Chapter 13

131 6 16
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 13


Kulang na lang ay tumakbo na rin ako sa bilis ng lakad ko. Hindi ko na inintindi kung nakasunod ba sa akin ang dalawang kaibigan. Basta ang gusto ko lang ay makalapit na sa gate at makalabas na doon.

"Belle!"

His voice is louder now, probably because he's nearing also. Lalo ko lang binilisan ang mga hakbang ko at nagpanggap ulit na hindi siya naririnig. Kahit alam kong wala namang silbi dahil pagdating sa labas, maghihintay pa rin kami ng masasakyan doon. Baka nga hindi pa nakakapagbook ng masasakyan pauwi sila Cali. Pero wala na akong pakialam.

A tight hold on my wrist stopped me from walking. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. The unreasonable anger that I have right now and the tightening of my chest isn't enough to stop my heart from beating very fast. Without looking at him, sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya. He tried to pull me a little palapit sa kanya pero ginawa ko ang lahat para hindi siya magtagumpay.

Slowly, I faced him. Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago ako nag-angat ng tingin.

"I'll drive you home." His hand that's holding my wrist relaxed and fell down pero hindi siya bumitaw kaya nasama lang ang kamay ko sa pagbaba.

Wala akong masabi at nanatiling nakatitig lang sa kanya. His eyes, for me, will remain very intense no matter what. Nang tanawin ko ang table namin, nagulat ako na nandoon pa rin pala sila Cali at Katriz! They're all watching us pero agad nag-iwas ng tingin at nagpanggap na may ibang ginagawa nang mapansing nasa kanila na ang atensyon ko. Except Claire Gaviola na mas nagtagal ang tingin sa amin bago bumalik sa pagkain.

Mariin pa rin ang titig sa akin ni Laurem nang muli akong bumaling sa kanya. "Hindi na, Laurem. Kaya naman naming umuwi."

"Ihahatid ko kayo," he said, still holding my wrist.

"Hindi na nga." Nag-iwas na ako ng tingin at nagkunwaring may tinitingnan sa mga paa ko.

He sighed. "I just want to make sure you're safe."

"Kaya naming umuwi ng safe kahit hindi mo ihatid."

"Ihahatid ko pa rin kayo."

"Magtetext na lang ako kapag nasa condo na kami," walang balak na magpatalong sabi ko.

"Belle—"

"Dito ka na lang. Samahan mo si Claire." Sumasakit ang puso ko sa simpleng pagbanggit lang ng pangalan niya. Ramdam ko ang titig niya sa akin. Hindi niya inalis iyon kahit hindi ko na ulit siya tiningnan pabalik.

Lumuwag ang hawak niya sa palapulsuhan ko kaya akala ko ay bibitaw na siya, pero sunod kong naramdaman ang pagdampi ng kamay niya sa mismong kamay ko at ang paghawak niya doon. He let go of my wrist just so he could hold my hand. The wilderness of my heart is getting harder to ignore now kaya hindi ko na napigilang tumingin din sa kanya.

"Wait for me here. I'll just get my key. Ihahatid ko kayo. Ihahatid kita." There's finality in his voice na parang bawal na ako umayaw pa o kumontra.

Napaubo si Cali sa table at ngayon, mas halata na ang panonood nila sa amin. Nakita ko pa ang pagbulong ni Theo kay Dominique at ang pagtayo ni Dominique na parang sinisilip kung magkahawak ba ang kamay namin ni Laurem. Yumuko na lamang ako at wala na ring masabi. He took my silence as a yes kaya iniwan niya muna ako at mabilis na pumasok ng bahay. Kukunin siguro ang susi niya.

Sige, papayag na lang akong ihatid niya kami para matapos na. Ayoko na ring humaba pa ang usapan. Hatid lang naman. I'll just ride in his car at habang nandoon, hindi ko na lang siya kakausapin. It's past midnight at wala na sigurong traffic. Makakabalik siya agad dito. Mababalikan niya agad si Claire.

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon