Chapter 19

118 7 10
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 19


37 missed calls. 32 messages.

Halos hindi na tumigil sa kakatunog ang cellphone ko pagkabukas ko nito. Pinatay ko ang cellphone ko nang gabi na iyon dahil ayoko pa talaga muna siyang makausap.

Tatlong araw pagkatapos kong malaman na ang bagong pamilya pala ng ama ko ay sila Laurem, hindi pa rin kami nag-uusap. O mas tama sigurong sabihin na... hindi ko pa rin siya kinakausap. Magulong-magulo ang utak ko. Hindi rin ako pumapasok at nagkukulong lang dito sa kwarto ko sa condo.

Cali and Katriz never asked me about it. Pero sa mga ikinikilos nila na sobra akong inaalalayan nitong mga nakaraang araw, sa tingin ko ay may alam na sila sa nangyari. Sa palagay ko ay si Laurem ang kinausap nila dahil mas madali siyang kausapin kesa sa akin ngayon.

"Belle?" si Katriz pagkapasok nilang dalawa sa kwarto ko kagabi.

Bumangon ako at tiningnan sila.

"Uhm... Ano... Si Laurem. Nasa labas ng lobby. Baka daw... pwede kayong mag-usap. Pero ano, uhh, kung ayaw mo, sasabihin na lang namin na hindi pwede," ani Cali na bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Pakisabi na lang na... sa susunod na lang."

Agad namang tumango si Katriz. "Sige Belle, sasabihin namin."

Nakatayo pa rin silang dalawa sa harap ko at halatang may sasabihin pa pero mukhang pinag-iisipan kung itutuloy.

"Sabi rin niya na... tumatawag saka nagtetext daw siya sayo. Kaso, uhh, nakapatay daw yata ang cellphone mo," untag ni Cali.

Tumango lamang ako at yumuko. Hinila na siya ni Katriz palabas pero bago pa siya tuluyang magpahila, lumapit muna siya sa akin at binigyan ako ng isang maikling yakap. Katriz also gave her comforting smile to me.

Naulit pa iyon sa sumunod na dalawang araw. Laging nasa labas ng lobby ng condo si Laurem kapag gabi pero kahit minsan ay hindi ko siya pinuntahan. Pinasabi ko na kila Cali na huwag na niya akong hintayin doon pero naghihintay pa rin daw. Lalo tuloy humihirap. Lalong ang bigat.

Ayoko muna siyang makausap o makita dahil naaalala ko iyong pagkikita namin ng... tatay ko. At ang simpleng pag-alala lang doon ay ang sakit na sa puso. Kada maiisip ko ang inosenteng itsura ng tatay ko ay parang pinipiga ang puso ko sa sakit at sa galit. Kada maiisip ko na wala talaga siyang kaalam-alam na ako ang anak niyang iniwan niya ay gusto kong sumabog sa dami ng hinanakit ko. At sa bawat oras na naaalala ko siya, naaalala ko rin si nanay.

Ang mga pinagdaanan niya. Ang mga iyak niya. Ang lahat ng lungkot niya.

My father even called Laurem as his son. It seems like Laurem calls him as his dad. Wow, sobrang happy family naman nila. He's living comfortably kasama sila Laurem habang si nanay ay pinaghihirapang matustusan lahat ng pangangailangan ko sa probinsya. Gusto kong itanong sa kanya kung hindi man lang ba siya nakokosensya. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang sisihin.

Gusto kong magalit ng magalit sa kanya dahil hindi siya naging tatay sa akin. Iniwan niya lang kami... ako basta.

Everything became fresh on my memory. Lahat ng mga balita noong high school pa ako tungkol sa kanya. Tungkol sa bago niyang pamilya. Ang naririnig ko noon, napabayaan daw kami ni tatay dahil nagkaroon ito ng ibang babae hanggang sa tuluyan na siyang sumama doon kaya tuluyan niya na rin kaming iniwan. Nanay didn't really explained it so much to me. Lumaki akong ang alam lang ay basta iniwan kami ng tatay ko. Pero kung pagbabasehan ko kung gaano siyang nalugmok dahil sa mga balita tungkol sa bagong pamilya ni tatay, nakumpirma ko na rin sa sarili ko ang mga naririnig kong iniwan kami ni tatay para sa babae niya.

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon