"Hello!" Bati ko sa kabilang linya[Hey chloe girl nakakainis ka! Bukod sa iniwan mo ako nung isang gabi sa concert eh Balita ko ikaw daw ang piniling photographer ng split tongue!]
"Yup. Kinakabahan nga ako eh. First time ko makakaharap ng super sikat. Tsaka sorry talaga jen sobrang sumakit talaga yung ulo ko eh."
[okay lang pero Nakakainggit ka talaga. Wag mo aagawin si dustin huh akin yun!]
"Sira. Sayong sayo na yun may kevin na ako ano. Oh sya sige na malelate na ako."
Pinutol ko na agad ang tawag, dumaan ako sa isang coffee shop para bumili ng kape baka sakaling matanggal ang antok ko.
Habang kinukuha ang order ko ay may batang biglang humila sa aking damit. Hindi ko napigilan mapangiti sa cute na batang nasa harap ko ngayon
"Hi baby! What's your name?"
"Ma'am shenna po!" Tawag ng staff at agad inabot sakin ang kape
"Thanks!" kinuha ko ito at bumaling ulit sa bata
"your name baby?"
"Yunie!" Sagot nya naman
"Hey yunie come here!" Isang pamilyar na lalaki ang lumapit sa bata "Your mom will be here in 15 minutes so stay on your seat baby!" Hinawakan nito ang kamay ni yunie at bumaling sakin "sorry miss." nagsisimula nanaman sumakit ang ulo ko, hindi ko din alam kung bakit ako kinakabahan.
Shoot malelate na ako!
"It's okay! I have to go. Bye baby!" Kumaway ako sa cute na bata at nagmadali na akong lumabas
Kailangan ko na magmadali dahil malalagot ako kapag nalate nanaman ako.
Pagdating sa venue ay nagaayos na ang lahat
"Late ka nanaman!" Bulong sakin ng isang staff
"Oo nga eh. Traffic!" Sagot ko at sinimulan ko na kumpunihin ang mga kakailanganin ko
Hindi ako mapakali habang kinukuhanan ng litrato ang sikat na banda sa harap ko. Nanlalamig at nangangatog ako hindi dahil sa sikat sila kung hindi dahil sa titig sakin nung dustin. Nang dumating sya kanina ay agad nya akong niyakap katulad ng ginawa sakin ng kasamahan nya okay na sana eh, pagbibigyan ko nalang kaso narinig ko nanaman ang pangalan na shenna. Pero imbis na magalit ay pagaalala pa ang nangibabaw sakin ng maramdaman ko ang init sa katawan nya at pungay ng kanyang mata, halatang masama ang pakiramdam nya.
______________________________
"Kev okay na ba sya?" Tanong ko sa boyfriend ko ng isugod namin yung dustin dito sa ospital matapos nya ma walan ng malay kanina. Naguilty tuloy ako sa ginawa kong pagsuplada sa kanya. Eh kasi naman he's so weird talaga
"Yup bumaba na ang lagnat nya. S-so sya pala yung dustin! Nameet mo na pala sya." Matamlay nyang sabi
"What do you mean?" Umiling lang ito bilang sagot "you know what uuwi na ako dahil kailangan ko na magpahinga."
"Ihahatid na kita. Let's go!"
Sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa byahe,
"Chloe! Chloe wake up! Hey babe wake up!"
Nagising ako sa pagaalalang boses ni kevin. Halos habulin ko ang aking hininga, paulit ulit na panaginip. Malakas na busina, isang aksidente pero masyadong magulo eh, isang lalaki, kung dati ay hindi ko ito mamukhaan pero ngayon naaaninag ko na sya. Bakit sya pumasok sa panaginip ko?
BINABASA MO ANG
why can't we be together [COMPLETED]
Teen Fictionmahal mo sya at mahal ka nya! pero takot kang ipaglaban sya.. paano ka nga ba lalakasan ng loob kung sya din mismo gustong isuko ang pagmamahalan nyo!!