Until the Stars Align Again: Chapter 22
Last week ay tinawagan ako ni Ma'am Cortez para ibalitang ayos na ang lahat ng mga dokumento at requirements na kailangan ko para makalipad papuntang US. Tinulungan niya na rin akong magbook ng flight kinabukasan. Today is Monday and I will be leaving the Philippines on Friday.
Today is also the first day of our second semester for our second year in college. At dahil malapit na ang alis ko, minabuti kong magsimula nang mag-impake. Marami rin kasi akong aayusin dahil kasabay na nito ang paghahakot ko ng mga gamit ko dito sa condo nila Cali at Katriz.
Mabigat ang pakiramdam ko habang pinapanood silang tulungan akong mag-ayos ng mga gamit ko. This is supposed to be a happy day for me. Finally, I am really closer to my dreams. I will be going to my dream school at doon ko itutuloy ang pagtupad ng mga pangarap ko para sa amin ni nanay.
Pero hindi ako masaya. I know the reasons why I should be happy and grateful. Iyon nga lang, natatalo ng lungkot ang kasiyahan sa akin.
"Oh my god, Belle, aalis ka na talaga..." malungkot na saad ni Cali.
Malungkot na ngiti lang din ang naisagot ko sa kanya.
I'm gonna miss them. Ngayon pa lang ay sobrang nalulungkot na ako sa pag-iisip na matagal kong hindi makakasama ng personal ang dalawang kaibigan ko.
After I got accepted on the exchange student program on Marriot Academy, hinayaan na ako ng Westbridge na magfocus sa pag-aayos ng mga kakailanganin ko sa pag-alis. That means I wasn't very required anymore to attend my classes. May iilan na lamang akong mga seminars and orientations na pinuntahan. Bukod sa naging abala ako sa pag-aayos, ilang beses ring nagkasakit si nanay kaya madalas ay nasa San Marteles ako at hindi na nakakapasok.
Nagpatuloy iyon hanggang semestral break. At ngayong first day, lumuwas akong Maynila para sa mga gamit ko at dahil may mga requirements din akong kukunin sa Westbridge. Luluwas na rin sila nanay at ninang sa Thursday para maihatid ako sa airport sa Biyernes.
Totoo na talaga. Tuloy na tuloy na talaga. Aalis na talaga ako.
Wala pa si Ma'am Cortez sa table niya sa faculty pagkadating ko. Ang sabi ng secretary ay nasa may klase pa daw si ma'am. Kailangan ko kasi siyang puntahan ngayon dahil may document akong kailangang papirmahan sa kanya. And because she's isn't here yet, pumunta na lang muna ako sa school cafateria. Inuuhaw kasi ako at gusto kong bumili ng tubig.
Ang plano ko sana ay dumiretso agad sa stall na nagbebenta ng mineral water bottle pero pagpasok ko ng cafeteria, mabilis rin akong natigilan nang dumako ang paningin ko sa mga nakaupo sa table sa sulok bandang dulo.
It's them.
Comet.
Theo and Adrian were done eating already. May pinapanood na lang sila sa kanilang cellphone habang mukhang naiirita na sila kay Dominique na patuloy silang ginugulo habang kumakain ito.
Beside Dominique is Laurem. Mukha siyang may sariling mundo habang tamad siyang may pinapanood sa laptop niya at nakasuot pa ng headphones. He looks uptight and quiet. Mukhang walang gana. Parang balewala sa kanya ang mga kasama niya.
Nang makumpirma na ang pag-alis ko, hindi na ulit ako nakasama pa sa kanila. Naging abala na ako masyado sa dami ng kailangang ayusin. Idagdag pa na may deadline ang bawat requirements na kailangan ko. Isa pa, nagpalipat din ako ng class schedules.
Pagkatapos nang gabing iyon na nagkaharap si nanay ang ama ko... naging masyadong mabigat para sa akin ang lahat. It was the same night that I ended everything between me and Laurem. I cried so much that night. Hanggang kinabukasan. I had a meeting with Ma'am Cortez the next day pero dahil sa dami ng iniisip ko, napansin niya rin na may dinadala ako. All she did was to ask me if I'm okay... and my answer is a breakdown in front of her.
BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
RomanceLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...