Until the Stars Align Again: Chapter 23
Ginagawa ko ang lahat para makalimutan ang naging pag-uusap namin noong lunes ng gabi. Abala rin naman talaga ako dahil sa pag-aayos ko ng mga kailangan kong dalhin sa pag-alis ko. Kapag nauubos na ang mga pwede kong gawin, pinipili kong makipagkwentuhan na lang kay Cali at Katriz sa kwarto nila. Besides, I want to spend the rest of my days here in the Philippines with them.
Pero ang hirap pa rin. Hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Iyong lungkot sa mga mata niya. The way he talked to me that night. The pain and sadness in his expression.
His tears. He cried.
Hindi ako makapaniwala na ganoon. Pakiramdam ko ay hindi ko naman deserve iyon. I know his feelings for me are true... hindi ko lang akalain na ganoon kalalim iyon. There's so many girls out there that are better than me. Maraming mas maganda sa akin. Iyong bagay talaga sa kanya. Iyong tama talaga para sa kanya.
Iyong kaya siyang ipaglaban.
I gave up on us. Iyon ang totoo at alam ko naman iyon. I chose the easier road. Mas pinili kong isipin na mas marami pang mahahalagang bagay kesa sa relasyon naming dalawa. Iyon naman din ang tama, hindi ba? Our families are more important. Our studies and dreams are more important. There's still so much ahead of us.
Tinanong niya pa ako kung gusto kong iwanan niya ang kanyang pamilya para sa akin. The desperation in his face while asking me that hurts me so much. Iyon ang pinakaayaw kong isipin niya. Isa iyon sa pinakamalaking rason ko kung bakit pinili kong putulin na lang ang relasyon naming dalawa. I don't want him to ruin their family. Ayokong lalo pang gumulo ang pamilya nila dahil sa akin o sa amin.
He needs his family more than me. He needs to focus on himself more than us. Masakit man isipin pero iyon ang totoo.
"Ako na riyan, anak..."
Malalim pa rin ang mga iniisip ko nang tabihan ako ni nanay sa aking kama. Siya na ang nagtuloy na ilagay ang iilan pang mga damit ko sa ibabaw ng kama sa maleta kong nakabukas sa sahig. Ngumiti ako sa kanya at hinayaan na siyang tulungan ako. Tahimik niyang ipinagpatuloy ang ginagawa at ganoon din ako.
Kagabi pa sila dumating ni ninang Lourdes dito sa condo nila Cali para makasama sa paghatid sa akin sa airport bukas. Kagabi nga ay tinabihan pa ako ni nanay sa pagtulog habang si ninang Lourdes naman ay ipinaghanda nila Cali ng cuttion sa sahig ng kwarto ko dahil hindi na siya kakasya pa sa kama ko. Hindi man sabihin ni nanay, alam kong sinusulit niya na din ang mga oras kasama ako bago ang pag-alis ko bukas.
"Pasensya ka na kay nanay, anak..."
I stopped folding my clothes when she suddenly said that. Mahina at may lungkot ang kanyang tinig. Hindi ako sumagot dahil mabilis na uminit ang sulok ng mga mata ko.
"Alam kong nasasaktan ka rin ngayon, anak. Pasensya na, Maybelle..."
Agad kong pinunasan ang nagbagsakan kong mga luha habang umiiling. "Wala po iyon, 'nay. Ako po ang dapat magsorry sa'yo. Sorry po—"
"Naiintindihan ko, Maybelle. Hindi mo kasalanan..."
Hindi ko na napigilan ang paghikbi dahil sa sinabi ni nanay. Siguro ay dahil gusto ko rin na marinig talaga mula sa kanya iyon. Na hindi siya galit sa akin at hindi niya ako sinisisi. I don't want her to get mad at me. Malapit kami ni nanay sa isa't isa at ayokong magbago iyon. Siguro'y kung sa simula pa lang ay nalaman ko na agad ang koneksyon ni Laurem sa ama ko, hindi ko na gugustuhin pang maging malapit sa kanya. I never wanted to hurt nanay.
Tumigil na rin si nanay sa ginagawa at naupo na siya kaharap ko. She held my face and wiped my tears. Napahikbi ulit ako nang makitang umiiyak rin siya.
BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomanceLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...