Chapter 28

74 4 27
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 28


Plano ko na talagang hindi pumasok ngayon dahil napagod ako sa dinaluhang birthday ng lola ni Laurem kahapon. Ang hindi ko lang inaasahan ay mukhang pati si Laurem yata ay hindi makakapasok sa kanyang opisina.

I woke up early. Dala siguro ng wala naman ako sa condo ni Cali para maging sobrang komportable kaya kahit pagod, maaga pa rin akong nakabangon. Gising na rin si Laurem kaya sila ng kanyang lola ang kasama kong nagbreakfast. All his cousins are still asleep kaya mas tahimik ang hapag-kainan.

We planned to leave after breakfast, but it suddenly rained so heavy kaya hindi kami tumuloy.

"Patilain muna natin 'yung ulan?" suhestiyon ko kay Laurem na bihis na bihis na ngayon dahil handa na sanang umalis.

As usual, he's so refreshing in his simple off-white dress shirt and light brown slacks. Still like the old days na kahit anong isuot niya ay dalang-dala niya. Samantalang ako ay nakasimpleng black turtle neck na damit lang at high waisted faded loose pants na hanggang ilalim ng tuhod ko ang haba. Sa pinsan niya pang si Carlene ang mga damit na ito dahil wala naman akong dala na sa akin.

Palabas na sana kami ng kanilang mansyon para magpunta sa kanyang sasakyan kung hindi lang ang malakas na ulan at makapal na hamog ang naabutan namin pagbukas ng kanilang pintuan.

"Yeah. It's hard to drive if the rain's this heavy," sagot niya. Marahan niya akong hinila pabalik sa loob para hindi na maulanan pa. He closed the door after. "You can still rest. Kung inaantok ka pa, pwedeng matulog ka ulit sa kwarto."

Agad akong umiling. Nakakahiya naman iyon! "Hindi na! Dito na lang ako."

Kami lang ang nasa living room dahil nasa sariling kwarto na ang kanyang lola. Ang mga pinsan niya naman ay tulog pa rin. We sat on their big and very comfortable sofa. Sobrang komportable na tumanggi man ako sa sinasabing niyang pahinga, hindi ko napigilang makatulog muli.

I found myself lying on a bed again. Mabilis akong naupo at nagulat nang madatnan ko siyang nasa study table hindi kalayuan sa akin at abala sa laptop. This isn't the room where I slept last night. Wala namang study table doon.

Maybe this is his room?

Nakakahiya! Nakatulog ako sa sofa kanina at siguro... binuhat na naman niya ako papunta dito! Inalis ko ang kumot na para makatayo na. Napansin niya iyon kaya bumaling sa akin ang seryoso niyang mga mata.

"I'm sorry, nakatulog pala ulit ako."

There's a glint of gentleness in his eyes while he's watching me. Dinapuan agad ako ng hiya nang maisip ang ayos ko ngayon. My hair's probably messy! I looked at the glass doors to check if there rain had stopped already habang pasimpleng inaayos ang sarili.

"P-Pwede na yata tayong umalis?"

He nodded before standing up and closing his laptop. "Magpaalam muna ulit tayo kay lola..."

Ganoon na nga ang nangyari. Nagpaalam muli kami sa kanyang lola na binigyan pa ako ng mahigpit na yakap bago kami tuluyang umalis. At hindi rin kami nakatakas sa mga pang-aasar at mga nakakalokong ngisi ng kanyang mga pinsan.

Walang traffic kaya mabilis ang pagmamaneho ni Laurem pabalik ng Maynila. Hindi rin kami halos nag-uusap dahil maya't maya ay may sinasagot siyang tawag. Wala siya sa opisina kaya baka nga hinahanap na siya lalo na't madalas ay kailangan siya doon. I also have a lot of messages from Cali at mga tawag galing kay Katriz. Pero naitext ko naman na sila kanina.

Laurem checked his wrist watch. "Yes. I'm on my way back to Manila. Okay, I'll be there."

He's talking to someone over the phone again. He's really busy. Kaya malaya din akong napapagmasdan ang bawat galaw niya. Nalilibang akong panoorin siyang nagmamaneho gamit ang isang kamay lang niya habang ang isa'y gamit niya sa cellphone kung may tinitignan siya doon paminsan-minsan.

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon