Until the Stars Align Again: Chapter 11
"Oops..." ngisi ni Dominique.
Laurem's mouth dropped open pero mabilis siyang nakabawi. He glanced to his side para maitago ang ngiting tumakas sa labi niya. Mabibingi na yata ako sa lakas ng tibok ng puso ko!
Nagawa pang lumapit sa akin ni Cali bago muling ituro si Laurem. "Si Laurem, Belle! 'Yung gusto mhhhmm—"
Tinakpan ko na ang bibig niya at pinanlakihan ko siya ng mata pero tinawanan niya lamang ako. Namumungay na ang mga mata niya kaya alam kong lasing na talaga siya at kailangan ng iuwi bago pa maubos ang pasensya ko dahil sa mga lihim ko sa buhay na inilalantad niya.
"Cali!" banta ko sa kanya nang hilahin niya ang kamay ko paalis sa bibig niya.
She exaggeratedly laugh. "What?"
"You friend is drunk."
When I looked at Laurem, wala na talaga ang seryosong mukha niya. Sa palagay ko nga, pinipilit na lang niyang magseryoso! His lips are pouting because of trying so hard to stop himself from smiling. Right now, my biggest dream in life is for earth to just swallow me!
"She's your roommate, right?" Lumapit si Laurem at tumulong sa pag-alalay kay Cali dahil gusto na yata nitong mahiga sa sahig.
"Ah, ano, oo," hindi makatinging sagot ko sa kanya.
"Ihahatid ko na kayo." Pinaupo muna ni Laurem si Cali sa isang malapit na couch sa amin. Sumandal doon si Cali at nakapikit na ang mga mata.
Nanginginig ang kamay ko kaya nabitawan ko pa ang pouch ko! Dominique got it for me at hindi nakatakas sa paningin ko ang mapanuyang ngiti sa mukha niya.
"H-Hindi na, Laurem, kaya naman namin—"
"Cali! Belle! Saan ba kayong nagpupuntang mga gaga kayo?!"
I shut my eyes tightly when I heard Katriz's high pitched drunken voice. Napasapo na ako sa noo ko.
"Your other roommate? I think she's drunk too." si Laurem.
Nilingon ko si Katriz na muntik pang madulas habang naglalakad palapit sa amin. It was Dominique who caught her pero wala siyang pakialam na ipinagpatuloy lang ulit ang paglalakad. She sat beside her cousin. Sumandal pa siya sa balikat nito bago ipikit na rin ang mga mata para matulog.
This is surprisingly more stressful than all my Math lessons.
"Ihahatid ko sila, Doms. Pakisabi na lang kila Theo," bilin ni Laurem sa kaibigan.
Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang na magpahatid kay Laurem. Mahihirapan din kasi talaga akong bitbitin sila pauwi. Si Dominique ang umalalay kay Katriz palabas habang si Laurem naman kay Cali. Nanlulumo akong nakasunod lamang sa kanila at nagdadasal na sana, pagdating sa sasakyan ni Laurem, matulog lang buong byahe si Cali.
Just thinking of her talking again inside Laurem's car horrifies me so much!
"Ingat, bro! Babes, ingat!" Dominique said after they put Cali and Katriz at the backseat of the car.
"Bye, Dominique. Thank you," sabi ko na lang bago nagmamadaling sumakay sa harapan. Kahit kay Dominique, hiyang-hiya ako!
I stopped breathing nang pumasok na si Laurem sa sasakyan. Nanlalamig na agad ako kahit hindi pa man bukas ang aircon. Sa bintana lamang ang tingin ko habang nasa byahe at sobra-sobra ang pag-iwas ko na magtama ang mga mata namin.
"They're so drunk."
Muntik na akong mapatalon sa gulat sa biglang pagsasalita ni Laurem. Mariin akong napapikit. Hinihiling ko sanang huwag na lang kaming mag-usap sa takot ko na maungkat ang pinagsasabi ni Cali kanina.

BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomanceLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...