Until the Stars Align Again: Chapter 21
"Have a seat, hija," utos ng ina ni Laurem nang mapansin niyang nananatili akong nakatayo sa harap ng table na kinuha niya para sa amin.
I remained standing. Iniisip ko pa rin kung tama bang nandito ako at sumunod sa kanya. Kung tama bang sumama sa kanya dito.
"Sige na, hija, have a seat. I'll order food for us," pilit niya at saka nagtawag ng waiter.
Naupo na ako kagaya ng gusto niya. Hindi ko siya tinitingnan pabalik kahit anong tingin ang gawin niya sa akin. I never smiled at her nor greeted her. Hindi naman siguro kailangan. There's no reason for me to be so polite towards her.
"Anong gusto mo?" she asked me while the waiter is waiting for our orders.
Hindi ako sumagot. Tumingin lamang ako sa gilid ko. Wala akong balak na mag-order ng pagkain dahil alam kong mahal dito at mas lalong ayoko na siya ang magbayad ng kakainin ko. Ayokong magkaroon ng kahit anong utang na loob sa kanya.
"Just my usual order. Two of it, please," she instructed the waiter when she realized I am not going to answer.
The waiter nodded politely before leaving our table.
"Thanks for coming here with me. I need to talk to you."
"Ano po bang pag-uusapan?" diretsong tanong ko. Hindi nakatakas ang galit sa boses ko at tila pilit na lang ang paglalagay ko ng 'po' sa sinabi ko.
Halata ang gulat sa kanya kanina nang ako ang magbukas sa kanya sa unit ni Laurem. Sa itsura at ayos ko pa lang kanina, malalaman niya agad na sa condo ni Laurem ako nagpalipas ng gabi. Wala siyang sinabing kahit ano tungkol doon. She just looked at with her judging eyes. Gigisingin ko na sana si Laurem pero pinigilan niya ako. Hiniling niyang sumama ako sa kanya dito dahil kailangan daw naming mag-usap.
Tumanggi agad ako pero nakiusap siya at tungkol daw kay Laurem ang pag-uusapan namin. Her expression while saying that we have to talk about Laurem softened at may pag-aalala rin sa mga mata niya. That made me agree. Dahil baka mahalaga. Baka mahalaga tungkol kay Laurem. It made me feel that something is wrong and I have to know it.
Nasa isang coffee shop kami ngayon sa baba ng condo building ng unit ni Laurem. Tulog pa rin si Laurem nang umalis kami doon kaya hindi niya alam na kasama ko ang kanyang ina ngayon.
"It's about my son..." seryosong sabi niya.
I didn't answer. Inayos ko lang ang mahabang sleeves ng sweatshirt na suot ko dahil nilalamig ako.
"These past few days, our family is not..." she stopped for a while and continued with what she's saying. "Our family is not okay. Our family is in the verge of failing. We're so close to being destroyed, Ms. Luna."
Itinikom ko ang bibig ko at hindi pa rin sumagot. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko kasalanan kung nagkakaproblema ang pamilya nila kahit alam kong may koneksyon ako sa ganoong nangyayari sa kanila. Gusto kong sabihin na nasira rin ang pamilya ko dahil sa kanya. Pero pinili kong tumahimik na lang.
"And I won't lie, hija. I'll go straight to the point. It's because of you."
Doon ako napatingin sa kanya. Nalaglag pa ang panga ko dahil hindi ko inaasahan ang diretshan niyang pagsasabi na parang kasalanan ko lahat. "Sinisisi niyo po ba ako?"
Umiling siya. "No—"
"Wala po akong ginagawang masama sa inyo, Mrs. Velari."
"I know."

BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
Roman d'amourLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...