Until the Stars Align Again: Chapter 4
"Kaya pala ang dami kong text sa'yo kaninang lunch time kasi sasabayan ka sana naming kumain at absent naman 'yung prof namin, hindi ka naman nagrereply." Katriz rolled her eyes.
Kakatapos ko lang ikwento sa kanila ang mga nangyari ngayong araw. That I met Dominique because he's my seatmate and I had lunch with him and Laurem. Alam ko namang lunch lang iyon at hindi big deal, but it really makes my heart happy. That's the closest I got to be with Laurem.
Cali seems to be more excited than me. She's very high-pitched at nadidiinan niya na rin ang braso ko. "Oh my god, Belle! I knew it! 'Yan na ang start ng love story niyo!"
"Could you stop, Cals? Ang sakit sa tenga ng boses mo," Katriz said, trying to stop her from shrieking so much.
"You know what? Ang kill joy mo! Aren't you happy for Belle?" Hinarap niya si Katriz at pinagkrus pa ang mga braso niya.
"Masaya ako! But I'm trying to be rational here, pwede ba? They just had lunch! Kung kiligin ka diyan, akala mo magpapakasal na sila one hour from now!"
"Whatever!" She turned to me again at ang laki na ulit ng ngiti niya. "You're so lucky, Belle! Isipin mo, kaklase mo na si Laurem tapos kaklase mo pa si Dominique? Wala ng rason para tamarin pang pumasok!"
Ngumiti lang ako sa kanya. Naisip ko na rin 'yan.
"Tapos ang friendly pa ni Dominique! Hayyy... maybe I should shift to your course and magpalipat din ako sa block mo? What do you think, Katriz?" Tumingin ulit siya kay Katriz habang hinihintay itong sumagot sa kanya.
"Hmmm... I think..." Umakto si Katriz na nag-iisip. "I think dapat itikom mo na 'yang bibig mo. Lilipat ka sa engineering? Eh halos maubos na nga 'yang mga brain cells mo noong highschool tayo sa Math eh! Pwede ba, Cali."
Base sa itsura ni Katriz, mukhang mauubusan na siya ng pasensya sa amin ni Cali. Natatawa tuloy ako. My mood today is very light. Parang walang lugar sa'kin ang ibang emosyon bukod sa pagiging masaya.
"So tomorrow, pupunta kang Westbridge, Belle? Manonood ka sa kanila?" tanong ni Cali.
Tumango ako. Manonood nga ako sa kanila. Welcome party para sa mga freshmen students kagaya namin at mga transferees pero hindi naman required na umattend. Pero dahil alam kong tutugtog ang banda nila bukas, pupunta ako.
"Okay! Sasama kami. Manonood din kami!" deklara niya.
"Uhhh, baka... maaga ako bukas. May bibilhin kasi ako," nahihiya kong sinabi.
Alas diyes ng umaga pa ang simula ng program bukas pero maaga kong balak pumasok. Balak ko kasi sanang... may ibigay kay Laurem.
"Huh? Ano bibilhin mo?" tanong niya.
"Uhm..." Hindi ako makasagot! In an instant, I easily felt my face heating up.
Balak ko sanang bigyan ng kahit ano si Laurem bukas. I though of it as my way to say good luck to him or congratulations sa performance nila bukas, depende kung kailan ko maibigay. Iyon nga lang, hindi ko pa rin napapag-isipan kung ano ang ibibigay ko... at kung kaya ko ba.
"You're planning to give something to Laurem?!" Cali asked with an amused voice.
With a loudly beating heart and a heated face, I slowly nodded. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko at kung tama ba iyon... but I just really want to do it.
"Oh my god! Go Belle!" Cali cheered for me.
"Ang harot mo, Maybelle. Nahahawa ka na rin dito kay Cali," napapailing na sabi ni Katriz.

BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomanceLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...