CHAPTER 23

11 2 0
                                    


Magkasabay nanaman kami ni dustin papuntang school. hawak kamay,harutan,landian,kwentuhan natigil lang ng may magtext sakin

*maica

Good morning ate shen, favor naman pwede mo ba ako samahan sa bar na pag-aari ng family ng classmate ko  birthday nya kasi dun daw gaganapin! Wala kasi ako pwede yayain eh, you know naman ikaw ang ate ko tsaka namimiss na din kita.

*ako

Okay sige magkita nalang tayo mamaya paguwi.

*maica

Thanks ate. Kaya mahal kita eh.

Ps: wag mo sasabihin kay D. Baka di ka payagan nyan wala na akong kasama.

*Ako

okay sige.. :)

"Sino yan?"

"H-ha? W-wala! Si rei tinatanong kung nasaan na daw tayo."

"Ahh grabe ah ang aga pa naman eh."

Pag pasok namin sakto naman nandun na sila rei sa room. Nagexam nanaman at wala nanaman akong naisagot as usual si dustin nanaman sumagot sa  papel ko.. abusado na ata ako.. hihihi

Naguwian na hindi ko kasabay mga bff ko dahil may kanya kanyang sundo. Sila dustin naman may event na pupuntahan. Tinext naman ako ni maica kung san kami magmeet.

"Kanina kapa dito naghihintay? Sorry ah."

"Okay lang ate basta ikaw. Tara na!"

"Saan daw ba yun? Bakit kailangan sa bar pa! Hindi pa naman ako nagiinom."

"Ano ka ba ate okay lang naman eh may juice naman dun."

Hindi talaga ako mahilig magpunta ng mga bar pero sabi ni maica mga classmates nya lang din naman daw ang nandun.

Nakarating kami sa sinasabi nyang bar at totoo naman halos lahat eh nakauniform, hindi din naman nagmukhang bar kasi medyo inayos dahil nga mga student ang bisita. Umupo kami ni maica kasama ng ilan sa kaklase nya.

Halos ilang oras na din akong nababagot. Si maica parang lasing na ata nakaanim na bote ng alak. Nakatulog na ata ng nakaupo

"Maica! Maica! Gusto mo ba umuwi na tayo?" Inaalog ko sya ng dahan dahan pero mukhang nakatulog ata

"Pabayaan mo muna syang magpahinga. Lasing na ata yan, mahihirapan ka alalayan yan pauwi." Bigla nalang sumulpot itong lalaki sa harap ko

"By the way i'm carl. Friend ako ng may birthday. Mukhang naisama ka lang dito ah." Dagdag nya. Umupo sya sa tabi ko. Mukha naman syang mabait eh. Palagi sya nakangiti

"Ah oo sinamahan ko lang si maica." Tipid na sagot ko

Medyo nagkakwentuhan pa kami. Nakakatuwa naman sya. Si maica tulog pa din.

"Bakit hindi ka nainom? Gusto mo ng juice? Ikukuha kita!" Tatanggi pa sana ako kaso bigla nalang syang tumayo at kumuha ng maiinom.

Nagpasalamat naman ako ng ibigay nya sakin yung orange juice. Halos maubos ko na din sa sobrang uhaw. Hindi natatapos ang kwentuhan namin dahil napakadaldal nya. Kaso sa oras na ito hindi na ako makasabay sa mga sinasabi nya. Parang hindi ko na sya marinig, pakiramdam ko din umiikot ang paligid ko dumidilim ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.

——————————————

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo. Napadilat ko pa lalo ang mata ko ng mapagtanto na wala ako sa kwarto ko, sa tingin ko eh nasa hotel ako, pero paano? Agad ko tinignan ang bag ko pero kumpleto pa din naman ang mga gamit ko at pera. Nakauniform pa din naman ako. Bakit wala akong matandaan! Ang huling naalala ko magkasama kami ni maica. Si maica! Agad ko syang tinawagan.

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon