Madali akong magpatawad lalo na sa mga taong importante sakin "I'M REALLY S-SORRY ATE!"

"M-maica, tumayo kana dyan! Tama na. Hindi ko naman kayang magalit sayo kasi importante ka sakin. Sana bumalik tayo sa dati."

Pagkatapos ng iyakan namin ay ikinwento naman nila sakin kung paano nalaman ni robi na si maica ang kapatid nya. Aksidente nyang nakita ang birth mark nito sa kanang balikat at nasabi din nito na ampon nga lang daw si maica, tugma iyon lahat sa nawawalang kapatid nya. Kaya naisipan nyang kumuha ng hibla ng buhok sa suklay nito at pinaDNA test nya. Masaya ako dahil nakita na ni robi ang nawawalang kapatid nya at sana maibalik na namin ni maica yung dating kami.

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon