Chapter 9

124 5 4
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 9


Laman pa rin ng isip ko ang naging usapan ni Cali at Katriz kinabukasan. I am so bothered and affected by it na sa buong araw na ito, pakiramdam ko mas matamlay ako kesa sa normal. Gusto ko ng pagalitan ang sarili ko dahil masyado ko iyong pinoproblema.

Ano naman kung lalo ko siyang... nagugustuhan? Alam ko naman ang limitasyon ko.

Today is Friday at mahaba ulit ang free time namin bago ang mga panghapon na klase. On a normal Friday, malamang nandoon na ulit kami ngayon ni Laurem sa secret place namin. I became so fond of it na kung sa isip ko lang binabanggit iyon, I call it as our secret place.

Pero tumanggi akong pumunta doon ngayon. Pagkatapos kasing kumain ng lunch ngayon, may practice na sila nila Dominique para sa isang gig bukas. Mas mabuting dito na lang kami sa cafeteria kasama sila para hindi na siya hanapin pa.

Kinukulit niya akong sumama sa practice nila pero nagsabi akong may kailangan akong gawin. Bukod sa wala sa ayos ang mood ko, nahihiya akong pumunta. Baka makagulo pa ako doon. Totoo rin naman na may gagawin ako kapag umalis na sila. I am planning to apply on the Honor Society Club of Westbridge today. It's an organization for the most outstanding students here.

"Oh, himala, hindi kayo biglang nawala ngayon ah..." natatawang bulong ni Dominique na nasa tabi ko. Laurem's seat is across me at nasa tabi niya sila Adrian at Theo.

Kami lang ni Dominique ang nandito sa table namin ngayon dahil bumili ng lunch silang tatlo. Laurem told me na siya na ang bibili ng lunch ko at hinayaan ko na dahil nahihiya rin akong tumanggi.

"Busy kayo eh," sagot ko, referring to their band practices.

"Nung nakaraan din naman may mga practice kami pero hindi uma-attend 'yung crush mo dahil ikaw ang sinasamahan." Lalong naging maloko ang ngiti niya.

Naputol ang pag-uusap namin at ang panunukso niya nang dumating na sila Laurem na may dalang mga tray. Laurem placed his tray in front of me. Magkaparehas ang pagkaing binili niya sa aming dalawa. A chicken with rice na may kasamang pasta. The food looks appetizing pero mas naagaw na ng cup ng chocolate ice cream sa tray ang paningin ko.

Inalis na niya ang mga pagkain sa tray at nang ilapag niya na ang ice cream sa tapat ko, hindi agad niya tinanggal ang pagkakahawak niya doon.

Napaangat tuloy ako ng tingin sa kanya. As usual, those serious and enchanting eyes are looking back on mine again. My heart is quite racing just because he bought me a chocolate flavored ice cream. My favorite dessert. Napansin niya siguro dahil madalas din akong kumakain nito kapag nakatambay kami sa secret place.

"Thank you," I said, smiling a bit at him.

He stacked the tray on top of Theo and Adrian's bago naupo na sa harapan ko. "Kumain ka na."

Tumango ako at nagsimulang kumain.

"Kita niyo 'yon, mga pre? Nagbibigayan na rin ng ice cream ngayon," pang-aasar na naman ni Dominique.

Humagikgik si Theo at si Adrian naman, natatawang binatukan siya. "Huwag mo ng binabati, bro. Baka mahiya."

On many times na tumatakas kami ni Laurem sa kanila para tumambay sa fifth floor, hindi naman sila nagtatanong kung saan kami nagpupunta. Hinahayaan lang din nila kami kapag sa oras ng uwian kami nagpapaalam na may pupuntahan. Hindi nga lang nawawala iyong nakakalokong mga ngiti nila at ang madalas na pang-aalaska ni Dominique.

I can feel all the gazes na binibigay sa akin ni Laurem habang kumakain kami. Still, I tried not to look at him. I just can't take those serious eyes right now. Nababaliw na nga yata ako dahil pakiramdam ko, kahit tingnan ko lang siya pabalik ngayon, lalo akong... mahuhulog... sa kanya.

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon