Until the Stars Align Again: Chapter 3
Nakakahiya. Wala na akong ibang maisip kundi nakakahiya talaga. Ano 'yon, Maybelle? Ano 'yung ginawa mo na 'yon?
Badtrip sa sarili na ibinigay ko na lang sa 'Lost and Found' iyong wallet na napulot ko. Binilisan ko pa dahil baka ma-late ako sa next class namin. Mas lalo kong gustong pagalitan pa ang sarili ko nang maisip na may tatlong klase pa akong natitira para sa araw na 'to at syempre, lahat 'yon kaklase ko siya.
Not that I don't want to see him... syempre, natutuwa ako kapag nakikita ko siya. Pero nahihiya talaga ako sa nangyari kanina.
I tried to cheer myself up by just thinking that at least, I still had the chance to talk to him. That was my first time being able to talk to him.
Maingay na sa loob ng room para sa sunod kong klase pagkapasok ko. Buti na lang at hindi pa naman ako late dahil wala pa naman ang prof. I heard some of our classmates talking to him.
"Buti dito ka pa rin sa Westbridge, Laurem? I thought you're going to study abroad for college," sabi ng babae sa tabi niya na kung tama ang pagkakatanda ko, Nicole ang pangalan. She's somewhat familiar to me dahil active siya sa mga extra curricular activities during highschool.
"I didn't plan that," maikli at tamad na sagot ni Laurem.
"Oh? Napabalita kasi 'yun during our graduation day. That your parents want you daw to enroll in some university in London?" pangungulit pa ni Pauline. Kilala ko siya dahil classmate namin siya nila Cali dati.
Nakapaligid pa talaga sila kay Laurem and they are persistent to have a conversation with him kahit ang tamad nitong sumagot at halatang hindi interesado.
"I'm okay here," Laurem answered.
"Buti nga dito ka pa rin, eh! Syempre—"
Pauline was not able to continue whatever she's about to say when our professor came. Umayos na ng upo ang lahat at tumahimik. Sa first row nakaupo si Laurem malapit sa bintana. Nang makita kong may available pa na upuan sa pinakalikod, doon na ako pumunta. Nagkatinginan pa kami ni Laurem pero saglit lang dahil mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
Our professor started orienting us about the subject and for the second time, hindi na naman ako makapagfocus. I am always glancing at Laurem. Malaya kong nagagawa iyon dahil hindi naman siya tumitingin sa likuran niya. Mas pinanood ko pa yata ang likod niya kesa makinig sa prof.
I realized, ang sungit pala talaga niya at ang suplado. When I ran after him kanina dahil sa pag-aakalang sa kanya ang wallet, kulang na lang huwag na niya akong pansinin.
That is really his personality. Very unfriendly and... unreachable.
I met with Cali and Katriz at the gate at sabay-sabay na kaming nagcommute pauwing condo. Masyadong masaya ang dalawa habang nag-uusap tungkol sa block niIa. I sigh at the thought na sana kaklase ko na lang din sila.
But if I took the same course with them, hindi ko naman magiging kaklase si Laurem.
Nasa dining area na kami ng condo at kumakain ng dinner. Hindi pa rin matigil-tigil ang dalawa sa kwentuhan nila sa blockmates nila.
"And our prof in arts and design, 'di ba? Ang gwapo din!" Cali is so enthusiastic.
"Ayos lang. Mas gwapo 'yung seatmate ko," sagot ni Katriz at nagtawanan na silang dalawa.
I just ate silently. Iyong pabaon na ulam sa'kin ni nanay ang kinakain namin ngayon. Umiinom ako ng tubig nang mabaling ang atensyon nilang dalawa sa'kin.

BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomantizmLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...