Chapter 29

165 6 8
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 29


After that night when I ate dinner with Laurem in his car, days passed by like a whirldwind. Everything was so fast. Siguro dahil sa bukod sa abala ako sa trabaho, abala rin ako sa personal na buhay.

Katriz went back to Spain already habang si Cali naman ay umuwi na rin sa kanila sa Cebu. Wala naman kasi talaga dito sa Manila ang buhay ng dalawa. Katriz works as a graphic designer in Spain and Cali helps on managing their family business in Cebu. They just really went here in Manila para salubungin at makasama ako.

Nalungkot din ako dahil nag-isa na lang ako sa condo ni Cali. But a week after they left, si Sharrie at Alessandro naman ang umuwi ng Pilipinas. Gaya ng napag-usapan namin noon, lumipat na ako sa condo ni Alessandro. Nahihiya din naman ako kay Cali na nandoon ako sa condo niya kahit wala siya kahit ilang ulit niyang pinagpilitang ayos lang. Isa pa, mas gusto ko rin kay Alessandro para may kasama naman ako.

"Hay, ang kapal talaga ng mukha. Kung kumain ng pizza akala mo siya ang nagbayad," pasaring sa akin ni Sandy pagkakagat ko sa pizza na pinadeliver niya.

Nasa dining kami ng condo niya at nag-aalmusal. Instead of the usual breakfast food, nag-order ng pizza ang bakla. Pero hindi na ako magrereklamo dahil masarap naman.

"Thanks for the pizza," sabi ko.

"Thanks mo mukha mo. Sinabi ko bang kumuha ka?" pagtataray niya.

"Nakakuha na ko." I sticked out my tongue.

He rolled his eyes. "Konting-konti na lang itatapon ko na sa bintana mga gamit mo."

I laughed. His condo is a bit smaller compared to Cali's. Dalawa ang kwarto na ayon sa kanya ay para sana sa mahahanap niyang boylet ang isa kung hindi lang daw ako makapal ang mukhang pinagsisiksikan ang sarili ko dito.

Pero alam ko namang biro niya lang ang lahat ng iyan. He's actually the one who insisted na dito ako sa kanya. Nakakaawa naman daw ako kung mag-isa lang ako sa condo ni Cali. Ganyan lang talaga sila ni Sharrie. Mapang-asar pero alam kong they genuinely cares for me.

"Nasa Bohol na daw si Sharrie..." I informed him.

Sharrie stayed here for 3 days at umuwi na rin sa kanila sa probinsya pagkatapos. Tutulong daw muna siya sa pag-aalaga sa ama niyang may sakit bago bumalik dito sa Manila para magtrabaho. Si Alessandro naman ay kakatanggap lang sa isang kumpanya. Today's he's first day.

"Sabihin mo magpaganda siya at baka mapagkamalan siyang tarsier doon," sabi niya na ikinatawa ko ng husto.

Tumagal pa ang almusal namin dahil sa kwentuhan. He keeps on teasing me about Laurem being my boss.

"Kaya pala nauna ka pang umuw samin, ha? Sabik na sabik makita ng ex. Ang landi mo!" bintang niya.

"Excuse me, hindi ko alam na siya ang CEO doon!" pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

Eksaherada siyang humawak sa kanyang dibdib na tila hindi makapaniwala. "Kaya pala nakapagdate na sa Tagaytay? Napakilala na sa angkan? Uy, Belle, tama na deny! Mas malinaw pa sa sikat ng araw ang taglay mong kalandian!"

"Wala naman 'yan lahat! I told you, sumama lang ako para umabot siya sa party! Huwag ka na ngang mag-imbento ng kwento. Manang-mana ka kay Sharrie," asar kong sabi.

"Sige nga, tumingin ka nga sa mga mata ko at sabihin mong wala kang nararamdamang kahit ano kapag nakikita mo sita siya sa opinsina?" hamon niya.

"Whatever, Sandy!"

"Oh, bakit 'di mo magawa? Mahal mo pa? Mahal mo pa?"

"Hindi na nga! Ano ba!"

"Sabihin mo nga habang nakatingin sa'kin!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon