Chapter 8

108 6 12
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 8


Gaya ng inaasahan ko, nagsisimula ng magdiscuss ang prof namin pagsilip ko sa room. Kinakabahan ako kaya hindi muna ako tumuloy na pumasok sa pinto at hinarap si Laurem na nasa likuran ko. He looks so calm and unbothered. Hindi man lang ba siya natatakot na baka mapagalitan kami?!

"Uhh... Si ma'am, nandiyan na." Itinuro ko pa ang loob ng classroom.

He chuckled while looking at me. "Of course, Belle. We're thirty minutes late."

This is my first time to go inside a class being late kaya hindi talaga ako komportable. Pakiramdam ko, isang malaking kasalanan na ang nagawa ko. "Eh kung huwag na lang kaya tayong pumasok?"

His brows raised a bit as if he was suprised of my suggestion. I watched as his lips rose to form a smirk. "Why? You wanna watch another horror movie again?"

My face heated. Sinasabi niya yata talaga sa akin na kasalanan ko kung bakit kami late ngayon. Tama naman iyon pero hindi niya rin naman kasi sinabi sa'kin kaninang late na kami. Kahit na nag-enjoy ako, okay lang naman na hindi namin tapusin iyong movie kanina. Pwede namang next time na lang ulit...

So I'm really hoping that there will be a next time.

"Hindi ah! Natatakot lang ako kay ma'am," pagtanggi ko.

"It's better to be late than absent. Let's go inside."

Dinaanan niya ko at nauna na siyang pumasok sa loob. Napahinto sa pagdidiscuss ang babaeng prof namin at tumahimik din ang buong room. Hindi ko alam kung dahil ba si Laurem ang pumasok o dahil nakakaistorbo lang talaga ang pagpasok niya. Kinakabahan akong sumunod. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ng mga kaklase ko nang makita nilang kasunod ako ni Laurem. Nagbulungan pa nga iyong iba.

Alam ko na agad. Nagtataka sila kung bakit late kami parehas. Iniisip nila kung iisa lang ba ang pinanggalingan namin at kung oo, bakit kami magkasama.

"You're more than thirty minutes late, Mr. Velari and Ms. Luna," sita sa amin ng prof namin. She crossed her arms at pinagtaasan pa kami ng kilay kaya lalo akong natakot.

"Sorry ma'am..." hingi ko ng paumahin.

Si Laurem, dire-diretso lang at mukhang hindi nabahahala na hindi natutuwa ang prof na late kami. Nakayuko akong pumunta sa upuan ko at sumalubong agad sa'kin ang mukha ni Dominique na may mapanuyang ngiti. Kinakagat pa niya ang labi niya dahil sa pinipigilang tawa.

"Ang tagal niyo namang nag-usap para sa project. Ano 'yun? Bumisita na rin ba kayo sa Nueva Ecija kanina kaya ganon katagal?" pang-aasar agad ni Dominique pagkaupo ko sa tabi niya.

"Gumawa na kasi kami ng pangpresentation." Ayoko ngang aminin sa kanya ang totoong dahilan ng pagiging huli namin ngayon sa klase. Siguradong lalo lang niya akong tutuksuhin.

"Kayo na ba?"

"H-Huh?" Gulat akong lumingon sa kanya na ikinatawa lamang niya.

Madami-dami ang quizzes na darating sa susunod na linggo kaya pinaaghandaan ko ang lahat ng iyon buong weekends. I am busy the whole day studying and doing some assignments at nahihinto lamang ako kapag nakakatanggap ng text message ni Laurem.

Laurem:

What are you doing?

I rolled over my bed while reading his message. Minsan, nagugulat ako sa mga text niya lalo na kapag masyadong random. Inisip ko na lamang na siguro, he's asking what I am doing right now because he wants to check if I'm doing our presentation for Monday.

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon