CHAPTER 36

14 2 0
                                    


"Maligo kana agad at magbihis pagkatapos ay bumaba ka okay? I'll wait for you there! Ipaghahanda kita ng makakain." Ani roby

Diretsyo agad ako sa banyo at naligo para hindi ako magkasakit. Pagkatapos ay nagbihis na din ako ng pajama at shirt.

Habang naglalakad ako papuntang dining ay nakarinig ako ng sigawan ng mga kaibigan ko at ibang students narinig ko din ang biglang pagbagsak ng kung ano sa sahig kaya tumakbo ako para makita kung anong nangyayari

Sunod sunod na suntok sa mukha ang binigay ni dustin kay lucas. Ang isa ay nakahandusay sa sahig at hindi na lumalaban.

"Hindi mo talaga sineryoso ang sinabi ko sayo na wag mong gagalawin si shenna dahil babasagin ko yang mukha mo." ramdam ko ang galit sa tono ni dustin at lalo pa itong nagalit ng makitang ngumisi ang isa kaya naman binigyan nya ulit ito ng isang suntok, natakot ako dahil ngayon ko lang sya nakitang nagalit ng ganun kagrabe. inawat naman ito ni gab at andrei, si lucas naman ay inalalayan ng ibang estudyante, hindi nila ako napansin dahil busy ang lahat sa nangyaring eksena. Aalis sana ako para uminom ng tubig dahil naninikip ang dibdib ko pero may humawak sa braso ko.

"trust dustin. Wag kang magtitiwala kay lucas, wag mo hahayaang makalapit sya sayo. At kapag may nangyari nanaman masama sayo ay baka mapatay na ni D si lucas." Seryosong sabi ni scarlet

"What do you mean? I don't get it!"

"Sinadya nyang iwan ka kanina. I thought you're smart shenna! That guy, sya ang dahilan kung bakit hindi na nakakapaggitara si dustin." Pagkasabi nya nun ay agad syang naglakad palayo, ako ay naiwan na tulala

W-what? si lucas ang may kagagawan kung bakit naospital si dustin! Why?

Kailangan ko makausap si dustin kaya naman ay hinanap ko agad sya. Kailangan ko din malaman kung ayos lang ba sya, pinuntahan ko sya sa room nila

"D ano ba nangyayari sayo! Nakikita mo ba kung ano ka ngayon? Nung nalaman mong nawawala si shen ay parang wala kana sa sarili, parang halos lahat ng humarang sa dadaanan mo ay gusto mong patayin. and now look what you did to lucas halos basagin mo yung mukha nung tao. You're mad! You're scary! why? Because of shen? " sigaw ni cassie

"Shut up cassie wala ako sa mood umalis kana."

"Ano ba ako dito? Ano mo ba ako? Baka nakakalimutan mo ako ang girlfriend mo hindi si shenna. Sa akin lang dapat ang atensyon mo. Pero lagi mo nalang pinaparamdam sakin na outsider ako."

Damn it cassie ito nanaman tayo! Pwede iwan mo muna ako!" Iritadong sabi ni dustin

"Oo nga pala pinagpilitan ko lang sarili ko sayo. I'm sorry i forgot!" Mangiyak ngiyak na sabi ni cassie

napaatras nalang ako sa mga narinig. Ayokong makita nila ako kaya tumakbo ako agad palayo.

"Hey baby saan ka galing?" Bungad sakin ni roby

"H-huh? Restroom!" hinihingal kong sabi

"Let's go! You have to eat!" tahimik akong sumunod kay roby papuntang dining. Nakita ko doon ang nakahanda nyang pagkain para sakin, kahit hindi ako nagugutom ay kumain pa din ako, nakita ko naman ang papalapit na si cassie, binuksan nya ang ref at kumuha ng bottled water

"K-kain cassie!" Ilang na sabi ko

"Sige lang shen. Eat well busog pa kasi ako." Ngumiti lang sya sakin at umalis

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay roby na magpapahinga na ako dahil pagod na din talaga ako.

Pag pasok ko sa room ay naabutan kong nagkikwentuhan si rei at pie sa bed si ryn naman ay kakatapos lang maligo.

why can't we be together [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon