Chapter 25

80 6 1
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 25


Tahimik na tahimik at halos natutulala pa ako habang nagtatalo ang dalawa kong kaibigan sa tabi ko.

"Ano ba naman 'yan, Caliyah Grace! Ikaw ang nandito sa Pilipinas! You should have known that the company is Laurem's the first time Belle mentioned it to us!" nauubusan ng pasensyang sabi ni Katriz.

"Aba, Maria Katriz, bakit parang ako ang sinisisi mo? Abala rin ako sa sarili kong buhay, ano! Besides, hindi naman kami close kaya bakit ako makikibalita sa ex nitong si Belle?" Cali shot back, rolling her eyes.

"So you're saying na hindi mo talaga alam? That DHV is Laurem's company? I mean, if I'm staying here in the Philippines, I would have known it! I'm sure kakalat iyon! Kung gaano na siya ka-successful! Paanong hindi mo alam?"

"Eh sa hindi ko nga alam! He's our batchmate pero iba naman ang kurso niya. We don't have that much common friends. How would I know it? Better use your brain, Katriz."

Katriz sighed. "Nagtataka lang ako. He's famous during our college days. Maraming nakakaalam for sure that he's already managing his own company. And you didn't know?"

Nagkibit-balikat si Cali. "Hindi ko talaga alam. Wala naman akong balita sa kanya. Nakita naman din natin kanina nung nagresearch tayo sa company niya, mas sikat daw sila sa ibang bansa, 'di ba? Particularly at the U.S.? Ikaw diyan ang nasa ibang bansa, Katriz."

"I'm based at Spain, Cali. Not at the U.S. Better use your brain too."

At ngayon ay si Katriz naman ang malditang inikot ang mga mata niya. Natigil lang sila nang lumikha ng mahinang tunog ang pagsasara ko sa laptop ko. Ang matagal ko na dapat pang ginawa na pagreresearch tungkol sa DHV Construction and Development Corporation ay ngayon ko palang ginawa. Kasama pa sila Cali at Katriz kanina na nakiresearch na rin dala ng kanilang gulat nang magkwento ako na nagkita kami ni Laurem.

And that Laurem si actually the CEO of DHV.

The internet results confirmed it. DHV is owned by the Velaris. Isa ito sa mga naglalakihang kumpanya nila. It was originally managed by his grandfather, I think, whose name is Daniello Henson Velari. More than 30 years na ang kumpanya at sa ngayon ay isa sa mga namamayagpag sa construction industry. It's a good company... and obviously, it's being managed by Laurem Velari now.

Parehas na laglag ang panga ni Katriz at Cali nang magkwento ako sa nangyari kanina. Kahit naman ako ay ganoon ang reaksyon ko. Kalahating oras na yata ang lumipas mula nang nagkabungguan kami ay wala pa rin ako sa sarili. Hanggang sa pag-uusap namin ni Engineer Alcala ay lumilipad ang utak ko.

Wala tuloy akong masyadong maalala sa napag-usapan. Ang nagmarka lang sa utak ko ay bukas pa pwedeng magamit ang sarili kong office table at bukas din maipapaliwanag sa akin ng mabuti ang unang project na isa ako sa maghahandle. I don't even remember the specifics of the project!

"Paano yan, Belle?" Cali asked me worriedly.

"Is it a problem to you, Belle? That technically he's your boss?" nakakunot ang noong pagtatanong ni Katriz.

"H-Hindi naman... Ayos lang naman," naguguluhang sagot ko.

"Right! Wala naman talaga dapat problema. Ano naman kung kanya ang kumpanya? Sila naman ang kumuha kay Belle, hindi ba? Wala naman talagang problema," pagsang-ayon ni Cali.

But Katriz is still looking at me na parang tinitingnan niyang mabuti ang reaksyon ko.

"I don't even understand why we're making this a big deal," maarteng saad ni Cali. "Okay. Laurem's there. And then? What? Ex lang naman siya ni Belle. And that was six years ago. Nagulat lang siguro itong si Belle na nagkita sila doon. Am I right, Belle?"

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon