Until the Stars Align Again: Chapter 27
Our silence is just making everything more awkward. Hindi ko na alam kung ano bang mas gusto ko. Kung mag-uusap kami, naiilang ako. Kung tahimik naman, pakiramdam ko ay ang awkward.
Buti na lang at lumikha ng ingay ang cellphone ko dahil sa tawag ni Cali. Tinatanong niya kung nasaan na ako. Nag-aalala daw si Katriz dahil gabi na at wala pa ako. I just said that I'm fine at na pauwi na ako. Mabuti na lang din at hindi na siya nag-usisa pa kung nakapagbook ba ako ng masasakyan o nagbus na lang.
I cannot deal with her reaction right now kung malalaman niyang nasa sasakyan ako ngayon ni Laurem.
"Uhh, si Cali. Nangamusta lang kung pauwi na ako," untag ko dahil hininaan pa niya ang volume ng stereo nang sagutin ko ang tawag.
"Cali..." He's trying to remember the name. "Your college roommate and best friend?"
Tumango ako. "Oo, siya nga. 'Yung ex fling ni Theo."
I laughed a little in an attempt to make the atmosphere lighter. Traffic at nakahinto kami ngayon dahil sa stoplight. Tamad na siyang nakasandal at isang kamay na lang ang nasa manibela.
"Where am I gonna drop you?" tanong niya.
Ang seryoso naman talaga nito. "Sa may condo lang ni Cali. Forbeswood Towers. Sa BGC."
Umilaw ang cellphone niyang nakalagay sa holder sa tabi ng stereo. Claire's name flashed in it. It was a text message. Dahil siguro nakahinto naman kami, kinuha niya ang cellphone at siguro... binuksan at sinagot ang mensahe.
I cleared my throat. "Kung malayo masyado... pwede naman kahit sa Makati na lang. Magcocommute na lang ako mula doon."
Nakakahiya. Baka kasi... may usapan sila ni Claire ngayon at nakakaistorbo ako? Ayos na sa akin ang magcommute kung nasa mas malapit na lugar naman na ako. Madali na siguro iyon.
"Ihahatid na kita sa kaibigan mo," sagot niya at ibinalik ang cellphone sa holder.
The traffic light turned green. Umandar na kami at muling binalot ng katahimikan.
"So, you're still friends with them? Both of them? Cali and Katriz, hindi ba?" biglang tanong niya.
I nodded. "Oo naman. Hindi naman din kami nawalan ng communication kahit noong... nasa US pa ako."
We were filled with silence again.
Just to have something do to, I started to watch the night lights and the other cars beside us through the closed window.
"Kailan ka pa nakabalik?"
I turned my gaze at him. Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko na this is just a normal conversation. He's trying to act casual and normal and I should be too. "The day before I went to your company. Kakabalik ko lang noon."
His phone lit up again. It was another text from Claire. Hinahanap na ba siya? Pero dahil nasa gitna kami ng byahe ay hindi niya pa matingnan iyon.
"Thanks for accepting me in your company," I said. Para naman may ambag ako sa usapan.
"Mr. Stanford recommended you. He's a family friend. DHV worked with his company a year ago," tuloy-tuloy niyang sagot.
"Salamat pa rin. Uhh, I mean, pwede ka namang tumanggi so... thank you pa rin."
DHV is actually the reason why I fully decided to come back. Kasi may mapapasukan na ako dito. Iyon lang naman ang iniisip ko.
"There's no reason for me to not accept it. You're good. DHV is always open for good engineers," he casually said.
BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomanceLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...