Until the Stars Align Again: Chapter 17
"Congrats, Belle! I heard ikaw ulit 'yung nakakuha ng highest average sa buong engineering last sem? Top one ulit, ah!"
"Salamat, Ate Macy," nahihiya akong ngumiti sa kanya.
Sabay na kaming tumayo at nag-ayos ng gamit para makapaghanda nang umalis. Kakatapos lang ng meeting namin ngayon dito sa homeroom ng Honor Society Club para sa activities ng club ngayong panibagong school year.
"So how's your first year in engineering?" tanong niya pa.
"Ayos lang naman, ate. Medyo mahirap pero kinakaya naman."
Today's the first day of class kaya officially, isa na akong ganap na second year civil engineering student.
"Medyo mas mahirap pa kapag nag third year ka na. Pero you know what, Belle? Feeling ko kayang-kaya mo. I won't be surprised if you'll graduate with flying colors! Running for summa cum laude ka siguro, ano?" She winked at me.
"Hala, ate, baka hindi ko kaya 'yan..."
"Ano ka ba, kakayanin 'yan!" malakas ang boses na sabi niya habang tinatanaw ang adviser ng club na si Ma'am Cortez na nasa table sa harap ng white board. "'Di ba, ma'am?"
Bumaling tuloy sa amin si ma'am. "Of course, Ms. Luna. You surely can kung pagsisikapan mo."
Ngumisi si Ate Macy at nagkibit ng balikat. Pagkatapos ay lumapit siya at bumulong.
"Anong feeling ng top one na nga tapos boyfriend pa si Laurem Velari?"
Hindi naman ito ang unang beses na may nagtatanong sa akin ng ganito pero bakit ganito pa rin lagi ang epekto sa akin? Mahihiya ako tapos... kikiligin at maiilang.
"Asus, nagblush pa!" Humalakhak siya.
Lalo tuloy akong nahiya pero sa huli, natawa na rin. "Masaya, ate..."
"Bagay kayo, Belle. Ang daming naiinggit sa'yo, girl. Baka nga isa na ako do'n!" biro niya pa at saka muling humalakhak.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na naging usap-usapan talaga sa college of engineering department iyong... kami ni Laurem. Cali and Katriz said that they are also hearing some on their department. Maraming nagulat dahil akala nila ay si Claire at Laurem. Some were just so curious of me dahil nga hindi naman ako kilala. Pero nang tumagal naman, nawala na rin.
Kalagitnaan siguro ng nakaraang sem nang hindi na naging bago sa mga schoolmates namin ang lahat. Naging normal na sa kanila na palagi kaming magkasama ni Laurem. Sa akin na nga lang yata hindi pa masyadong normal ang lahat. Because my heart would still jump and flutter every single time that I'm with him.
Laurem helped me a lot last semester. Kapag lumiliban ako sa klase dahil nasa amin ako sa probinsya, he would take down notes and he would teach me the lessons that I missed. Madalas akong nasa condo niya at doon kami sabay na nag-aaral, nanonood ng movies, kumakain at doon na rin ako natutulog minsan. Hinahayaan niya akong doon sa kwarto niya matulog habang siya ay sa sofa bed na lang sa sala niya.
Ilang beses ko na siyang inaya na magtabi na lang kami sa kwarto niya dahil baka hindi siya komportable sa sofa bed. Pero ni minsan, hindi siya pumayag. I don't know why but he just really don't like the idea.
Umalis na si Ate Macy dahil may aasikasuhin pa daw siya sa booth namin. Ngayong araw din kasi ang welcome party para sa mga freshmen at transferees at kagaya last year, may booths ulit ang bawat organization na itatayo sa open field. Tutulong din ako pero mamayang hapon pa. Manonood muna ako sa program dahil tutugtog sila Laurem.
BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
Lãng mạnLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...