Chapter 18

114 4 12
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 18


A week after Ma'am Cortez discussed the offer to me, pinuntahan ko siya sa faculty room nila.

"Good noon po, ma'am..." I greeted her.

Tumama agad ang mga mata niya sa brown envelope na hawak ko. "So, I guess, this is about the exchange student program that I offered to you?"

Tumango ako at kinuha ang exchange student program application form mula sa brown envelope. Huminga muna ako ng malalim bago iyon inabot sa kanya.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "I'm glad you're considering the offer now, Maybelle."

The application form is already filled out. Kagabi ko pa tinapos na ilagay doon lahat ng kailangang detalye. Kagabi ko rin pinag-isipang mabuti ang lahat. Tinawagan ko si Ninang Lourdes at katulad ng inaasahan ko, ang opinyon din niya ay dapat ko itong tanggapin. Sinabi rin niya na sigurado siyang ganoon din ang sasabihin ni nanay.

Pero hindi pa rin ako nakumbinsi ng buo. I told Ninang Lourdes not to tell nanay yet. Pakiramdam ko kasi, kapag nakarating kay nanay, wala na akong choice kundi tumuloy dahil paniguradong iyon ang gusto niya. Kahit kila Cali at Katriz, hindi ko pa nasasabi.

Hindi ako makakuha ng tamang oras na sabihin kay Laurem... o baka kasi naduduwag lang ako. Hindi nga niya alam na pupunta ako dito ngayon. Right now, they're having a band rehearsal for their gig later. Knowing Laurem, I don't think he's the type to stop me from this. He knows my dreams for me and my nanay... and he supports me. Maaaring malulungkot siya pero hindi niya ako pipigilan. And when even him would tell me that I should go, I'm afraid that the only answer left to me for this is yes.

Ang tanging nakapagtulak sa akin na sulatan ang application form ay ang sinabi ni Ninang Lourdes sa tawag kagabi...

"Para rin ito sa inyo ng nanay mo, Maybelle. Kung makakapag-aral ka sa ganoong kagandang unibersidad na nasa ibang bansa pa, edi, mas maganda. Mas siguradong kayang-kaya mong tuparin ang lahat ng gusto mo, Maybelle..."

Application form pa lang naman. Hindi pa sigurado. I still have to undergo through the evaluation process.

"I'll send your application to the committee. As for the evaluation, we also have to check your grades during high school. I think there are also examinations that you have to take. For the mean time, hintay ka na lang muna. I'll talk to you again once may update na." Ngumiti siya at halata ang galak sa mukha niya. "Don't worry Maybelle, I'm sure, for the pre-evaluation process, you'll pass. Your grades are all good."

"Salamat po, Ma'am," ngiti ko kahit hindi ko masalat kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa lahat ng ito.

"Does your mother know about this already?" kuryosong tanong niya.

"Sasabihin ko palang po, ma'am..."

Tumango siya at pinagsalikop ang mga kamay niya sa table. "How about Mr. Velari?"

Namilog ang mga mata ko at hindi nakasagot agad. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"I heard you're in a relationship with the boy..." tudyo pa niya.

I bit my lip at hindi na ako makatingin kay ma'am sa sobrang pagkahiya.

"Bakit ka nahihiya?" She chuckled. "Relationships are normal at your age, hija. It may break your young heart pero ganoon talaga. There's nothing wrong about it. Besides, hindi naman yata naaapektuhan ang pag-aaral mo."

Mabilis akong umiling. "H-Hindi po, ma'am!"

Muli siyang tumango habang nakatawa. "That's good to hear. Young loves are cute... at masaya. But sometimes, young loves are reckless. I hope your relationship with him won't get in your way to your dreams, Maybelle."

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon