Until the Stars Align Again: Chapter 16
Totoong parang lumilipad ang oras kapag masaya ka at kapag pabor sa'yo ang mga nangyayari. Pero sa mga araw na parang ayaw sa iyo ng mundo, kay bagal lumipas ng lahat.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang sinusuri ko ang flower pendant ng kwintas ko. The small stones were a bit rough on my finger. Ilang beses ko nang tiningnan mabuti ito pero hindi pa rin ako nagsasawa. The day of my birthday still feels like a dream to me until now.
"Gising ka na pala, Maybelle. May almusal na roon sa baba kung nagugutom ka," aya ni ninang Lourdes na nakasilip mula sa kurtinang nagsisilbing pintuan ng kwarto ko.
"Sige po ninang, salamat po," ngiti ko sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik sa akin at umalis na. Bumalik na siguro sa baba ng bahay.
Laurem:
Good morning. I miss you.
I sighed after reading his text message. I've been thinking too much about him. Maybe it's because I am missing him. Patapos na ang ikalawang semester namin pero isang linggo na akong hindi nakakapasok. Kinailangan kong umuwi ng San Marteles para tumulong kay ninang Lourdes sa pag-aalaga kay nanay.
Ako:
Mas miss kita :(
At sa mga ganitong pagkakataon na may lakas ng loob na akong sabihin sa kanya ang nilalaman ng puso ko, mas lalo akong hindi makapaniwala. Mas lalong parang panaginip ang lahat.
When our classmates saw us holding hands that night, syempre, buong gabi yata akong tinatanong ng girls sa kwarto namin sa beach resort. They asked me how everything started between me and Laurem. Some said na napansin o nahalata na nila.
Cali is so happy about it habang si Katriz naman ay pinapaalalahan ako na huwag daw masyadong mahulog. Pero hulog na hulog na ako noon pa man.
If only I could just see him right now. Pero mamayang hapon pa ang balik ko ng Maynila.
Sa mga nagdaang araw at linggo, lalong lumala si nanay. Ang sabi ni Ninang Lourdes ay napapadalas daw kasi ang pagbisita dito ni Tita Sally at kada pupunta siya dito, nagtatanong si nanay ng mga detalye tungkol sa tatay ko. Madalas din kasi si Tita Sally sa Maynila ngayon dahil may mga inaayos daw na papeles at ayon sa kwento ni ninang, dalawang beses daw na nakita ni Tita Sally ang tatay ko na kasama ang bago nitong pamilya.
Minsan nga, hindi ko mapigilang isipin na bakit ganoon. Malaki naman ang Maynila pero natataon pang nakikita ni Tita Sally ang tatay ko. Ang nanay ko naman, kahit alam ng masasaktan siya, tanong pa rin ng tanong. Nakikibalita pa rin.
Pero siguro, ganoon talaga kapag mahal mo? Maybe he loves my father too much that she still wants to know more about him even though it would hurt her.
Pagbaba ko, naabutan ko ang hapag-kainan namin na hindi lang si nanay at ninang ang laman. Nandoon din si Tita Sally at ang asawa niyang si Tito Fred. Mula sa kwentuhan nila, napabaling silang lahat sa akin.
"Magandang umaga po," bati ko sabay ngiti.
Tita Sally and Tito Fred smiled back at me habang si nanay naman ay nagsimulang lagyan ng kanin at ulam ang plato ko.
"Kamusta, Belle? Narito ka pala," ani Tita Sally pagkaupo ko sa pwesto ko.
"Opo, Tita. Nung sabado pa po ako umuwi. Ayos lang po ako. Kayo po, kamusta?"
"Kain na, anak..." si Nanay.
"Maayos din, Belle. Dumaan lang kami dito para magdala ng pagkain. Naghanda kasi ako ng kaunti sa bahay para makapagcelebrate."
BINABASA MO ANG
Until the Stars Align Again
Roman d'amourLaurem Velari is out of her reach and she knows it very well... but it doesn't change the fact that he has everything that it takes to make her heart flutter sa tuwing nakikita niya ito sa university na pinapasukan nila at tuwing pinapanood niya ito...