Chapter 24

97 5 0
                                    

Until the Stars Align Again: Chapter 24


"Oh god, Maybelle? Really? That's it? That's what you did? You wrote him a letter that you didn't let him read? Ni hindi mo binigay?" hindi makapaniwalang bulalas ni Sharrie. Pabagsak niya pang naibaba ang hawak niyang beer dahil sa gulat niya.

Natatawa akong tumango.

"You're crazy! Anong akala mo? Nasa telenovela ka?" Alessandro rolled his eyes.

"What?" I finished the shot that Sharrie just gave me. "What do you want me to do? Give the letter to him? Of course, I can't! Hindi niya na nga ako pinapansin 'di ba?"

"Girl, kung ako man 'yon, hindi na rin kita papansinin, noh! Iwanan mo ba naman ako sa ere!"

"Oh yeah! Cheers!" Pinagdikit pa ni Sharrie ang shot glass nilang dalawa. "I agree with you, bakla!"

"It's because I needed to do it!" malakas na sabi ko. The booming music all over the club is so loud that we have to talk extra loud so we could hear each other.

"Ang sabihin mo, bobita ka lang talaga! The guy clearly loved you. Tapos iniwan mo lang? Sayang naman, base pa naman sa kwento mo mukha siyang yummy!" Alessandro started to refill the vodka in my shot glass.

"You know what? Tama ka. Yummy siya," pagsakay ko sa kanya.

Sharrie choked on her drink. Pinanood ko silang parehong namimilog ang mga mata. It even took them seconds bago muling nakapagsalita.

"Nagsex kayo?" Sharrie asked loudly.

"Nagchukchakan kayo?" tanong din ni Alessandro.

Sabay pa talaga sila. Tinawanan ko lamang sila sabay kuha at inom sa shot glass ko. Panglimang shot ko na yata ito ngayong gabi kaya medyo tinatamaan na ako. Mas lalo akong dumadaldal at kung ano-ano na rin ang kinukwento ko.

"Oh my god, malandi ka! Ang landi-landi mo!" Alessandro jokingly pulled my hair.

Si Sharrie ay mukhang hindi talaga inaasahan iyong sinabi ko kaya hanggang ngayon ay nakatitig lang siya sa akin at nakahawak pa sa dibdib niya. "I mean, there's nothing wrong with that... I'm just shocked. First time mo kasing nagkwento ng buo. Masarap?"

Alessandro laughed. "Isa ka pang malandi eh."

"That was so long time ago..." I said in a dismissive tone.

"Pero masarap nga?" si Alessandro.

"Hindi ko na maalala!" Matagal naman na iyon at wala na sa akin pero dahil sa mga tanong nila, nag-iinit na ngayon ang mga pisngi ko!

"Alam mo ang pabebe mo," pag-irap niya.

"Shut up, Alessandro," pang-aasar ko sa kanya.

"Gusto mo buhusan kita nitong vodka? Mas madami na akong naging lalake dito sa US kumpara sayo para tawagin mo akong Alessandro, noh! Pwede ba, kayong dalawa, Sandy nga ang itawag niyo sa akin!" Umakto pa siyang dumuduwal.

"Talagang mas nakarami ka, Sandy! Eh hindi pa naman nagkakaboyfriend iyang si Belle dito," ani Sharrie.

"Which leads me to the conclusion na baka mahal niya pa iyong ex niya..." ganting pang-aasar ni Alessan- I mean, Sandy, at pinagtaasan pa ako ng kilay.

Sharrie gasped. "Oo nga noh! Hoy Belle! Mahal mo pa? Pwede ba 'yon? Six years na silang wala pero mahal niya pa rin?"

"Pwede kung kay Belle. Boba yan eh."

Saktong panibagong sikat na party music ang pumailanlang sa buong club kaya naputol ang pag-uusap namin. The DJ hyped up the crowd at nagtagumpay naman siya. The crowd, including us in our table, screamed. We also danced a little habang nakaupo sa couch namin.

Until the Stars Align AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon