Until the Stars Align Again: Chapter 7
Hindi gaya noong gabing hinatid ako ni Laurem, mas maaga akong umuwi ngayon galing library dahil hindi rin naman ako masyadong makapagfocus sa mga inaaral ko. I am trying to prepare for the upcoming week dahil marami kaming nakapilang exams pero lumilipad talaga ang utak ko minsan dahil lang naiisip ko na nagsend sa akin si Dominique ng number ni Laurem.
Dominique has been teasing me from the start na may crush ako kay Laurem. Sa pagkakaalala ko, nagsimula niya akong asarin nang mahuli niya akong sinusulyapan si Laurem noong unang araw ng paglipat niya sa block namin. Hindi naman niya iyon binabanggit kay Laurem kaya hindi ako masyadong nag-alala.
At saka, totoo naman din kasi...
Iyon lamang ang laman ng isip ko nang sumakay ako ng jeep pauwi hanggang sa makarating ako ng condo. I'm contemplating whether to send him a text message or not. Kung tutuusin, pwede namang hindi. We still have class tomorrow at pwede namang doon ko na lamang sabihin sa kanya. But why is there a part of me na gustong magtext sa kanya?
Lumalala na yata talaga ako.
"Oh, buti hindi ka ginabi ulit." Nag-angat ng tingin sa'kin si Katriz mula sa painting na ginagawa niya habang nakasalampak sa sahig ng sala ng condo.
"Maaga ako natapos mag-aral," pagdadahilan ko.
"Kain ka na ng dinner, Belle. May natira pa naman sa ininit kong ulam kanina," she said while getting busy on her painting again. Plate na naman siguro niya iyan sa isa sa mga subjects nila.
Inikot ko ng tingin ang buong condo hanggang sa dining area dahil hindi ko makita si Cali. Nakakapagtaka dahil madalas nagsasabay silang umuwi ni Katriz. Magkablock kasi sila at parehas ang class schedule. "Si Cali?"
"Kakaalis lang. Alam mo naman 'yun..." napapailing niyang tugon.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Saan daw nagpunta?"
"Saan pa ba edi may date na naman. She's going out with one of our classmates."
Tumango-tango na lamang ako. Naiintindihan ko naman na iyon. Ganyan talaga si Cali. Mahilig makipgdate at mahilig din makipag 'fling' as what she calls it. Hinahayaan namin siya ni Katriz dahil kahit sabihan namin siya, hindi naman siya masyadong nakikinig. Isa pa, ilang beses na niyang napatunayan sa amin na kaya naman niya ang sarili niya.
"Ikaw? Wala kang date?" pagbibiro ko sa kanya.
Gulat siyang tumingin ulit sa'kin na para bang out of this world iyong itinanong ko. She also rolled her eyes. "Yuck."
Natawa na lamang ako. Si Katriz talaga. Hindi ko rin alam kung anong problema niya pero parang may allergy siya sa pakikipagdate o sa kahit anong konektado sa pakikipagerelasyon. Wala naman din akong alam sa mga bagay na iyon dahil hindi ko pa nararanasan. Pero bakit ngayon... parang bigla akong nagiging interesado?
After eating my dinner and taking a bath, binalikan ko si Katriz na nasa sala pa rin at tinatapos ang plate niya habang si Cali, wala pa rin. Maybe she's really enjoying her date right now kaya wala pa rin siya? Ano kayang feeling ng nakikipagdate?
"Good night, Katriz..." ani ko sa kanya dahil balak ko ng dumiretso sa kwarto ko at magpahinga na.
"Night, Belle. 'Wag ka sanang magaya kay Cali na masyadong maharot," tutok pa rin sa ginagawa na sagot niya.
I laughed because of that. I kissed her cheek before finally going to my room.
Nakahiga na ako ngayon sa kama at nakikipagtitigan sa text ni Dominique na may numero ni Laurem. Just thinking about texting him brings me so many not understandable feelings on my chest and my stomach. Pero bakit gusto ko pa rin gawin? I saved his number with a smile on my face. Pagkatapos, nagsimula akong mag-isip ng kung anong maaari kong sabihin sa kanya sa text.
BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomanceLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...