Chapter 5

138 8 12
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 5


It took me a while before I was able to somehow get over with it. Kung tutuusin, simpleng-simple lang naman iyon. Hinatid niya lang ako sa sakayan at hinintay niya akong makasakay ng jeep bago siya bumalik sa loob ng Westbridge.

It was nothing. Siguro nga ay ginawa niya lang iyon out of gratitude dahil binigyan ko siya ng regalo nang araw na iyon at sinuportahan ko pa sila sa performance nila. Kaya nga hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ilang araw iyong tumatak sa isipan ko.

Maybe because all my life, I never thought that  something like that can happen. It never crossed my mind that I will ever have a proper interaction with him.

And at times like this, the extent of how I feel for him scares me. I have a crush on him... hinahangaan ko siya. Iyon ang alam ko. Pero bakit parang kada nakakalapit ako sa kanya, lumalala ako? Iyong kagustuhan kong makipagkaibigan sa kanya, lumalala din.

"Hay, this week is so stressful! Sobrang daming plates na kailangan tapusin. Ang baba pa magbigay ng grades ng iba nating prof!" reklamo ni Cali.

"Mukha ngang uulitin ko pa iyong isang gawa ko, eh. Hindi kasi ako kuntento," nanghihinang wika din ni Katriz.

Nasa students' lounge kami ngayon at balak sanang magpahinga pero halata namang iniisip pa rin nila ang mga nakahilerang gawain nila kaya hindi sila makapagrelax. Maya-maya lang ay may klase na ulit kami. Nataon lang na sabay-sabay ang free time namin na ito kaya nakapagkita kami dito.

"Kaya niyo yan..." I tried to cheer them up. They look so stressed out and haggard. Pansin ko rin na madalas silang magpuyat sa condo.

It's been more than a month since the start of classes and our school works are starting to pile up already. Nararamdaman na rin namin ang realidad ng mga kursong kinuha namin.

Katriz directed her tired eyes on me. "Wala ka bang ginagawa? Bakit parang hindi ka man lang nai-stress?"

"Tinapos ko na kasi kagabi lahat," I answered.

"Pahingi na lang ng utak, Belle. Pagod na talaga ako," ani Cali na nagpatawa sa akin.

Engineering is really hard. Amininado ako doon. Parang nawala lahat ng natutunan ko noong highschool sa sobrang kumplikado ng lessons. Parang sasabog na din ang utak ko sa Math subjects ko minsan.

But I really am trying my best to cope up with everything. Hindi talaga ako pwedeng magpabaya. My grades need to be maintained. Kaya sinusubukan ko talagang mag-aral mabuti at gawin agad lahat ng kailangang gawin.

"Papasok na ako," paalam ko sa kanila.

"Bye, please pray for us..." Nagsad face pa si Katriz.

"Kaya niyo 'yan!" Nagthumbs pa ako sa kanila bago dumiretso sa room ko.

Konti palang ang nasa room dahil maaga pa naman. Wala pa rin si Dominique at Laurem. Dumiretso na ako sa upuan ko. Sa block namin, kahit na sa isang subject lang naman talaga dapat iyong seating arrangement na katabi ko si Dominique, nakasanayan na namin na iyon ang arrangement namin sa lahat ng subjects. Kaya eto na agad ang pwesto ko na kinuha ko ngayon.

"Hi babes!" Dominique with his usual light and friendly aura came. He sat on his seat beside me while Laurem went to his seat sa likuran.

I smiled at him. "Hi!"

Nasanay na rin ako sa ganoong tawag ni Dominique sa'kin at sa kakulitan niya. I somehow consider Dominique as my friend already... at nabawasan na rin iyong pagkailang ko sa kanya. He's very sociable kaya hindi naman naging mahirap iyon.

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon